Chapter 16

101K 2.7K 670
                                    

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 16

'Hola, amiga. What will you be wearing for tomorrow?'

Huminga ako nang malalim at nag-isip ng pwedeng sabihin. Bukas na nga pala ang University Wide Christmas Party (UWCP) at pagkatapos noon ay Christmas break na namin.

Hindi ko alam kung anong isusuot ko bukas. Nasa puder ako ni Matteo. Hindi ako makakapili ng attire ko para bukas. Maybe I could tell him to send me home off first, and then I would go to the university by myself.

Although the party itself starts at 5pm, I should go in the morning, too. Muntik na akong makalimot na ako nga pala ang SSG President.

Bumuntong-hininga ako at sumulyap kay Matteo na abala sa paggamot sa aking tuhod. Sa sobrang gaan ng kamay niya ay wala akong maramdamang hapdi at kirot. Maliban na lang sa pagdampi ng cotton wool sa aking balat.

Nakaramdam ako ng guilt sa mga pangyayari. Technically, I'm also betraying Rhys by being with Matteo. Manliligaw niya ito at hindi lingid sa aking kaalaman ang namumuong pagtingin ng best friend ko kay Matteo.

Kailangang matigil ito.

Kinagat ko ang aking labi at ibinalik ang atensyon sa cellphone ko. Wala akong maisip na reply kay Rhys. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin ko. Simple lang naman ang tanong niya pero bakit hirap na hirap ako sumagot?

Because I'm guilty.

Napasinghap ako nang dumiin ang pagsayad ng cotton wool na may betadine sa aking tuhod. Nakapanlalambot. Iyoon ang aking unang naramdaman.

I threw a glance at Matteo. He was glaring at my cellphone. Kumunot ang aking noo.

"Tapos na ba?" I asked.

Nag-angat siya ng tingin sa akin bago sumulyap sa aking tuhod. At saka niya lang siguro naalala ang ginawa kong pagsinghap kanina dahil bigla niyang inihipan iyon.

"Give me a sec."

Nang matapos siya sa paggamot ay inayos niya ang medicine kit at ibinalik iyon sa loob ng isang cabinet. Muli kong sinuyod ng tingin ang sala.

Mayroong malaking chandelier sa gitna. Kumunot ang aking noo. Para itong mini version na palasyo sa gitna ng talahiban. Ano kayang iniisip ni Matteo? Sa kanya kaya ang bahay na ito?

Mayroong dalawang grand staircase—isa sa kaliwa at isa sa kanan. Kapag inakyat mo iyon ay makakakita ka ng malaking portrait sa gitna. I'm thinking I must have seen the image somewhere. I just couldn't pin point.

Mayroon ding fireplace ang bahay na ito. I couldn't be more amazed. Hindi gaano kainit at hindi rin ganoon kalamig—kumbaga sakto lang dahil sa nililikhang init ng fireplace at naka-on naman ang centralized aircon.

Yayamanin.

Nilingon ko si Matteo nang marinig ang malalaki niyang mga yabag patungo sa akin. May hawak siyang itim na coat habang nakakunot ang kanyang noo. He looked downright gorgeous, tantalizingly appealing.

Kumbaga sa mga action movies, parang siya iyong kontrabidang sobrang hot kaya hindi mo magawang kamuhian.

"We're going out." Inalalayan niya akong tumayo. "Wear this." Inabot niya sa akin ang coat na hawak niya.

Hindi na ako nag-atubiling kunin iyon at isuot sa akin. Habang ginagawa ko iyon ay nanatiling nakatitig sa akin ang mga mata ni Matteo. Hindi ko maiwasang mailang dahil mabibigat at nanunuot sa kalamnan ang mga titig na 'yon.

Habang nakatingin sa kanya nang malapitan, ngayon ko lang napansin ang maliit na pilat sa bandang kilay niya. Kumunot ang aking noo at kinagat ang aking labi upang pigilan ang sariling magtanong kung saan iyon nanggaling.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon