15

824 27 0
                                    

Binalikan ko si Zach sa clinic dahil baka ano nana man ang gawin nila sakanya. Tanga pa naman sya minsan.

Duwag pa.

Napa buntong hininga nalang ako.

"Oh ayan na pala si Athea"

Pagpasok ko sa clinic nakita ko si Zach na nakaupo sa sulok habang hawak ang cellphone nya.

Nginitian ko si Ate jen at nag pasalamat sa pang gagamot sa lampang kasama ko.

"San ka galing?" Tanong nya

"Sa Impyerno" Cold na sagot ko

Sorry. Wala talaga ako sa mood na kausapin sya ng maayos. Naiinis parin ako dahil hindi nya man lang maipagtanggol ang sarili nya. Lalaki ba talaga sya?

"Ay naku Zach. Masanay kana kay Athea. Ganyan talaga sumagot yan" Natatawang saad ni Ate jen

Close na agad sila? Psh.

"Hali kana" Yaya ko sakanya

Tumayo na sya at sumunod saakin. Naiilang ba sya oh ano?

"Papasok paba tayo?"

Hindi ako sumagot. Hinatak ko lang sya. Hindi naman sya pumalag kaya nag tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ko

Wala ng mga estudyante sa hallway dahil class hour nya. Dahil sa kagagawan ni Kean hindi kami nakapasok.

Gusto ko pa naman bumawi sa mga subject na mababa ako pero sinira ng mukhang tae kong EX.

Dinala ko si Zach sa secret place ko sa isang garden malapit sa likod ng Gym.

Rinig na rinig mo dito ang ingay ng mga naglalaro sa gym. Madalas ako dito pag tinatamad akong pumasok.

"How did you know this place?" May bahid ng pagka mangha sa tono ng boses ni Zach

Nung una akong makarating dito ay namangha din ako. Dahil napapalibutan ito ng ibat ibang bulaklak.

"Dito ako pumupunta pag tinatamad akong pumasok"

Tumingin sya saakin at umupo sa tabi ko.

"Tamad" Asar nya

Tinaasan ko sya ng kilay at hinampas.

"So? Atleast hindi ako lampa. Duwag kagaya mo"

Nalungkot ang mukha nya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Ano ba itong nararamdaman ko?

Huminga sya ng malalim bago sumagot "Ayoko lumaban dahil hindi naman ako pala away. At wala din naman akong laban. Isang hamak na Nerd lang naman ako. Duwag Lampa. Mas gugustuhin kong pumunta sa isang sulok kung saan walang makaka pansin saakin. Sanay ako na mag isa. Hindi pinapansin at dinadaandaanan. Hindi kagaya mo. Sikat ka. Madaming may gusto sayo. Ta--"

Tinakpan ko ang bibig nya gamit ang kamay ko. Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Hindi ko gusto ang naririnig kong lumalabas sa bibig nya.

"Kung alam mo pala na sikat ako. Bakit pilit mo pa akong sinusundan noon? Akala ko ba gusto mo ng tahimik na buhay? Bakit isinisiksik mo ang sarili mo saakin? Kung ayaw mo ng magulong buhay. Lumayo ka saakin"

Hindi ko maiwasan ang di mainis. Para bang sinasabi nya na gumulo lang ang buhay nya ng kasama nya ako.

Inalis ko ang kamay ko sa bibig nya at tumayo

"I am who I am. I like what I like. I love what I love. I do what I do. Get off my back at deal with it. Simula ngayon wag na wag ka nang lalapit saakin" Malamig na tugon ko

Humakbang na ako papalayo sakanya. Hindi pa man ako nakakalayo ng maramdaman ko ang dalawa nyang kamay na nasa bewang ko.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at nahirapan akong huminga. Ano bang ginagawa nya?

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin Athea. Gusto ko lagi akong nasa tabi mo dahil .. Dahil kailangan mo ako. Oo kailangan mo ako. Gusto kitang tulungan"

Pilit kong inaalis ang kamay nya na naka palupot sa bewang ko pero pilit nyang hinihigpitan ang pagkayakap saakin

Kailangan ko sya? Nag papatawa ba sya? Wala akong kailangan sino man. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa.

"Bitawan moko" Kalma pero madiin na sabi ko

Lumuwag ang pag kaka hawak nya saakin. Hindi ko magawang humarap dahil nararamdaman ko ang pamumula ng mukha ko

"Athea" mahinang sambit nya ng pangalan ko

Huminga ako ng malalim bago humarap sakanya

Naka tingin sya sa ibaba.
"Hindi kita kailangan Zach"

Nabigla sya sa sinabi ko "Athea please. Wag naman ganyan. Wag kang magsalita ng ganyan"

Hirap na hirap syang tumingin saakin.

"Ano ba ang mahirap intindihin sa sinabi ko Zach? HINDI KITA KAILANGAN! WALA AKONG KAILANGAN KAHIT SINO MAN SAINYO! KAYA KO ANG SARILI KO! SINO KABA AH?! Kakakilala ko lang sayo. Ni hindi ko nga alam kung totoo kaba talaga o plinaplastic mo lang din ako. Baka isa ka sa mga taong gusto akong bumagsak. Isa ka din sa mga taong nag papanggap na mabait. Lumayo kana saakin. Ayoko na makita yang pagmumukha mo"

Pain. Yun yung nakikita ko sa mata nya. Nanlambot ako.

Gusto kong bawiin ng sinabi ko sakanya. Gusto kong isigaw sa pagmumukha nya na.

OO ZACH KAILANGAN KITA! KAILANGAN na kailangan.

Nakokonsensya ako. Hindi ko dapat sinabi sakanya iyon. Ng dahil saakin ay inaaway sya at sinasaktan. Tumakbo ako palayo sakanya. Nasaktan ako ng hindi man lang nya ako hinabol.

Hindi bat yun naman ng gusto ko?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Ayokong dumepende sa iba. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Lumaki ako na malayo ang loob ko sa magulang ko.

Natuto ako na gumawa para sa sarili ko.

Para akong maiiyak ano mang oras mula ngayon. Sumisikip ang dibdib ko.

"Hey ayos ka lang?" Napa tingala ako para tignan ang nasa harapan ko

Itinulak ko sya at umalis. Hindi ng isang tulad nya ang maka pag aayos sa nararamdaman ko ngayon.

"Wait!" Narinig kong sigaw nya. Hindi ko sya pinansin tumakbo lang ako papalabas ng school.

Isa din naman sya sa dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon.

Gusto ko muna lumayo sa mga taong wala ng ginawa kundi ang saktan ako.

---

She's dating Mr. Eye glassesWhere stories live. Discover now