Chapter 50

54.1K 1.6K 229
                                    

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 50

Tinanong ko si Matteo kung pwede ko bang hiramin ang kotse dahil nais ko sanang ako ang magmaneho nito. Hindi siya pumayag noong una. Baka mapagod lamang daw ako at mawalan ng lakas sa date namin na isang bagay na hinding-hindi niya hahayaang mangyari.

Matteo's a tad bossy and a little too controlling. Nakikita kong isa na iyon sa mga nature niya bilang siya. Kapag gusto niya, gusto niya. Kapag ayaw niya, ayaw niya. Pwede naman iyong remedyuhan pero pahirapan pa ring mabago ang isip niya. When he says it's final, it's final.

Kaya naman makailang beses ko rin talaga siyang kinulit na hayaan niya na akong mag-drive. Mabilis at mahusay naman ako magpatakbo. Napabuntong hininga na lang siya sa pamimilit ko at sa huli ay pinagbigyan niya ako. Hindi niya pala ako kayang tiisin tapos hihindi-hindi siya sa akin.

Hihi.

Honestly speaking, hindi ko kabisado ang West Sacramento at hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng kabaliwan ko. Hindi bale na. Mahal niya naman ako, e. I'm willing to get lost in the city as long as he's by my side. Hindi ako matatakot at hindi rin ako mangangamba.

Poor him. I'll never be a sweet girlfriend. I just don't see myself being too all over him. Ini-imagine ko pa lang ay humahapdi na ang mga mata ko at nananakit ang aking sentido.

I sighed inwardly. Hinding-hindi niya malalaman ang mga pinag-iisip ko tungkol sa kanya, sa amin. Baka mauna siyang mamatay sa kilig.

Inutusan ko si Matteo na paandarin ang music. I feel like singing. How I wish this car was a convertible one. The weather was perfect for a jam.

"Tsss..." Matteo responded, bored.

Umalingawngaw ang isang maingay na party song ni Ariana Grande. Habang nakikinig ay napapaindak na rin ako at napapaheadbang.

"Careful..." Matteo warned, guarded.

Sumulyap ako kay Matteo na ngayon ay nakahalukipkip habang diretso ang tingin sa daan. Mas malala ang topak niya sa akin.

Seryoso.

"Ang KJ mo naman. Talaga bang gustong-gusto mong magdrive? Huwag kang madamot sa ganap, Matteo!" Sumimangot ako.

Kumunot ang noo nito. "Ganap?" Tanong niya.

"Oo, ganap," I repeated, still frowning.

"And what does that mean?" He asked, his face totally clueless.

"What the hell," hindi ko mapigilang pagmumura. Napakagat ako ng labi nang makita ko mula sa peripheral vision ko ang kanyang reaksyon.

He was glaring and me. Walang halong biro.

"No cursing," he ordered strictly.

My frown deepened. "Pero pwede kapag ikaw?" Tanong ko. "Get your prejudiced head out of your bigot ass, Matteo," seryoso kong sambit.

Humalakhak siya.

"Weirdo," I muttered under my breath.

"I heard that," sabat ni Matteo.

"You were supposed to," I retorted back.

"Damn, babe." Humalakhak ulit siya.

Damn ka rin! Letche?!

"I'm falling even harder and harder," nakangisi niyang sambit. "Don't cuss," muli niyang sinabi.

"Ikaw din," pabalang kong sagot.

"Sure." Nagkibit siya ng balikat na parang wala lang sa kanya iyon. "I can live without cussing, but I can't live without you," bulong niya.

Nag-init ang aking mukha. Sumulyap ako sa kanya. Mukhang hindi niya alam na narinig ko iyong bulong niya. Nakatingin siya sa labas ng window.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon