7 ~ Poinsoned

193K 5.6K 161
                                    


CHAPTER SEVEN

"WHAT happened to her?" he asked the doctor- his friend.

Carlie didn't bring Valerie to the hospital instead he brought her to Natalie's condo unit. It was already late when he came back to Valerie's office and when he arrived, she's already done eating the reason why she lost her consciousness.

Funny how he bought foods for her because her secretary told him that Valerie's did not eat lunch yet, and when he came back... this happened. Sana pala hindi na lang siya umalis at inaya na lang itong sa labas kumain.

"How is she? Answer me, Natalie." he hissed, damn his friend took a long while before answering him.

Mag-iisang oras na nitong pinag-aaralan ang lagay ni Valerie, kinuhaan din nito ng dugo ang walang malay na dalaga.

Natalie just glance at him before making herself busy again. She has her own mini laboratory on her condo and he just discovered it.

"Lumabas ka muna Carlie,"

"No, I will stay. I want to make sure if she's okay." Mariin na tanggi niya at muling pinagmasdan ang mukha ni Valerie.

Wala ng kulay ang labi nito at para itong walang buhay. He hate to say this, but he is so damn worried about her. Napasinghap siya ng walang sabi-sabi na pinunit ng kaibigan niya ang suot na dress ng dalaga at tumambad sa kanila ang malulusog na dibdib nito.

"Damn!" Nag-iwas siya ng tingin.

"Don't tell me hindi mo pa nakikita ang dibdib niya? Ang hina mo naman pala." Natalie's voice was full of sarcasm.

"I've seen better than that,"

Tama naman, nakakita na siya ng iba't-ibang hubad na katawan ng babae. But of course, Valerie's body still impressed him.

"Yeah, pero nag-iwas ka pa rin ng tingin sa dibdib niya na para kang virgin." Narinig niya pang mahina itong natawa, 'yung tawa na halatang nang-iinsulto.

"Will you please shut up? Bigla ka yata dumaldal ngayon ganyan ba talaga kapag in love." His turn.

Tutal kanina pa siya winawalang-hiya ng matalik niyang kaibigan kaya sasabayan niya na lang din ang pangbubuska nito sa kanya.

"Shut up. Alam mong wala sa bokabularyo ng tulad natin ang salitang Pagmamahal."

They couldn't love. It is like... they are not allowed to fall in love. They prohibit themselves to feel that.

Kung magmamahal man sila, kailangan ay ihanda nila ang kanilang mga sarili dahil hindi malayo na madamay pati ang mga mahal nila sa sobrang risky ng trabaho nila.

Sa kanya ay ayos lang 'yon hanggat nasusuportahan ang sarili niyang pangangailangan bilang lalaki. Hindi pa siya nagmamahal. Hindi niya pa nasusubukan. Or he must say, ayaw niyang subukan.

"How is she?" Ulit na tanong niya at para mabago na rin ang pinag-uusapan nila.

Tinakpan ni Natalie ng kumot ang dibdib ni Valerie at tumitig sa mukha ng dalaga.

"She's not fine, paralisado ang buo niyang katawan.," Nag-angat ito ng tingin sa kanya nang hindi niya napigilan magmura. Hindi niya lubos maisip na ng dahil lang sa pagkain ay mapaparalisado ang buong katawan ni Valerie. "You are worried."

Of course he's fucking worried! Pero hinding-hindi niya sasabihin iyon sa kausap.

"Bakit at paanong nangyari na maparalisado ang katawan niya?"

"Nilagyan ng lason ang pagkain na ibinigay sa kanya. Lason na hinaluan ng isang kemikal na nagiging dahilan kung bakit napaparalisa ang katawan ng isang tao."

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now