Chapter 15

133K 3K 1.2K
                                    

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 15

Nag-aagaw dilim na nang maalimpungatan ako. May kung anong mabigat na nakapatong sa aking katawan. Doon ko naalala ang lahat ng nangyari.

Bumaba ang tingin ko sa isang matipunong brasong nakapulupot sa aking katawan. Napalunok ako. Walang piring ang mga mata ko. I could finally get to see his face.

Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking nakahiga sa aking tabi at natutulog. He was breathing softly. Mapayapa at mahihina ang kanyang mga hilik.

I gasped in shock and horror as my eyes tried to take everything in.

Beside me was no other than Matteo Waderick Rae France.

My mind suddenly felt numb. Why? How? How about my best friend? Nililigawan niya si Rhys. Pero bakit niya ginagawa ito? Hindi ako makapaniwalang siya ang tao sa likod ng lahat ng nangyari.

Kung sa ibang pagkakataon siguro ay nagwawala na ako sa kilig. I have hots for him. Crush na crush ko talaga siya. I've reached the point of stalking his Facebook.

But this case is different.

Doon lang pumasok sa akin ang lahat. He's a fuckboy, not the serious type. Nang maligaw ako sa talahiban ay siya iyong nanamantala sa sitwasyon. He was the one who had me traumatized.

Dahil sa ginawa niya ay naging mailap ako sa mga lalaki. I grew scared for they might do the same thing to me. I never thought a guy like Matteo Papa would actually take advantage of someone's misery.

Questions hit my head like an archer aiming for its bullseye. Anong ginagawa niya sa talahiban noong gabing iyon? Bakit kinailangan niya pang takpan ang aking mga mata? At bakit ayaw niyang magpakilala?

Was it because he was courting Rhys? But then he wanted a piece of me as well? Balak niya bang tuhugin kaming dalawang magkaibigan? I swear if Rhys finds out about this, it's either she'll choose him over me or vice versa.

One has to let go of one.

Kumalabog ang dibdib ko. Sa pag-iisip pa lang ng mga bagay-bagay ay kumikirot na ang ulo ko. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako muli ng takot na minsang idinulot sa akin ni Matteo.

Naibsan iyon dahil sa wakas ay nakita ko na ang taong may pakana ng lahat. At imbis na matakot ako ay may namuong pait sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. Nagkamali ako ng ginustong lalaki.

He's certainly off limits. Hindi ko kayang biguin si Rhys. I saw how her eyes twinkle at the mention of his name. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan namin ni Rhys para sa kanya.

And I don't know now if I'm going to root for him either. Sa ginawa niyang ito ay isa lang ang napagtanto ko. Hindi malabong saktan niya ang best friend ko. Nanliligaw pa lang siya pero anong ginagawa niya sa likod ni Rhys?

He fucks around.

I'm confused right now.

Gumalaw siya sa aking tabi at hinapit pa lalo ang aking katawan. He dipped his head into the crook of my neck, his warm breathing fanning my skin. I shivered at the contact it made.

Kinagat ko ang aking labi. Dahan-dahan kong tinanggal ang kanyang brasong nakapalibot sa akin. Nahirapan pa akong gawin iyon dahil bawat angat ko ay humihigpit ito na para bang ayaw akong pakawalan.

Nang tuluyan ko iyong maalis ay tahimik akong bumangon at sinuot ang malaki niyang t-shirt na pakalat-kalat sa sahig. Hindi na ako nag-abala pang maghanap ng disenteng mga tela. I put on a pair of boxer shorts and got out of the room quietly.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon