18 ~ Power

145K 4.2K 59
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

"SAAN niyo dinala si Carlie?!" Galit na tanong ni Valerie sa mga lalaking nasa harap niya.

When she woke up and Carlie was not beside her anymore. They spent a night together. Instead of seeing him beside her, she saw another face of a man!

"You!" he pointed the man who pretended to be her husband. "Sinabi ko na sayo na huwag ka ng magpapakita sakin! Pero bakit nandito ka?! Hindi ikaw ang gusto kong makita!"

The man stepped forward, making her stepped backwards.

"Sumama ka na sakin, Princess. Miss na miss na kita. Gusto na kita makasama," nagsusumamo ang mga mata nito.

"Kapag sumama ba ako sayo... makikita ko si Carlie?" there was a hope on her voice.

"Carlie na naman!" Mariin itong pumikit na tila ba nauubusan na ng pasensya. "Hindi ang lalaking 'yon ang dapat na kasama mo kundi ako! Ako lang Princess! Because I am your husband."

"Gusto ko siyang makita. Hanggat hindi ko siya nakikita ay hindi ako sasama sayo!" pagmamatigas niya.

The man sighed. Umirap siya.

"I don't know where's Carlie. Pagdating namin dito ay wala naman siya. He left you."

Tumawa siya ng mapakla. That's impossible! Carlie will never leave her. After what happened last night? No, he won't do that.

"Hindi gawain ni Carlie ang mang iwan. Hindi siya 'yung tipo na bigla na lang nag-iiwan."

Pero paano kung nilayasan pala siya ng bodyguard niya? Pero alam niyang hindi 'yon gagawin ng binata. She trust him.

"I wanna go home," then she grabbed her clutch.

Nilagpasan niya ang lalaki.

"Mamatay siya kapag hindi ka sumama sakin,"

Napahinto si Valerie dahil sa narinig. Parang nanlamig ang buo niyang katawan.

"You have to choose, Princess. Ang lalaking iyon o ako?"

Marahas na nilingon niya ito at ibinato dito ang hawak niya.

"At sino ka para papiliin ako kung sino ang gusto ko? Sino ka para ipitin ako sa ganitong sitwasyon?"

Hinubad niya ang suot na sandals at ibinato rito na agad naman nitong nasalo.

"Ang selfish mo! Alam mo ba 'yon? Sa ginagawa mo parang ayoko na tuloy bumalik ang mga nawala kong ala-ala. Sana hindi ka na lang nagpakita sakin. Dinadagdagan mo lang ang mga gumugulo sa isip ko!" she shouted at him.

She's frustrated. This man started to get into her nerves. Fuck him!

"Kaya nga sumama ka muna sakin. Give me a chance. Alam ko na mali ang papiliin kita, but I have my rights. You are my wife. At kahit sinong lalaki ay hindi papayag na makita ang asawa nila sa piling ng iba."

Ang totoo ay gulung-gulo na ang isip niya. Hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya o sino ba ang susundin niya? Sa pagkakataon na ganito, alam niyang ang daddy niya lang ang pwede niyang makausap. Kaya lang ay parang ayaw makipag cooperate sa kanya ng ama. Bakit kaya?

Napahawak siya sa kanyang sintido sa biglang pagbuhos ng sakit doon. Kapag sobra-sobra na ang tumatakbo sa isip niya ay hindi niya na mapigilan ang biglaang pagsakit ng ulo niya. As much as she can, she don't want to think too much or else she'd die of severe headaches.

"Sasama ako sayo," usal niya, medyo sumusuko na dahil sa pananakit ng ulo.

Sasama siya kahit hindi naman talaga 'yon ang gusto niyang mangyari sa mga oras na 'yon. Dahil na rin siguro sa pananakit ng ulo ay kaya nasabi niya ang mga salitang 'yon.

The Imperious BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon