Chapter 21

84.6K 2.2K 333
                                    

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 21

Pagkatapos naming kumain ng dala niyang carbonara dish ay naligo na ako at nagpalit ng damit. Hindi na ako tumanggi sa ibinili niyang maisusuot para sa akin. Isang simpleng t-shirt lamang ito na may crown symbol sa gitna bilang disenyo.

May ibinili rin siyang shorts para sa akin. Literal itong maikli at wala naman akong balak na magreklamo dahil sanay din ako sa pagsusuot ng mga ganoon dahil mas komportable ako.

Nadatnan ko si Matteo na may kausap sa kanyang cellphone sa kitchen. Nakaipit ito sa kanyang tainga habang abala siya sa pagliligpit ng mga hugasin at pagpupunas ng mga kamay. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang kilatisin siya.

He knew how to do the dishes. Hindi na rin masama para sa isang lalaki. I wonder if he could cook, too. I shook my thoughts away. Nanatili akong nakatayo sa bukana ng kusina. Humalukipkip ako at pinaningkitan siya ng mga mata. Gusto kong malaman kung sino ang kausap niya at kung ano ang pinag-uusapan nila.

And if it was something irrelevant, I could walk out anytime and let him talk to his buddy. Whatever.

"I can't right now." Mahinahon ang boses ni Matteo.

Kumunot ang noo ko at mas nakinig pa sa mga susunod niyang sasabihin. I was too curious. Nakita ko ang kanyang pag-iling bago siya humarap sa akin. Mismong sa pwesto ng kinaroroonan ko na para bang alam niyang naroon ako the whole time at nakikinig sa kanya.

Kumalabog ang dibdib ko. Tinaasan ko siya ng kilay upang hindi ako magmukhang guilty. Huli na para umatras at magpanggap na parang walang alam. Iisipin lang niyon na natatakot ako at ayaw kong mangyari iyon. Huminga ako nang malalim at sinalubong ang kanyang mga mata. He would probably think I was eavesdropping.

"I said no," mariin niyang sagot sa kausap. "May lakad ako." Kumuyom ang kanyang panga at humakbang patungo sa akin.

Nanatili akong nakapako sa kinatatayuan. Tumigil siya sa mismong harapan ko. Halos isang hakbang na lamang ang tanging distansya naming dalawa. Hawak niya ang cellphone sa kanyang tainga ngunit ang mga titig niya ay nakatuon lamang sa akin. Gusto nang mangatog ng mga tuhod ko ngunit maagap kong pinigilan iyon.

Hindi ko talaga gusto ang epekto niya sa akin.

"I'll hang up," pinal niyang sinabi. "I don't want to make a girl wait." He leaned down and kissed my forehead softly. "Especially if the girl is mine." Halos bulong na lamang ang mga salitang iyon. Pakiramdam ko ay tanging ako na lang ang nakarinig.

Umayos ng tayo si Matteo sa harap ko. "Now, go fuck off, faggot." Nakita ko ang panandaliang pagtalim ng kanyang mga mata bago niya ibinaba ang tawag. Ipinasok niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nag-angat ng tingin sa akin.

"Natulala ka na." Kumunot ang kanyang noo. "Sa akin." Ngumisi siya at halos mairita ako sa pagkislap ng kanyang mga mata.

"Uuwi na ako," giit ko.

Umiling siya at marahang hinawakan ang aking siko upang alalayan ako palabas ng bahay. "I've heard enough of that line. One more time and we'll deal with that in bed," seryoso niyang sinabi.

Uminit ang aking pisngi at pinamaywangan siya. Napataas siya ng kilay sa ginawa ko.

"Hindi ako natatakot sayo," pagalit kong sinabi.

His eyes narrowed a little. "I didn't say a thing."

"I know, but that's what you were trying to imply." Sinamaan ko siya ng tingin.

Umiling lang siya bilang sagot at lumapit muli sa akin. Hinuli niya ang aking baywang at pumisil-pisil pa roon. Napasimangot ako sa kanya.

"Ayaw mo talagang pinagbibigyan ako." Tumindig ang aking balahibo sa boses niya kapag nagsasalita ng Tagalog.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon