17

855 25 0
                                    

Simula ng naging away namin ni Ella. Hindi ko na tinatapunan ng tingin si Zach umiwas na ako sakanya. Ganun din naman sya.

Sa tuwing makaka salubong ko sya ay para kaming hangin sa isa't isa.

Galit ako sakanya. Iniiwasan ko sya pero may kung anong sakit anong nararamdaman tuwing mag kasama sila ni Riri.

Tulad ngayon magkasama silang kumakain sa canteen. Sorang saya nila.

Ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya si Ri. Alam kong gusto nya si Zach. Naalala ko na si Zach pala ang tinutukoy ni Ri na first love nya.

Small world isn't it?

"Hey"

Tinaasan ko lang ng kilay si Kean. Naalala ko yung binigay nyang paper bag saakin. Puno iyon ng mga pictures namin magkasama. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto nyang mangyari. Kung ano man iyon ay hindi ako natutuwa.

Naiinis ako. Aaminin ko gusto ko pa sya. Pero may kung anong part saakin na ayaw na sakanya.

Hindi naman nya ako masisisi dahil nasaktan ako. Sinaktan nya ako.

"Sungit. Can I join you?"

Pano nya nagagawang ngumiti na para bang walang nangyari sa pagitan namin.

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang syang umupo sa harapan ko. Wala ako sa mood na barahin sya o pag sungitan.

Nakangiti syang umupo sa harapan ko. "Kain?" Pag yayaya nya saakin

Umiling lang ako at inituon ang sarili ko kay Zach at Riri na masayang kumakain ngayon.

"Sino ba ang tinitignan mo?" Usisa ni Kean

"WALA! Kumain kana lang nga! Asar na sigaw ko sakanya

Nagkibit bakilat lang sya at nag pout "Dati pag pinapakain moko sobrang sweet mo. Bakit ngayon sinisigawan mo ako?"

Hinawakan nya pa ang dibdib nya at nag kunwari na nasasaktan

Inirapan ko lang sya "Past is past" Bulong ko

Yumuko lang sya at pinag patuloy ang pagkain nya. Nanliit ang mata ko ng makita kong may tattoo sya sa leeg.

It was letter AEC

Im not nave. Alam ko ang ibig sabihin nun. Hinatak ko sya papalapit saakin.

Kung titingin ka sa likod para kaming nag hahalikan dahil sobrang lapit ng mukha namin.

"Bat ka nag pa tattoo?!" Binitawan ko sya at binatukan

"Aray! Napaka sadista mo talaga!"

Hindi ko sya pinansin. Nakatingin parin ako sa leeg nya.

"Ipaalis mo yan" mahinahon pero madiing saad ko.

Umiling sya ng tatlong beses bago sumagot "Ayoko! Hayaan mo na to"

Lumipat ako ng upuan at kinwelyuhan sya.

"Para kang adik. Ayoko sa may mga tattoo!" Inis na sigaw ko

Ngumisi sya saakin "So gusto mo pa din ako? Sge papaalis ko na to bukas na bukas"

Nabitawan ko sya at naitulak "ANG KAPAL MO!"

Tumawa sya ng malakas. Nakakahiya. Wala syang manners. Bwisit na to. Idadamay pa ako sa kahihiyan nya!

Kinuha ko na ang libro at bag ko sa table. Iniwan ko si Kean sa table dahil panira sya ng araw

"Iiwan mo nana man ako?" Nag pout pa sya

"Hindi ako ang nang iwan. Pwedi ba. Tigilan moko sa drama ko. Wag ka din ngumuso. Mukha kang tae"

She's dating Mr. Eye glassesWhere stories live. Discover now