10

1K 26 0
                                    


Gumising ako ng maaga para mag ayos. May tutoring lesson kami ngayon ni Zach. Hindi ko pa nasabi kina mommy na may nag tututor saakin dahil nahihiya ako.

Bumaba na ako para mag paalam.

"Mommy" Nilingon nya ako at nginitian

I am lucky to have my mom. She is the most beautiful mother in the whole world.

Ayoko sana syang istorbohin dahil inaasikaso nya ang birthday party ni Daddy bukas pero ayoko din naman umalis ng hindi nag papa alam. Kahit papa ano alam ko pa naman ang tama sa mali.

"Yes anak?" Malambing na sagot nya

Nginitian ko sya "Mom, may bibilhin lang po ako sa mall. Babalik din po ako"

Tumango si mommy at hinalikan ako sa pisngi "Okay. Takecare"

Lumabas na ako bago pa ako makita ni Kuya. Sigurado hindi maniniwala yun na may bibilhin ako sa Mall dahil galing palang kami kahapon doon.

Hindi lang mahigpit si mommy kaya hinayaan nya akong umalis

Naglakad lang ako papunta sa park malapit sa bahay kung saan kami unang nagkalapit ni Zach.

7 am na din ng umaga. Ang usapan namin ay dito kami mag kikita. Pero wala pa sya kaya nag hintay pa ako.

School may be hard, annoying, and irritating. But admit it, you're going to miss it when it ends.

I promise to myself na aayusin ko na ang buhay ko. Mag aaral na ako ng maayos at aayusin ko ang ugali ko

Sobrang hirap mag adjust sa mga bagay na nakasanayan mo na.

Sometimes, I wish I could start over my life and do everything I did wrong the right way

"Ang lalim ng iniisip mo ah?"

Nabigla ako ng magsalita si Zach sa likuran ko.

"Hilig mo ba talaga ang mang gulat ah?" Inis na sabi ko

Ngumiti lang sya saakin at umupo sa tabi ko. He wear simple tshirt and short. But he look hot. Omyg. Hot?

"What are you thinking?" Tanong nya saakin

Nakatingin lang sya sa mga batang naglalaro. Side view, Sobrang tangos ng ilong nya.

Tumingin lang ako sa langit ang huminga ng malalim.

"About me" Mahinang sambit ko

"What about you?" Tanong nya

Sa sobrang gaan ng pakiramdam ko kay Zach. Hindi ako nahihiya na sabihin sakanya ang mga hinanakit at mga iniisip ko. I trust him kahit hindi ko pa sya ganun kakilala.

Nasanay na din ako na malapit sya saakin. Halos 1 month palang kaming mag kasama pero sobrang gaan na ng loob ko sakanya.

"Masama ba ako?" Tinignan ko sya

Tinignan nya ako sa mata. Nailang ako sa klase ng pagtingin nya kaya iniwas ko ng tingin ko sakanya

"Sa totoo lang hindi ko masasagot ng maayos yan. Dahil kailan lang kita nakilala. But for me No. Hindi ka masama. Sabi mo nga hindi mo lang sila close kaya nasusungitan mo sila. You know what, Hindi porket lagi kang nakiki pag sagutan sa iba ay masama kana. You may be bad sometimes but I know you have a Kind heart. Show them that you are Good. You are not a Bitch" Mahabang saad nya

Sobrang nakaka taba ng puso ang bawat salitang binibitawan nya. Hindi ko alam kung bakit ganyan sya kabait saakin. Sa kabila ng pag susungit ko sakanya.

I hug him. My heart begin to beat so fast. I dont know why I am feeling this. Everytime na magka dikit kami bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko. Kailangan ko na atang mag pa check up.

She's dating Mr. Eye glassesWhere stories live. Discover now