Chapter 20

89.2K 2.4K 362
                                    

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 20

Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang itinulak palayo. Napaatras siya ginawa ko. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Ramdam ko pa rin ang mainit niyang mga labi sa akin. At kung gaano kalambot iyon.

Napapikit ako nang mariin.

Bakit ko ba hinahayaang mangyari ito sa akin? Samantalang palagi kong sinasabi na may choice ang isang tao. Na may kakayahan siyang baguhin ang nakatadhana para sa kanya kung sasamahan ito ng aksyon.

And this—I let him do those things. I chose to tolerate him. Although, he didn't ask for my permission, my choice allowed him. Indirectly. So, he thought everything was going to be fine. That we wouldn't reach this point where mess became chaos.

Napamulat ako ng mga mata nang may maramdaman ako sa aking mga hita. Dumapo ang aking tingin kay Matteo na nakahiga sa aking mga hita.

Sinalubong niya ang aking tingin. Ang mabibigat niyang mga mata ay tila nangangausap. Kahit na mukha siyang gusgusin sa ginagawa niya ay orgasmic pa rin ang kagwapuhan niyang taglay. Hindi makatarungan.

Huminga ako nang malalim at akmang lilihis ng posisyon upang matabig ang kanyang ulo ngunit mabilis siya sa pag-agap. Mukhang napagtanto niya ang plano kong gawin dahil mabilis siyang tumagilid ng higa at hinawakan nang mabuti ang aking baywang.

Nanigas ako at pinakiramdaman nang maigi ang kamay niyang nakapirmi roon.

"Why are you so stubborn?" Mariin niyang tanong.

I lifted an eyebrow at his audacity. Anong karapatan niyang kwestyunin ang katigasan ulo ko kung mas matigas naman iyong kanya?

"Wala ka nang pakialam doon," pabalang kong sagot. "Kung wala kang magandang sasabihin ay manahimik ka na lang kundi sasamain yang sugat mo sa akin." Umirap ako.

Humalakhak siya.

Tumindig ang aking balahibo dahil doon. Umiwas agad ako ng tingin. I hate the things about him that could affect me. And those things should only stay there. In that category. I won't like it and I should not like it.

Matteo is a heavy sinner. And I intend to keep that in mind. Always.

Muli kong naalala ang mga nangyari. The driver was shot. I know. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kaming tatlo lamang ang nandoon nang makarinig ako ng tatlong sunud-sunod na pagputok ng baril.

I wasn't a witness, but I was there. Wala akong ideya kung sino ang gumawa niyon. I do watch CSI and SOCO but to be in the actual situation? Nakakapanlambot pala ng mga tuhod. Nakakapanginig ng kalamnan. Para kang maiihi sa sobrang takot.

Napatalon ako nang pinisil ni Matteo ang aking kamay. Alam kong nasabi ko na ito pero uulitin ko lang. He was big, alright. Kaya niya sigurong sakupin ang dalawa kong kamay gamit ang isang kanya lang.

Hindi ko mabawi ang aking kamay dahil ayaw niya iyong pakawalan. Mahigpit ang pagkakahawak niya na para bang tatakas ako.

"What?" Iritado kong tanong.

Kumunot ang kanyang noo. "Ganyan ka ba makitungo sa naglalambing sayo?"

Marahan akong napapikit. His Tagalog. The accent. His choice of words. Nagsitayuan na naman ang balahibo ko. Damn it.

"Look at me," he ordered, his tone aired with arrogance and impatience.

I opened my eyes and shot him a glare. "Huwag mo akong utusan."

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at umupo paharap sa akin. "I didn't. I just said look at me and you complied."

"Kahit na." Pinandilatan ko siya. "Naiirita ako sa boses mong utos na lang lagi ang bukambibig."

Napasinghap siya. "What?"

"Basta." Humalukipkip ako. "Huwag mo akong utusan. Ang dami mong gusto mangyari. Naririndi ako," naiinis kong sinabi.

"If I want you to do something, it doesn't mean it's a command. You make your own decisions, Jergen," malamig na sambit ni Matteo.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Even that day when you decided to take me without my consent? You know... by force." Pagak akong tumawa.

Nag-iiwan pa rin ng parang tusok-tusok na pakiramdam ang alaalang iyon sa dibdib ko.

He froze immediately at my statement. Pinagmasdan kong mabuti ang reaksyon niya. There was an impassive look on his face, and it seemed like he was debating with himself by the way his eyebrows furrowed. And for a moment, I thought I saw agony in his eyes. At alam kong pinaglalaruan lang ako ng sarili ko sa nakita.

"Ano na?" Hilaw akong ngumisi.

Marahas siyang bumuga ng hangin. Umiling siya sa akin at nag-iwas ng tingin. Ginulo niya ang kanyang buhok at saka tumayo. Walang lingon-lingon niyang nilisan ang sala upang magtungo sa kung saan.

Ha.

That's what you get. Ganyan ang napapala ng mga salita nang salita pero hindi naman iniintindi ang mga sinasabi. Make sure you taste words before you spit them out. It's as simple as that. Huwag niya nang balaking maghugas kamay pa. Alam naman nating lahat kung gaano siya karumi maglaro. Idamay mo na lahat ang ng mga kapatid niya.

Lumipas ang ilang oras na walang Matteo na nagpakita. Magdamag akong nanood ng episodes ni Spongebob Squarepants. Even for the slightest time, I was able to forget everything.

Tumingin ako sa wall clock at nalamang quarter to 7pm na. Sakto namang nakarinig ako ng malakas na kalabog ng pinto. Kumunot ang noo ko. Nasagot ang aking katanungan nang wala pa mang sampung segundo ay lumitaw si Matteo sa sala.

I saw panic in his eyes.

Kinabahan agad ako. Hindi kaya dahil sa nabaril na driver kanina ay may gustong rumesbak sa kanya at natagpuan itong secret place niya? What's worst is maybe Matteo is part of a syndicate.

Shit lang.

"B-Bakit?" Napalunok ako. "Ano?"

Kinagat niya ang kanyang labi. "I... I thought you left."

Naghari sa amin ang katahimikan. Umiwas siya ng tingin habang ako naman ay nakaawang ang bibig na nakatitig sa kanya.

How ironic. Eh, siya nga itong umalis? Bakit ba siya magtataka kung tumakas ako, hindi ba?

Ako ang unang bumagsak sa katahimikan.

"I'm here, though," balewala kong sinabi sa kabila ng matinding kalabog ng aking dibdib.

Tumango siya. May kung anong emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata na agad ding nawala. "Yeah."

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bags. Ang isa ay paper bag ng isang kilalang fast food restaurant at ang isa naman ay paper bag ng isang kilalang clothing line.

Tumikhim siya. "You haven't eaten yet. And I thought maybe you wanted to change." Sumulyap siya sa suot kong sa kanya rin naman nanggaling.

Marahan akong tumango. "Oo."

"Great," aniya. Lumapit siya at iniabot sa akin ang dalawang paper bag.

Nagtaas ako ng kilay. "Hindi ka kakain?" I asked.

Nagkibit siya ng balikat. "It depends."

"Sumagot ka nang maayos," I demanded.

"I'm sorry," malumanay niyang sagot. "Fine, I'll eat."

There. Matino ka naman pala kausap, e. Dapat pala sayo ay dinadarag nang tumino.

✡ stay tuned ✡

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon