Chapter 41

102K 2.1K 197
                                    

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 41

"Hmm?" Himig ni Matteo habang isinasayaw ako nang marahan. He was holding me so tightly like his life depended on it.

I inhaled his manly scent. His luscious perfume filled my nostrils. Hindi ko alam kung anong mayroon sa lalaking ito. Kung nasaan ako ay naroon din siya. Parang kabute na bigla na lang susulpot. Parang stalker na laging nakasunod.

Bumuntong hininga ako. Nakahilig ang aking ulo sa matigas niyang dibdib. I know how lucky I am to be held this close by a France.

Might as well, savor this moment. My heart was racing inside my chest. Hindi ko inakala na sa dinami-rami ng dumalong tao sa event na ito.

Sa kanya ang naging bagsak ko. I wonder kung bakit siya narito. I wonder if he was with someone accompanying him here. I wonder kung may date siyang idinala rito. The girl was probably with another date dahil sa resulta ng laro ni Matthew Koma.

She probably left the guy and was looking for Matteo right now. Suddenly, I felt possessive and enraged by the thought.

Kung tuluyan niya kaming nahagilap ay babawiin niya na si Matteo dahil sila naman ang dapat na magkasama. I bit my lower lip.

I wonder if the girl was Rhys. Sa pag iisip ng kung anu-ano ay paunti-unting sumisikip ang aking dibdib. Hindi naman ako nang-aagaw.

Pero pakiramdam ko ay isa akong kabit. Isang sabit sa love story na mabubuo sa kanilang dalawa. Isang nakakairitang kontrabida. My arms tightened around Matteo's waist. Gusto ko lang pagbigyan ang aking sarili. My judgement was clouded right now and it was hard for me.

I'm fully aware that I'm being biased. Likas na sa isang tao na ipagtanggol at unahin ang sarili. It was actually a right to defend yourself.

"I don't like your dress," medyo matabang ang boses ni Matteo. May halo rin itong iritasyon at hindi ko alam kung para saan iyon.

"Sana tanungin mo muna iyong suot ko if it likes you," pabalang kong sagot. This man was just so bossy and hard to please.

"Babe," he warned lowly. His grip on my waist tightened. Idiniin niya ako lalo sa kanyang katawan. I felt him sniff my hair.

Kumunot ang aking noo. "You're so weird. Bakit ka nga pala nandito? Are you with someone?" Pinilit kong magtunog walang pakialam. Na para bang natanong ko lang iyon to feed my curiosity. Ayaw kong maging ugat iyon ng pag iisip niya ng kung anu-ano.

I was just plainly asking. Iyon ang pilit kong isinasagi sa utak ko. Wala nang dapat pang ibang rason. Kahit na nagngitngit ang damdamin ko sa protesta.

His deep chuckle vibrated on his chest. Napasimangot ako nang wala sa oras. Sa tingin ko ay nag-a-assume na naman siya kahit na wala naman talaga.

Sana.

"It's funny because I feel the same way, Jergen. It feels weird to have you in my arms without you protesting. And I'm here because I had a weird feeling that told me you'd be here," mataman niyang sinabi.

I pulled away from his warm embrace and looked up at him with my eyebrows furrowed. "No," I pointed out. "You're here because you're my stalker. Don't deny me the truth," mataray kong sagot.

Walang bakas ng kung anong emosyon ang kanyang mukha. Nakatitig lamang siya sa akin na para bang naghihintay pa sa mga sasabihin ko hanggang sa matapos ako.

"Say it," I demanded forcibly.

Umangat ang sulok ng kanyang labi. His eyes became darker and more intense. Parang hinahalukay ang tiyan ko sa kilig. Unbelievable!

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon