32

812 22 0
                                    

Damn. How dare him to call me a slut?! That jerk!

"Oy. Bat ganyan ang mukha mo?"

Umupo si Kean sa tabi ko "Psh. Hindi mo ko sinundo kanina kaya pinagtripan nana man ako. Kasalanan mo to!" Inirapan ko sya at pinag patuloy ang pagkain ko.

Ibinaba ako ni Eros kanina. Tatlong araw nalang din naman ay aalisin na ang naka lagay sa paa ko. Kaya konting tiis nalang.

Ngumuso si Kean at hinawakan ang braso ko

"Sorry na. May Exam kasi kami kanina. Sino umaway sayo? Aawayin ko. Tell me"

"Shut up" Inis na saway ko

"Yen. Si Ri at Zach oh. Sila na pala?"

Naiyukom ko ang kamao ko. Bullshit. Ang tanga talaga ni Kean. Tumingala ako para salubungin ang tingin saakin ni Ri.

Ngumiti sya saakin pero inirapan ko lang sya. May gana pang ngumiti pagkatapos ng ginawa nya saakin. Sungalngalin ko kaya sya ng tinidor na hawak ko?!

Todo kapit naman sa bewang ni Ri itong mukhang tae na Zach na to. Nginisian ako ni Zach. Nginitian ko sya ng pag katamis tamis. Anong akala nya? Papatalo ako sa pag aasar nya saakin?

Humawak din ako ng mahigpit kay Kean at lumapit sakanya. "Sumakay ka ah? Wag kang tanga" Bulong ko

Kung titignan sya malayo para kaming naghahalikan.

"Pwedi ba kaming maki upo?" Tanong ni Ri.

"Sure. You dont mind it right babe?" Umakbay saakin si Kean

Nginitian ko sya. "Afcourse I dont mind it babe. Come on. Have a sit bessy"

Patago kong siniko si Kean. May pa akbay akbay pang nalalaman.

Umupo na sila sa harapan ko. Hindi naka takas sa aking paningin ang pag ngisi saakin ni Zach.

Bwisit. Ang kapal ng mukha. Akala ba nya gwapo sya?! Hindi ba nya alam na mukha pa rin syang tae? Nakakagigil .

"Babe. May problema ba? Bakit pinag iinitan mo yang cake mo? Naging mumog na tuloy"

Napatingin ako sa cake na nasa plato ko. Lusaw na nga.

I heard Zach chuckle.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Problema mo?" Tanong nya saakin.

Ibinagsak ko ang hawak kong tinidor. "Wala. Ang sama kasi ng mukha mo. Naasiwa ako" Pang aasar ko sakanya.

Hindi naman sya nagpatalo. Nginisihan nya din ako "Sorry ah? Hindi ko alam na naasiwa ka pala sa gwapong mukha ko"

Naiyukom ko ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Nakakagigil.

"Oh talaga? Ngayon ko lang nalaman na gwapo na pala yang ganyang mukha?" I said sarcastically.

"Baka puro pangit ang nakaka salamuha mong mga LALAKI?"

He emphasize the word "LALAKI" Nakakagigil. Konting konti nalang talaga masasapak ko na to. Sinipa ko ng malakas ang tuhod ni Zach sa ilalim ng mesa.

"Ouch!" Daing nya.

"Opps. Sorry. Kala ko kasi yung paa ng mesa yun e. Nasipa tuloy kita. Masakit ba? Sorry ah?"

Namula ang mukha ni Zach sa inis. Napatingin ako kina Ri at Kean na nakatingin saamin.

"What?" Inis na tanong ko

Sabay pa silang umiling. Ang sama ng tingin saakin ni Zach. Natatakot ako grabe -.-

"Lets go babe. Naasiwa ako sa mukha ng mga tao dito. Ang lakas din ng hangin. Nilalamig ako. Buhatin mo na ako. Gusto ko ng umakyat"

Binuhat ako ni Kean na parang bagong kasal. I smirk.

1 point -Athea Yen
0 - Zach Miguel

"Ugali mo talaga. Di na nagbago" natatawang sabi ni Kean habang paakyat kami.

"Have you seen his face?" Hindi ko mapigilang hindi mapahalakhak.

Sobrang namumula kasi ang mukha nya sa inis. Dapat lang. I am Athea Yen Castillo. Dont mess up with me.

Umiling iling si Kean habang ibinababa ako. "Sinduin nalang kita mamaya ah?"

"Wag na. Susunduin ako ni Kuya"

"Okey sge" sang syon nya

Pagkalabas ni Kean napabuntong hininga ako. Ayoko ng ganito. Ayoko ng ugali ni Zach ngayon.

Napapikit ako dahil alam kong kasalanan ko ang lahat kung bakit nag kaka ganyan sya ngayon.

Hindi na sya yung lalaking minahal ko at minamahal ko. Sobrang laki ng pinagbago nya.

Nasasaktan ako sa tuwing makikita ko silang mag kasama ni Ri.

Yumuko ako at hinawakan ang paa ko. Konting araw nalang maaalis na yung benda.

"Oy. Pilay! Tawag ka ni Ms. Flores!"

Napa angat ako ng tingin sa narinig ko. Pilay? Inirapan ko si Ella. Bwisit. Hanggang kailan ba ako iinisin ng babaeng to?!

"Tanga kaba? Kita mo ng PILAY yan papa puntahin mo pa mag isa"

Lalo akong nainis ng sabayan ni Zach ang pang aasar saakin. I close my fist to control my iriitation.

Hindi ako kumibo. Tinignan ko lang sila at nginitian. Wag kang mag papaapekto sakanila Yen.

Sometimes you just gotta stay silent cause no word can explain the shit that's going on in your mind and heart

"Kawawa kana man wala kang kaibigan. Iniwan kana nga ng kaibigan mo. Pinag palit kapa ni Zach. Ouch. Anong feeling Yen?"

I want to break her neck. This girl is really getting on my nerves.

"Afcourse. Hindi naman masasaktan yan. She's a bitch. Dont forget that"

Napantig ang tenga ko sa narinig ko. Hindi ko na kaya to.
Pinilit kong itapak ang isa kong paa kahit nahihirapan ako.

"Sino ka nga kasi?" Duro ko kay Zach. Tinignan ko sya ng deretso sa mata habang naglalakad papunta sa pwesto nila. Sobrang sakit ng paa ko sa bawat pag hakbang ginagawa ko pero hindi ko iyon ininda. Lahat ng classmate ko ay naka abang sa aking susunod na sasabihin. Bago ko ituloy ang sasabihin ko tinignan ko si Riri na nasa tabi ni Zach. "Hindi na kasi kita kilala. Ibang iba kana"

Hindi ko na sya hinintay sumagot.

Naglakad ako palabas kahit masakit ang paa ko. Hindi ko kayang mag stay sa isang room na puno ng mga taong makikitid ang utak.

Nahilo ako bigla ng marealize ko na nasa hagdan pala ako.

"Yen!" Rinig kong sigaw ni Ri saakin.

Hindi ko sya pinansin. Humawak ako ng mahigpit sa railings ng hagdan.

"Wag kang hahakbang. Mahuhulog ka. Tulungan na kita"

"Pwedi ba. Wag kang mag paka santa. Hindi mo bagay" Bara ko sakanya

"PWEDI BA YEN! PINAKIKI SAMAHAN NA NGA KITA NG MAAAYOS EH!"

"Puny*ta. Umalis ka nga dito. Pabayaan moko. Hindi kita kailangan"

Pilit kong inaalis ang pag kakahawak nya sa braso ko.

"Let go off me" Mahinahon at madiing saad ko.

Unti unti nyang inalis ang kamay nya sa braso ko. Nanlilisik ang mata kong tumingin sakanya.

"You dont know what I feel. You are fckin selfish"

Hinakbang ko pababa ang paa ko kahit masakit. Hindi ko kailangan ng tulong nya. Makaka baba ako mag isa.

Kahit sobrang hirap pilit kong inihahakbang ang paa ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon.

Kung magagalit ba ako dahil sa pang iinsulto saakin ni Zach oh maiiyak dahil ibang iba na sya?

Bakit ba ako lang ang mali dito? Saan ko ba talaga dapat ilugar ang sarili ko?

Nakakapagod na.

She's dating Mr. Eye glassesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن