Chapter 72

32.6K 1.3K 278
                                    

Chapter 72

“Isa sa atin ang malalagas.”

Iyon ang mga salitang paulit-ulit na naglaro sa aking isipan habang pinapanood kong iluwa ng isang SUV ang mga taong ni minsan ay hindi naging pamilyar sa akin.

Naningkit ang mga mata ko nang maaninag mula sa aking kinatatayuan ang isang pigura. Hindi ako maaaring magkamali. Halos hindi ako magkandaugaga sa paglingon mula sa aking mga magulang—hanggang sa kanila Tito at Tita.

Doon ko lang napagtantong kumpleto ang buong kamag-anakan namin sa pagtitipong ito ngayon. The look on their faces is enough for me to realize what really is happening.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan pang itago. I can’t help but feel betrayed. Pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng mga taong mismong kadugo ko pa upang ipagkait lamang ang kaalamang ito.

Pumungay ang aking mga mata nang makita ang kalagayan ni Tita Janna. She looked solemn and heartbroken. Panay ang hagod ni Tito Julio sa likod ng kanyang asawa. The gesture was supposed to calm her down, however, it seemed to have triggered something in Tita Janna, bringing her into sorrowful tears.

Umiwas ako ng tingin.

Kahit ako rin ay hindi ko kakayanin.

“Good evening.”

Bumaling ako sa limang taong walang kinalaman sa akin—maliban sa isa. Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. I can’t help it. Wala man lang nag-abalang ipaalam sa akin ang lahat.

I feel so left out.

Mahina akong napailing. Hindi pa rin ako makapaniwala. Mapait kong nginisihan si Rui na siya namang blangkong nakatitig sa akin.

Si Mommy ang unang humakbang papalapit sa kanila. “We’re happy to finally meet the whole family,” nakangiti niyang sinabi.

Pinasadahan niya ng tingin ang bawat miyembro ng pamilyang tinutukoy niya. “All boys, huh?” Her gaze softened when it darted to Rui.

Ang magaling kong pinsan naman ay ngumiti lang nang maliit kay Mama. The simple interaction seemed to annoy me to no end.

I think it’s time for me to step forward.

The clicking sound of my heels against the cemented floor made me feel so important—which was the exact opposite of what I felt earlier. “I haven’t been really informed…” I trailed off.

“Jergen…” saway ni Tita Georgia.

I ignored her.

Right now, no one deserves my respect. “Totoo naman?” I shrugged nonchalantly.

Tinitigan ko ang dalawang eleganteng matanda sa aking harapan. The old woman, whom I assume to be the mother, looks opulent in her green evening gown. Kumikinang ang mamahaling alahas nito at halos mabulag ako roon. Mukha siyang masungit at bumagay sa kanya ang lahat ng koloreteng suot niya na siyang sumisigaw ng karangyaan.

Unti-unti akong ngumisi. “The… biological parents?” Lumipad ang mga titig ko patungo kay Rui. “of Rui Montero?”

“It’s Caballero, child,” malamig na sagot ng matandang babae.

Hindi ako bumitiw sa pakikipagtitigan kay Rui. His cold, brooding eyes were magnetic. “Of course…” wala sa sarili kong sagot.

“And you are?”

I turned to look at the old woman. Walang duda. The high cheekbones. The untamed look in her eyes. Even the posture. Lahat iyon ay nakuha ni Rui.

“Where are my manners?” I asked, laughing. “I’m Jergen Carbonell Camince…” Iniwan ko sa ere ang mga susunod kong salita.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon