14

847 24 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari kagabi. Hindi ko alam kung kaya ko pabang harapin si Zach.

At isa pa. Nahihiya din ako kay daddy dahil nasira ko ang party nya.

Kasalanan lahat ni Kean to. Hindi ko alam kung ano bang problema nya at ginugulo nana man nya ang buhay ko.

Natuto akong lumimot. Umiwas. Pero ayan nana man sya. Nag paparamdam.

Akala ba nya ganun lang kadali ang lahat? Pagkatapos kong maibangon ang sarili ko. Sasabihin nya na gusto nya akong bumalik sakanya?

Thats bullshit.

I sigh. Hanggang kailan ba magiging ganito ang takbo ng buhay ko? Wala ba akong karapatang maging masaya?

"Ang lalim ng iniisip mo ah?"

Bumalik ako sa realidad ng magsalita si Manong Cardo. Ang personal driver namin.

Ngumiti ako ng pilit at humarap sakanya "Manong bakit ganun? Kung kailan maayos na ako. Natuto na ako. Dun sya babalik at mang gugulo?"

Hirap na hirap akong bitawan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Lately nagiging iyakin na ako.

Tumingin sa salamin si Manong Cardo at nginitian ako.

"Anak. Minsan kailangan nating madapa. Para matutong umahon. Nasasaktan tayo para matuto. Yang nararanasan mo ngayon ay isa lang sa mga pagsubok na ibinibigay ng Diyos. Kung natuto kang umahon. Matuto kang mag patawad hija. Bakit hindi mo sya bigyan ng pangalawang pagkakataon?"

Napapikit ako. Tama nga si mang cardo. Parte nga lang ng buhay ng pagsubok. Pero handa nga ba akong magpatawad at magbigay ng pangalawang pagkakataon?

Hindi na ako kumibo. Dahil wala din naman akong alam isagot. Hindi ko namalayan na nasa harapan na ako SEHS.

Sana maging maayos ang araw na ito.

Huminga muna ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan.

"Ingat po manong"

I wave my hand and mouthed "takecare" to mang cardo.

Naglakad na ako papasok ng makasalubong ko si Mary Joy isa sa mga classmate ko.

Andami nyang bitbit na libro kaya nilapitan ko sya para tulungan.

"Ah. Mary joy. Akin na yung iba mong hawak. Tutulungan na kita"

Nabigla sya sa inasal ko kaya hindi nya agad naabot saakin ang libro.

"Ah-salamat" Nahihiya pa syang tumingin saakin

Nginitian ko lang sya at nakisabay maglakad sakanya.

I miss my bestfriend. Mag iisang buwan na syang wala. May balak pa kaya syang umuwi? -.-

"Dito nalang athea. Ibabalik ko lang kay Ms. Garcia ang mga book na yan. Salamat pala"

Iniabot ko na sakanya ang mga hawak kong libro at ngumiti.

"Walang anuman. Sge una na ako"

Tumango lang sya kaya iniwan ko na sya sa harap ng faculty room.

Hindi pa man ako nakaka hakbang ng madami ng makita ko ang mga nag kakaguluhang mga Istudyante. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang pinag tatawanan nila.

"Zach ..." Bulong ko

Tumakbo ako ng wala sa oras dahil nakita kong pinagtritripan nila ni Zach.

"HAHAHA! Wala ka naman pala eh! Lampa! Nerd! Hindi ka bagay kay Athea! Layuan mo nga sya!!!"

Napantig ang tenga ko sa narinig ko kaya hinatak ko paharap saakin ang lalaking nagbubully kay Zach.

"Ath-ea" Kinakabahang sambit nya.

She's dating Mr. Eye glassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon