1 ~ Sweaty Body

339K 8K 264
                                    

CHAPTER ONE

"BAKIT hindi maipinta ang mukha ng Prinsesa namin?" Tanong sa kanya ng kuya Yvo niya pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa main door ng mansyon nila.

"Nakakainis kasi!"

Pabagsak siyang umupo sa malambot na single sofa. Hindi niya makalimutan ang mukha ng lalaking nanakot sa kanya kanina lang! Ang hot pa naman.

Nag-angat ng tingin ang kanyang ama mula sa binabasang magazine.

"May sumusunod na naman bang manliligaw sa 'yo?"

"No dad, pero—nevermind."

Hindi niya na lang isusumbong sa daddy niya ang nangyari tutal naman siguradong hindi na sila magkikita ng lalaking 'yon.

"Spill,"

Napatingin si Valerie sa kuya niya. Hindi talaga siya nakakaligtas dito at hindi makapagsinungaling.

Nilaro niya ang kanyang mga daliri na nasa ibabaw ng kanyang kandungan habang iniisip kung paanong palusot ba ang gagawin niya.

"May natatanggap kasi akong death threat kuya-"

"What the fuck? Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

Napatakip siya sa magkabilang tenga sa lakas ng sigaw ng kuya Yvo niya.

Wala naman siyang natatanggap na kahit na anong threats, dahilan niya lang 'yon, pero mukhang nagkamali siya ng nasabing rason.

Tumingin siya sa daddy niya na nailapag na ang kaninang hawak na magazine. Walang mababakas na emosyon sa mukha nito. Kinatatakutan ang daddy niya dahil na tin siguro kilala ito na isa sa mga devil sa business world.

"Where's mom?" tanong niya nang maalala ang ina.

Ngunit wala siyang nakuhang sagot sa dalawang lalaking kaharap niya, bagkos, mataman lang na nakatingin sa kanya ang mga ito. 'Yung klase ng tingin na tila ba binabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"What?" Valerie mouthed.

"Tell me, may naka-away ka ba princess?" her dad asked.

May kaalitan siya pero hindi naman talaga sila nag-aaway nung isang branch din ng mga sapatos na feeling niya lang ginagaya ang mga design niya. Ang naalala niya lang na kaaway niya ay ang hambog na lalaki kanina sa kalsada.

"Wala, dad. Hmm, can I eat now? I'm hungry na kasi."

Tumayo si Valerie mula sa kinauupuan at handa ng magpunta sa kusina ngunit nagsalita ang ama.

"Go back to your seat, Valerie."

Kapag ganoon na ang tono ng boses ng daddy niya ay nanginginig na ang buong katawan niya. Malamig at walang buhay ang tono ng boses na 'yon.

Valerie forced a cute smile. He's still looking at her like as if she's in a deep trouble. Dahan-dahan siyang bumalik sa pagkakaupo at pasimpleng inirapan ang kuya niya na nagpipigil lang ng tawa. Alam kasi nito na takot siya sa daddy niya lalo sa ganitong sitwasyon, seryoso ang ama.

"Yvo," tawag nito sa pangalan ng kuya niya.

"Yes, dad?"

"Hire the best bodyguard for your sister."

Napaigtad si Valerie nang marinig ang sinabi ng ama. Ayaw na ayaw niya ng may mga sumusunod sa kanya, naiirita siya at feeling niya wala siyang privacy!

"Dad, I don't need a damn bodyguard-"

"No problem, dad. I will make sure na mababantayan talaga niya ang Prinsesa natin," putol ng kuya niya sa nais niya sanang sabihin.

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now