Chapter 57

38.6K 1.5K 199
                                    

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 57

"What's your proposal all about, Camince?"

I blinked twice, snapping out of my trance. Nagawa ko ngang tapusin ang pag-proofread ng mga papel kagabi ngunit hindi naman na ako pinatulog ng mga nakita ko.

All that appeared on my mind was the girl's smile being with a France. Ilang beses ko nang tinanong ang aking sarili kung nagawa ko na bang ngumiti nang ganoon nang maging kami ni Matteo.

Her smile was genuine, and it was something that haunted me that night. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman—inggit ba o awa? Gusto kong malaman kung alam niya ba ang buong pagkatao ng kanyang kasintahan at kung anong naging reaksyon niya roon.

I wanted to know how she managed to accept the truth without hurting—without leaving. Hindi ko nga maintindihan kung ano pang saysay nitong pagkukumpara ko.

Hindi naman kami pareho ng pinagdaanan sa kamay ng isang France. Who knows? Tripp treats her right. Tripp didn't do anything that would hurt his girl. Who knows?

"Camince, are you even listening?!" Sigaw ng Senadora na nagpagulat sa akin.

Bigla akong napatayo at tumingin sa mga kasama ko sa office na mistulang nabigla rin sa ginawang pagtaas ng boses ng Senadora sa itinuturing niyang apprentice. Ito ang unang beses.

"Come again, Madame?" Wala sa sarili kong sinabi. "I haven't been listening."

"Akala mo kung sinong matalino, tatanga-tanga rin naman pala kay Madame."

The girl's voice was almost inaudible, but I had managed to hear it no matter how faint her voice was. Hindi ko siya nilingon. May araw din naman siya sa akin.

Hangga't maaari ay umiiwas akong magpakita ng hindi kanais-nais na asal dito sa office. They aren't the real business, so there's no way I'm going to include them into my affairs.

Lahat naman kaming naririto ay matatalino, at kung hindi man—magaling sa isang partikular na larangan. Hindi naman magpapaabot ng personal na imbitasyon ang Senadora para sa kung sinu-sinong pipitsuging mga estudyante.

Take it from my words, there's no other term for it. No matter how harsh it sounds, mas mainam nang maipaabot ko ang mensahe ko sa mas epektibong paraan.

Like I said, hindi ako palaaaway—palaganti lang. Bakit? Sila naman ang nag-provoke sa akin. Deserving man o hindi silang patulan, I won't let them step onto my dignity. Lintik lang talaga ang walang ganti.

"I asked if what your proposal was all about," mas mahinahon ngunit mariing sambit ng Senadora. Nakakunot ang noo nito na parang nagsasabing hindi niya nagugustuhan ang kilos ko.

Like excuse me? I have proofread speeches for her! Hindi rin uso sa kanya ang utang na loob, ano? Bitin pa nga ang paputol-putol kong tulog. I could have called off for today! Pero hindi ko ginawa dahil alam kong hindi ako ganoong klase ng tao—na pepetiks-petiks lang!

I take everything seriously, and when I work, kahit na hindi pa namang ganap na trabaho ito, I work hard. I always give my best. Hindi ko alam kung bakit tila hindi pa rin sapat iyon upang makita ng iba.

I may be not in the mood to go into the office today, but I've given myself enough push to pull it off. Huminga ako nang malalim at tumingin sa Senadora.

"My amendment proposal is of the obliteration of the pork barrel!" It wasn't my intention to raise my voice, but I was ticked off. Hinanap ng aking tingin ang mukha ng babaeng pinagsalitaan ako nang hindi maganda kanina.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon