18

837 26 0
                                    

Halos dalawang linggo na kaming walang pahinga ni Zach dahil sa pag hahanda sa pagent. We need to give our best. Hindi pweding mapahiya ang SEHS.

Sa kasawiang palad. Lol. Haha. Naging close na ulit kami ni Zach pero nandun parin yung asaran namin.

Lagi din naman kasama si Ri. Hindi ko alam ang namamagitan sa dalawa. Ang alam ko lang nasasaktan ako.

Oo nasasaktan ako. Nakakahiya mang aminin. Nahulog na ako sakanya. Pero pilipilit kong bumangon para hindi masaktan.

Noong una pilit kong tinatanggi tong nararamdaman ko. Pero habang tumatagal. Narealize ko na huli na. Nahulog na ako.

Hindi naman ako tanga para hindi mahalata na may something sakanilang dalawa ng kaibigan ko.

Sa ngayon. Iniiwas ko ang mapalapit ang matagal kay Zach. Dahil natatakot ako na baka mahulog ako ng todo at di na makabangon.

Ayoko na masaktan. Geez. Enough na sa drama Yen! Kailangan mo mag practice. Suway ko sa sarili ko.

Kaya kahit sobrang antok na antok na ako at pagod pilit kong pinapractice ang kakantahin namin ni Zach.

Opo kakanta kami. Dahil parehas kaliwa ang mga paa namin. Maganda naman ang boses nya kaya pwedi na.

Nandito kami ngayon sa faculty room. Tumutulong kami sa pag aayos ng mga props na gagamitin namin.

Dumidistansya ako ng konti kay Zach dahil kasama din namin si Ri. Nakikita ko na masaya ang kaibigan ko kaya ayoko umeksena kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Bitch man ako sa paningin ng iba. May puso pa din naman ako. Kung alam kong sasaya ang kaibigan ko doon. Go. Kahit masakit. Mababangon ko pa naman ang sarili ko. Hindi ba?

Napaiwas ako ng tingin ng mahuli ako ni Zach na nakatitig sakanya. Nakakahiya.

Kaya tumalikod nalang ako at kunwariy may pinupulot sa ilalim. Para akong tanga na naka upo sa baba.

Napag pasyahan kong lumabas dahil naiihi ako. Nag paalam ako kay Ms. Flores bago lumabas.

Pumasok ako sa pinaka dulo na cubicle sa CR. Pagkatapos kong umihi nabigla ako ng makita ko si Riri na nag aayos.

Ngayon ko lang sya nakitang mag make up. Ganun ba talaga kalakas ang tama nya kay Zach?

"Oh. Ikaw pala bes"

Ngumiti ako sakanya at tinabihan sya. "Blooming huh?" Kunwari asar ko sakanya

Kahit alam ko na ang dahilan bakit ganyan sya ngayon

"Yes Bes. Finally. Haha. Kami na ni Zach. Ang first love ko! My God. I was dreaming about it. Hindi ko akalain na mag kaka totoo"

Parang may bombang sumabog sa loob ko. Sila na? Kaya pala lagi silang mag kasama. Ang bilis naman. Para akong mahihimatay dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Napatigil sa pagtili si Riri at nag aalalang tumingin saakin "Okey ka lang ba?"

Ngumiti ako ng pilit. Umayos ka Athea!

"Ah sorry. Bigla kasing sumakit ang ulo ko. By the way Congrats. Una na ako ah?"

Nag paalam na ako sakanya at tumakbo palabas. Ang sakit. Alam kong wala akong karapatan mag selos. Pero iyon ang nararamdaman ko ngayon.

Para akong maiiyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko.

Kainis naman. Kahit kailan talaga hindi marunong makisama ang pesteng luha na to!

"Hey. Why are you crying?"

She's dating Mr. Eye glassesWhere stories live. Discover now