29

776 22 1
                                    

Akala ko ay titigil na sila sa prank nila saakin. Pero hindi pa pala tapos. Pag katapos nilang sirain ang upuan ko, gusto naman nila akong patirin. At nilagyan pa nila ng palaka ang locker ko.

At ngayon, binuhusan nila ako ng chocolate sa mukha at damit.

"Opsss. Im sorry. Tanga kasi yung kamay ko. Nadulas tuloy"

Pumikit ako para pigilan ang inis ko pero ..
Hindi ko na kaya. Sobra na.

I gave them a death glare.

"ANO BANG PROBLEMA NYO AH?! PU*NYETA. KUNG GUSTO NYO NG AYAW HUMANAP KAYO NG IBA NYONG YAYAYAIN. KUNG WALA KAYONG MAGAWA WAG AKO ANG PAGTRIPAN KO! TANGA*NA RIRI! PUNONG PUNO NA AKO SAYO! SAINYO! Bakit ba ganyan kayo?!! KAHIT ILANG DAANG MABUTI PA ANG GAWIN KO isang mali ko lang ay huhusgahan nyo na agad ako! BAKIT?! KAYO BA HINDI NAG KAKAMALI?! AKO LANG BA?! BULLSHIT! TAO LANG AKO! NAGKAKAMALI! KAYA NGA MAY SECOND CHANCE EH! PILIT KONG HINAHABAAN ANG PASENSYA KO! PERO TANG'NA LANG! HINDI KO NA KAYA! PAGOD NA PAGOD NA AKO!! ANO BANG GUSTO NYO? KUMUHA KAYO NG KUTSILYO ISAKSAK NYO NALANG SAAKIN! BULLSHIT!!!"

Hindi ko mapigilang hindi mapahikbi. Hingal na hingal ako.
Nakita ko ang pagsisisi sa mga mata ni Riri.

Tumakbo ako palabas ng canteen. Wala akong pakealam kung mukha akong basura ngayon. Ayoko na. Pagod na pagod na ako.

"Yen!"

Hindi ako lumingon. Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Pero hindi ko inaasahan ang mangyayari ..

Beeeeeeeeeeeeeeeeeep!

Napapikit ako. Naramdaman ko nalang ang pagtama ng ulo ko sasakyan at ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.

"YEN! YEN!"

Narinig kong sigaw ni Zach bago ako mawalan ng malay ..

----

ZACH MIGUEL TAN POV

Hindi ko inaasahan ang nangyari. Hinabol ko sya hanggat kaya ko pero huli na ang lahat.

Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa nangyari sakanya.
Ako ang may kasalanan kung bakit nasaktan sya.

Ang tagal kong hinintay yung araw na maka pag tapat ako sakanya tungkol sa nararamdaman ko.

Pero hindi naki ayon ang tadhana.

Mahal ko na si Yen simula palang ng una ko syang makilala. Hindi sya yung taong mag papa kaplastic. Pranka.

Yun sya. May pag kamaldita. Pero para saakin ay mabait sya.

She's not afraid for what others might think about her. She do what she wants. That's why I love her.

But everything went wrong.
--

Its been 1 week since the day she was bump by a car. Hindi pa rin sya nagigising hangga ngayon. May benda sa ulo nya at sa paa.
Nabali ang tuhod nya sa pagkaka bangga nya sa kotse.

Kinasuhan na ng daddy ni Yen ang driver ng sasakyan na iyon.

Araw araw wala akong ibang ginawa kundi ang manalangin ay kausapin sya kahit tulog.

Nagsisisi ako na maging duwag ako para ipaglaban sya. Kung maibabalik ko lang ang oras ay hindi ko sya hahayaan na saktan ng iba.

"Iho. Baka gusto mo munang umuwi para maka pag pahinga"

Napalingon ako kay Tita. Ang mommy ni Yen. Hindi na ako mag tataka kung bakit maganda si Yen. Dahil maganda ang mommy nya.

Hinayaan nya akong bisitahin at bantayan ko si Yen. Isang linggo na rin akong di pumapasok.

She's dating Mr. Eye glassesWhere stories live. Discover now