27

752 24 0
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali sa upuan ko dahil kanina pa titig na titig saakin si Zach kahit nandyan si Ri sa tabi nya.Sinipa ko ang paa nya sa baba.

Nakakainis kasi. Kinakabahan ako sa ginagawa nya.

Nabigla ako ng tumayo si Riri at hawakan ang Necklace na nasa leeg ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Wow. Ang ganda nyan Yen. Kanino galing?"

Tumingin ako kay Zach para humingi ng tulong pero nginisihan nya lang ako.

Hinarap ko si Ri at nginitian "Ah. Ano binili ni Kuya Drew saakin"

Nakahinga ako ng maluwag dahil naniwala sya sa palusot ko.

"Baby meron ka din pala ah. Ang ganda. Pwedi ko bang hingin?"

I close my fist. Subukan mo lang ibigay yan Zach. Sisigaw ako dito mismo.

"Ah. Im sorry Ri. Kay mommy kasi to. Ibibili nalang kita"

Nginitian ko si Zach "Ganyan ba kahalaga yan Zach para hindi mo maibigay kay Riri?"

Tinaasan nya ako ng kilay. Gusto ko tumawa ng malakas dahil sa sunod sunod na pag lunok nya.

"By the way Ri. Una muna ako ah? May gagawin pa pala ako"
Palusot ko

Tumango si Ri saakin. Pag talikod ko napangiti ako ng malapad. Hindi maka sagot ang baliw. Haha.

Pagpasok na pagpasok ko sa room nakita kong naka ngiti na parang demonyo si Ella. Inirapan ko lang sya.

Lalagpasan ko sana sya ng bigla syang magsalita na ikinabigla ko

"Nice Necklace Athea. Kanino nga galing yan? Kay Zach?"

Na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Para akong malalagutan ng hininga sa narinig ko.

"Wh-at a-re y-ou ta-lking a-bo-ut bitch?"

Lumapit sya saakin at ipinakita nya saakin ang hawak nyang Envelope. Nanginginig ang kamay ko ng buksan ko iyon.

It was taken Yesterday. May stolen shot namin ni Zach habang mag kayakap. Mag kahawak ang kamay at noong nasa mall kami.

"Sino ang bitch saating dalawa ngayon?"

Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko. Gusto ko syang sampalin. Sabunutan. Pero hindi ko magawa.

"Shut up" Madiin na sabi ko

"You shut up. May tinatago ka palang kalandian eh ano? Boyfriend ng kaibigan mo inahas mo! Ano kayang magiging reaksyon ni Ri kapag nalaman nya to?" Naka ngising tanong nya.

Lumapit ako sakanya at sinampal sya ng malakas.

Akmang lalapitan nya ako para gumanti ng may sumigaw sa labas ..

"Yen!"

Nabitawan ko lahat ng hawak ko ng dahil si Ri at Zach ang dumating. Mabilis na lumapit saamin si Ri.

Gusto ko syang itulak palayo para hindi nya magawa. Huli na ang lahat dahil nakita ko ang paglaki ang mata nya.

Dahan dahan syang yumuko para kunin ang mga pictures namin si Zach.

Nanginginig ang buong katawan ko. Tinignan ko si Zach. Nanlaki din ng mukha nya sa gulat.

"Ri --"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sinampal nya ako ng malakas.

Napapikit ako sa sobrang sakit. Kulang pa to.

"HOW DARE YOU YEN! I TRUST YOU BUT YOU FLIRT MY BOYFRIEND! I HATE YOU! WHY DID YOU DO THIS TO ME?!"

She's dating Mr. Eye glassesWhere stories live. Discover now