15 ~ Identity

181K 5.3K 133
                                    

CHAPTER FIFTEEN

CONFUSED, Valerie looked at the man in front of them when he told them that she's his wife. All her life, she never imagined marrying someone at that age, not until she unexpectedly fall in love with Carlie Lane. He's the one she wants to be her husband... she wants to marry him in the end.

"Pakiulit nga ang sinabi mo," Tila naging bingi siya sa narinig mula sa lalaki. She wants to hear his words again.

"You are my wife,"

Valerie shook her head.

"Paano kita magiging asawa kung ang kasama ko araw-araw ay ang lalaking 'to?" Turo niya kay Carlie sa tabi niya. "Pinagtitripan mo ba kami? Hindi talaga ako magdadalawang isip na ipabugbog ka rito kay Carlie dahil d'yan sa sinasabi mo,"

"Because you lost your memory... kaya wala kang maalala."

That made her eyes widens a bit.

Alam nito na nawala ang ala-ala niya? That was her secret! Kaya paano nito nalaman ang bagay na "yon? Isa lang ang ibig sabihin n'yon... magkakilala sila ng lalaking ito noong hindi pa siya na-a-aksidente.

"And I am here to help you," Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi nito. "Tutulungan kitang maalala mo ang lahat, Princess."

Kahit sumasakit ang ulo niya at umiikot na ang paningin ay naiintindihan niya pa naman ang gusto nitong gawin nila.

Bakit ba may isang parte ng utak niya na gusto niya ang desisyon nito? Bakit ba mas nangingibabaw ang kagustuhan niya na bumalik ang dati niyang ala-ala?

Para kasing may kulang pa rin sa pagkatao niya at alam niya kung ano iyon. She wants to know who is Valerie slash Princess Williams. Kapag hindi niya nalaman kung sino talaga siya, baka hindi matahimik ang isang bahagi ng kanyang utak.

"How did you know that I lost my-"

"Who the fuck are you?" Carlie interrupted.

"Kailan ka pa naging interesado sa pangalan ko?"

Marahan na inalis ni Carlie ang kamay niya sa kamay nito at walang sabi sabing hinaltak ang kwelyo ng lalaki.

Napaatras siya nang makita ang galit sa mukha ng bodyguard niya, pero ang lalaki ay tila nasisiyahan pa sa nangyayari!

"Wala akong panahon makipag-gaguhan sayo, kaya hanggat hindi pa umiinit ang mga kamao ko... magpakilala ka na." Mahinang sabi ni Carlie na halatang nagpipigil lang.

The man raised his two hands a a sign of defeat.

"I am her husband. That's what you want to know?"

Gusto niya na sana awatin ang lalaki sa pagiging pilosopo nito sa bodyguard niya. Nakangisi lang ito habang si Carlie ay nagtatagis na ang panga sa galit.

Malakas siyang napatili at hindi malaman ang gagawin kung lalapit ba sa mga ito o lalayo dahil ang kaninang isang suntok ng bodyguard niya sa sikmura ng lalaki ay nadagdagan pa!

Sabi na nga ba at masama kapag nagagalit ang binata para na itong papatay sa paraan pa lang ng paglanding ng mga kamao nito!

Nagsialisan na rin ang ibang kumakain doon at pati ang mga security guard ay hindi rin maawat ang gulo na dulot ng dalawa. Ang lalaking nagpakilalang asawa niya ay nakikipag arm to arm combat na rin sa bodyguard niya at masasabi niyang marunong din itong makipaglaban.

"Carlie! Tama na 'yan!" Sigaw niya pero nanatili lang siyang nakatayo, she panicked.

Impit pa ulit siyang napatili nang may mabasag na gamit sa ibabaw ng lamesa.

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now