16

851 22 0
                                    

"Athea"

Lumingon ako sa pinang gagalingan ng boses na iyon.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Riri.

"Riri" Nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit.

"Hindi na ako makahinga Bes"
Natatawang saad ni Riri

Binitawan ko sya at tinignan. Pinagtitinginan kami ng mga tao kaya hinatak ko sya at pumunta sa canteen.

"So kumusta?" Pag uumpisa nya ng topic.

"Im good" Maikling sagot ko

Halos isang buwan din syang nawala dahil may inasikaso sya tungkol sa school. Medyo pumayat sya dahil na din siguro sa stress.

Nagtaka ako ng nanlaki ang mata ni Riri kaya sinundan ko ang tingin nya.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ng makita kong si Zach ang tinitignan nya

"Miggyyyy! Omygod. Is that you?"

Nagmamadaling tumayo si Riri at niyakap ng mahigpit si Zach. Sobrang sakit sa mata. Geez. Miggy? Ang baduy ah.

Nakita ko ang pag kabigla sa mata ni Zach pero napalitan ng saya.

Magkakilala sila? Malamang Athea kaya nga mag kayakap e.

"How are you Ri? You look beautiful huh?"

Lakas mambola. Mas maganda kaya ako kay Riri. Psh.

"Oh thankyou. Haha"

Hindi ko na kayang panuorin sila kaya tumayo ako.

"Athea! Come here!"

Napapikit ako. Dont tell me papakilala nya ako kay Zach? Kilala ko na sya Ri.

Dahan dahan akong lumingon at ngumiti ng pilit.

Alam mo yung masakit? Yung hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Zach.

Hindi bat ito naman ang gusto ko? Ang iwasan nya ako. Pero bakit nasasaktan ako?

"Zach. This is Athea Yen my bestfriend. Athea this is Zach a friend" Pagpapakilala ni Riri

Tumango lang ako. Dahil hindi ako tinignan ni Zach.

"Una na ako ah Ri? Mamaya na tayo mag usap. Bye"

Tumalikod na ako sakanila. Nabibingi ako sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

Ang paglakad ko ay naging takbo. Hindi na ako lumingon nag tuloy tuloy lang ako

Edi sila na ang close. Go. Hindi naman ako mamamatay kahit mag halikan sila sa harapan ko. The hell I care. Yeah. Wala akong pakealam.

Padabog akong umupo sa upuan ko at yumuko. The heck. Sorbang sakit ng ulo ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip kay Zach.

Gustong gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko pero hindi ko magawa. Huli na ang lahat para bawiin kopa. Alam kong nasaktan sya sa mga sinabi ko.

Ang tanga tanga mo talaga Yen! Napaka insensitive mo!

"Uy!" Nag angat ako ng ulo ng may kumalabit saakin

"Ikaw pala Mary joy"

Inayos ko ang hibla ng buhok ko at umupo ng maayos.

"Ah ano. Pinapabigay ni Kean"

Iniabot nya saakin ang isang paper bag. Hindi ko alam kung tatanggapin ko oh hindi. Ano nana man ba iyon?

"Ibalik mo sakanya" malamig na tugon ko.

Narinig ko syang napa buntong hininga.

"Nakita ko kasi sya sa Locker mo kanina. Titig na titig sa locker mo habang hawak ito. Nakita ko ang lungkot sa mata nya. Kaya I decide to talk to him. I ask him kung sayo nya pa ibibigay yan"

She's dating Mr. Eye glassesWhere stories live. Discover now