Chapter 9

80.1K 2.4K 307
                                    

Chapter 9

“Can Philippines be considered as one sovereign state in an international community?”

Nakatulala ako at malalim ang iniisip. Matapos ang long test namin kanina sa major ko ay nag-proceed na agad si Sir Pelaez sa next lesson. Ito na ang huling topic na ibibigay niya para sa semester na ito. At dito magtatapos ang coverage ng lessons para sa finals.

“Miss Camince.” Umalingawngaw ang isang istriktong boses sa buong classroom.

Napakurap-kurap ako at wala sa sariling tumayo. Nangangatog ang mga tuhod.

Mayroon ba akong nagawa o nasabing mali nang hindi ko namamalayan?

Tiningnan ko si Sir Pelaez na may evil smirk sa kanyang mga labi. My hands started shaking. Itinago ko ang mga iyon sa aking likod.

“P-po?” Kinagat ko ang aking labi.

“What do you think?” In-adjust ni Sir Pelaez ang kanyang salamin at pinagmasdan akong mabuti. Mukha siyang naghihintay ng paliwanag ko.

HUH?

Natameme ako.

I was thinking about the low score that I’d gotten on the long test earlier. Out of 75 items, 40 lang ako. Hindi ko maintindihan ang pagkapahiyang naramdaman ko kanina dahil si Sir Pelaez ang tipong nag-aanunsyo ng scores after checking.

I felt small.

Gusto niya bang sabihin ko iyon sa harap ng klase? Iyon kasi ang tanging nasa isip ko ngayon.

Bumuntong-hininga si Sir Pelaez. “Were you even listening while I was discussing?”

Nanlaki ang mga mata ko at walang masabi. Totoo nga’t hindi ako nakikinig sa kanya kanina kaya wala akong ideya sa kung anong mga itatanong niya!

Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng pagdududa sa sarili kong kakayahan. Pakiramdam ko’y wala akong maisasagot ngayon at kapag nagkataon, ito na ang ikalawang beses na mapapahiya ako sa klase niya sa araw na ito!

“Y-yes,” I lied.

“Then, what can you say about my question?” Nagtaas siya ng kilay.

Tahimik ang buong klase. Lahat ay nakatutok sa aming dalawa ni Sir Pelaez. They were all waiting in anticipation. Pero ni isang salita ay walang namutawi sa aking bibig.

Kumalabog ang dibdib ko at pinaglaruan ang aking mga daliri sa likod. Napasulyap ako kay Xairus na mukhang inaantok at nag-aabang din sa isasagot ko.

Napalunok ako. “P-pardon? Will you repeat the question?”

Narinig ko ang pagsinghap ng iilan kong mga kaklase. Maski si Xairus ay napataas ng kilay bago umiling. Hiyang-hiya ako sa sarili ko at halos hilingin ko na lang na sana bumuka ang lupang kinatatayuan ko upang lamunin ako.

Ngayon lang ako nakaramdam ng awa at inis sa sarili. This is stupid!

Tumikhim si Sir Pelaez at umupo sa harap. Humilig siya sa kanyang upuan at tinitigan akong mabuti.

Napayuko ako sa takot, sa inis. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, anumang oras ay iiyak na ako sa harap nila. Bakit ba nila ako ginigipit? Hindi naman ako magulo sa klase upang pagkaisahan nang ganito!

“You were my best student.” Pinaglaruan ni Sir Pelaez ang isang ballpen sa kanyang mga daliri. “Past tense. What happened to you, Miss Camince? Are you in love?” he asked teasingly.

Uminit ang aking pisngi at napanganga.

Tumawa ang buong klase. Napaatras ako nang isang beses. Nanginig ang aking mga labi. Umiling ako upang isantabi ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon