Chapter 4

89.7K 2.7K 458
                                    

Chapter 4

Nagmamadali kong hinagilap ang aking cellphone mula sa bag ko ngunit ganoon na lang ang panlulumo ko nang makitang walang signal.

What kind of place was this? Nasaang lupalop na ba ng Pilipinas ang narating ko?

Marahas akong bumuga ng hangin at pinaypayan ang sarili gamit ang aking kamay. It was a mannerism. Ganoon ako tuwing stressed out o hindi mapakali.

Sinipat ko ulit ang aking cellphone at nakitang wala pa ring signal.

Kinagat ko ang aking labi at pumasok ulit sa loob ng aking Ford.

Nagpakawala ako ng ilang buntong-hininga bago muling binuhay ang makina. I could drive back, pero hindi ko na matandaan ang eksaktong daan dahil paliko-liko rin ako niyon upang ligawin si Rhys.

Nag-aagaw dilim na ang paligid at hindi ako fan ng darkness. Hindi ako komportable.

Pinasibad ko ang Ford at pinaikot pabalik sa daan kung saan ako nanggaling kanina. Napansin ko ang panginginig ng aking kamay habang nakahawak sa manibela.

Pinabilis ko ang pagpapatakbo. Wala talagang kotse sa daan.

Bumigat ang aking paghinga. Bakit wala? Was this a private road? Land? What? Trespassing ba ako? Pero wala naman akong nakitang karatola kanina.

At mas lalo pa akong kinikilabutan sa pakiramdam na parang may nakasunod sa akin. Ganoon na ganoon ang sinasabi ng kutob ko ngayon.

Tumindig ang aking balahibo sa pag-iisip at kinagat ang labi. Tinapakan ko nang mariin ang gas. Kailangan kong makaalis dito agad-agad.

Shit! Bakit ganoon? Nang tingnan ko ang cellphone ko ay wala pa ring signal? Something was definitely not right. Nagtatangkarang talahib ang bumabalot sa buong paligid. At mas kinikilabutan pa ako sa ginagawang pagsayaw nito sa hangin.

Panay ang sulyap ko sa side mirror.

Ang Ford ko lang ang katangi-tanging sasakyang bumabagtas ng daan sa lugar na ito pero bakit ang lakas ng kutob kong may nakasunod sa akin?

Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Kung alam ko lang na magiging ganito ang resulta ng pakikipagpustahan ko kay Rhys ay hindi na sana ako tumuloy. Ako na ang hayok sa libre, oo!

Napatili ako sa gulat nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad na sinagot iyon gamit ang isang kamay. I didn’t even bother to look who the caller was.

Maiisip ko pa ba iyon kung sobrang natataranta na ako? Basta ang mahalaga ay may signal na at may makausap ako at masabihan ng sitwasyon ko!

“Hello? Wait, sino ito?”

I was breathing heavily, eyes still on the road. Maya’t mayang sumusulyap sa side mirror. Huwag na huwag kang magpapakita sa akin, Annabelle. Pumapatol ako sa doll.

Damn it!

Kumunot ang noo ko nang hindi sumagot ang caller. Inilayo ko ang cellphone sa aking tainga at tiningnan kung sino ba ang tumatawag.

Nagsitayuan muli ang balahibo ko at halos pagpawisan ako nang todo kahit na malamig sa loob ng sasakyan ko.

Unknown number.

If this was a fucking prank, lintik lang ang walang ganti. Kalilimutan kong naging kaibigan ko ang taong nasa likod nito.

“Hello? Sino ka? Magsalita ka!” matapang kong sigaw kahit na pinanghihinaan na ako ng loob.

Halos mabaliw na ako sa mga pangyayari. Tuluyan nang lumubog ang araw. Kung saan-saan na ako napapalingon sa bawat sandali. Hindi pa rin nakapatay ang tawag.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon