Chapter 67

46.3K 1.9K 685
                                    

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 67

My lips parted in shock. Naghalo-halo ang aking mga emosyon. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin at sabihin.

My mind totally went blank.

Dahan-dahan kong nilingon ang boses na iyon—malalim at mapanganib. Hindi siya nakikiusap, bagkus siya ay nagbabanta.

Nahigit ko ang aking hininga nang maaninag siya—ang nag-iisang Matteo Waderick Rae France, subalit hindi iyon ang mas ikinagulat ko. Halos hindi ko na makilala ang lalaking minsan ko nang minahal nang lubos. Binalot ng matinding mga pasa ang kanyang mukha. Hindi ko mabilang ang kanyang mga galos. Medyo putok din ang gilid ng kanyang mga labi.

Samu’t saring emosyon ang bumalot sa aking katawan. Malamig ang titig sa akin ni Matteo ngunit may kakaibang kislap ang kanyang mga mata.

Naramdaman ko ang paghigpit ng mga kamay ni Rui sa aking baywang. Dumapo roon ang tingin ni Matteo at napakuyom siya ng panga.

“Hindi pa kami tapos magsayaw,” mariing sinabi ni Rui.

“I don’t care,” malamig na sagot ni Matteo. “I came late, but it didn’t mean that you had to step forward and take my place to be my girlfriend’s first dance.” Narinig ko ang pagtitimpi sa malalim niyang boses.

I have to do something. Kilala ko si Matteo. Hindi ito magdadalawang-isip gumawa ng gulo when things don’t go his way. He isn’t afraid to express his anger and disapproval.

Bumaling ako kay Rui at nag-angat ng tingin sa kanya. “Wait for me, okay? Mag-uusap muna kami,” marahan kong sinabi.

Matteo grunted in mocked response nang marinig niya ang pagpapaalam ko kay Rui. My cousin gave him a stiff look.

Humigpit ang mga palad ni Rui sa aking baywang at pumisil muna roon bago ako tuluyang binitiwan. He looked down at me said, “I’ll wait for you. Please be quick, Jergen.”

Tinanguan ko si Rui at saka bumaling kay Matteo. Malamig ko siyang tinitigan bago ako nag-walk out. Awtomatiko ang kanyang naging pagsunod.

Nakasalubong ko si Tita Grazilda na may kausap na isang matanda. Mga kaedad niya rin siguro ito at masasabi kong baka family friend ang matandang babae.

Napasinghap si Tita nang dumapo sa likuran ko ang kanyang mga mata. Her eyes widened, horrified at the sight before her eyes. Ganoon kalala ang hitsura ni Matteo ngayon.

And I couldn’t bring myself to feel worried—just indifferent. Hindi ko alam kung anong nangyari. There’s an urge to question him subalit mas nananaig ang pagmamatigas ko sa sarili.

Wala na akong pakialam.

Nagmartsa ako patungo sa lanai ng mga Carbonell, walang katao-tao rito. Mukhang nag-eenjoy ang lahat sa loob at ang iba naman ay sa garden pumwesto upang magpahangin.

Huminto ako sa isang wooden bench at saka marahas na bumaling kay Matteo. Doon ko na ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko.

“How dare you!” namamaos kong sigaw. “Bilib din naman ako sa tigas ng bungo mo’t pagkatapos ng panloloko mo sa akin ay magpapakita ka rito sa amin?” Mapait akong tumawa. “Kung wala kang respeto sa akin, at least respect my family!”

Napangisi si Matteo habang nangingilid ang kanyang mga luha. “Hindi mo man lang ba ako… kukumustahin?” malumanay ang kanyang boses.

Umiling ako at sarkastikong tumawa. Wala akong ideya kung nababasa ni Matteo ang tunay kong nararamdaman. Wala akong ideya kung masyado bang transparent ang pagpapanggap kong hindi ako ganoon ka-affected sa pag-uusap na ito.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon