Chapter 68

52.1K 1.7K 722
                                    

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 68

I clutched my pouch tightly to my chest. Awtomatiko ang paghuhuramentado ng aking damdamin nang masilayan ang kanyang mukha—na matagal ko nang pilit na ibinaon sa limot.

“Matteo...” I whispered through the air, shock evident in my voice. Hindi ko akalaing makalipas ang mahigit isang taon ay at saka ko lang siya muling makikita—at sa ganitong estado pa.

Kinapa ko ang aking dibdib. Akala ko noon ay tapos na ako sa phase na ito. Ayaw ko nang balikan pa ang mga nangyari sa nakaraan. I don’t want to be vulnerable again.

Tapos na akong masaktan.

Bumigat ang aking paghinga habang nananatiling tuod sa aking pwesto. The cigarette slipped out of my fingers as anxiety slowly crawled its way into my whole system.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay walang sabi-sabi niya akong itinayo. Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na mangyari. He yanked me towards his rock-hard chest and sobbed against my hair.

Napakurap ako ng mga mata. My limbs suddenly became numb—I couldn’t push Matteo away. My brains were in a constant conflict. Hindi ako makapag-function nang maayos.

I’ve always hated this feeling since then.

“I... I’m happy you’re actually letting me hold you,” paos na bulong niya sa aking tainga. “It’s been hell without you, Jergen. How could you get over us just like that?” Matteo’s voice filled with hurt and betrayal.

Tila roon lamang ako natauhan.

Umiling ako at marahan siyang itinulak. Mali ito. Isang pagkakamali ang magtagpo muli ang landas naming dalawa. Naisip kong baka ito na ang hudyat upang magpasya na ako.

Nanghihinang umatras si Matteo. Kitang-kita ko mula sa kanyang mga mata na ayaw niya akong bitiwan. Mabuti na lang at mas matatag na ako ngayon. I can never be swayed by his demanding actions anymore.

“Huwag mo akong yakapin bigla-bigla sa susunod,” I said sternly. “You aren’t entitled to touch me, Matteo. We’ve parted ways, and let’s remain that way,” mahinahon kong sinabi.

Napalunok si Matteo sa kanyang narinig. Halos malusaw na ako sa intensidad ng kanyang paninitig subalit hindi ako nagpadala roon. You’re better than that, Jee. You’re much stronger now.

Matteo’s eyes raked an anger look over my outfit. “You’re barely covered. Bakit ka nagsusuot ng ganyan?” He sounded mad—accusing even. “Who are you with, mia bella?”

Huminga ako nang malalim at bored siyang tinitigan. “I don’t respond to you, Matteo. You’re a nobody to me,” malamig kong wika. My heart clenched painfully. This has to be said. This has to be done.

Bumadha ang sakit sa kanyang mga mata. “Wala na talaga? Wala na akong halaga sa’yo... Wala ka na talagang katiting na pagtingin sa akin?” Umiling siya at pinalis ang taksil na luha sa kanyang pisngi. “Ang bilis mo naman, Jergen, samantalang ako... lugmok pa rin hanggang ngayon sa alaala mo,” puno ng hinanakit niyang sinabi.

Parang pinipiga nang mariin ang aking puso. Kapag nagtagal pa ako rito ay maaaring hindi ko na magustuhan ang kahihinatnan ng pag-uusap namin.

“Aalis na ako,” paalam ko at saka siya tinalikuran. Matteo yelled my name angrily... and desperately. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. I need to text Sari as soon as possible.

“Jergen...” Pagalit akong hinila ni Matteo pabalik sa kanya. Niyakap niya ako mula sa likod. He whispered sweet nothings into my ear. Nanginginig ang kanyang katawan.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon