16 ~ Promise

180K 5K 128
                                    

CHAPTER SIXTEEN

VALERIE grabbed the first aid kit. Gagamutin niya ang sugat ni Carlie. Concern pa rin siya rito kahit na hindi na naman siya nito pinapansin. Isa pa makikichismis pa siya kung ano ang napag-usapan nito at ng daddy niya.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa gawi ni Carlie. Nakaupo ito sa bermuda grass nila habang naninigarilyo. Balak niya sana ay gugulatin niya ito mula sa likod, kaya lang hindi ay niya ginawa ang plano niya dahil nagmadali siyang naglakad at kinuha drto ang sigarilyong hawak.

"No smoking!" Tinapak-tapakan niya ang sigarilyo.

"Wala naman nakasulat na 'No Smoking' dito," Magkasalubong ang kilay na wika ni Carlie habang pinagmamasdan ang bawat tapak niya sa pobreng sigarilyo.

Again she looked around na animo may hinahanap.

"Nasaan na ang placard ng No Smoking?"

Nakatingala ito sa kanya dahil nakatayo siya sa harap nito at nakapameywang. Para siyang guro na pinapagalitan ang istudyante niya na nahuli niyang nangongopya sa katabi.

Ito na naman si Carlie. Nakatitig na naman sa kanya pati sa buong katawan niya. 'Yung titig na hindi pang manyakis na madalas nitong gawin sa kanya. Ibang klase ng titig na wari ay inaanalisa ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao.

Umupo si Valerie sa tapat ng binata at hinawakan ang pisngi nito. She checked if he's okay. Mukhang okay na okay naman ang bodyguard niya. May mga natuyong dugo lang sa ilang bahagi ng pisngi at noo nito.

"Lilinisin ko lang itong sugat mo sa noo." Paalam niya kay Carlie at kinuha na sa first aid kit ang bulak at alcohol. Imbes na ito ang mapangiwi ay siya pa ang nag-re-react ng gano'n. "Manhid ka ba?"

Paano naman kasi kahit idiin niya ang bulak na basang-basa ng alcohol sa sugat nito sa noo ay wala man lang siyang makitang reaksyon sa mukha nito na nagsasabing nasasaktan. Wala rin siyang marinig na daing mula rito.

"Sanay akong masaktan. Manhid na ako." Carlie hold her hand, telling her to stop cleaning his small cuts. "Enough. You're not helping. Gusto mo lang yata akong paliguan ng alcohol,"

Kinuha nito sa kamay niya ang bulak na hawak niya at itinapon.

"Bawal magtapon ng basura!"

"Wala naman nakalagay na bawal?"

Carlie stood up and left her there.

Sinundan niya lang ang pigura nitong papalayo sa kanya. Akala niya ay uuwi na ito pero hindi dahil sa Gym ito dumeretso.

It means mag-gi-gym ang bodyguard niya at parang gusto niya na rin tuloy mag gym!

Sumilip muna si Valerie sa pinto ng Gym upang tignan kung sinu-sino ba ang naroon. Napangisi siya nang makita na tanging si Carlie ang ang naroon. Itinago niya muna ang kanyang sarili sa likod ng pintuan nang makitang hinuhubad nito ang black leather jacket and white shirt.

She's suppressing a damn smile. Masisilayan niya na naman ang magandang katawan ng binata.

Valerie covered her mouth to stop herself from drooling when Carlie removed his belt and unzipped his pants. Nakatakip ang bibig nyia pero mulat na mulat ang kanyang mga mata.

Maghububad ba si Carlie?

Mabilis na tumalikod siya nang tumingin ito sa gawi niya. Kinakabahan siya kasi baka malaman nito na pinagpapantasyahan niya na naman ang katawan nito!

"I already saw you, Valerie. You don't need to hide."

"Hindi ako ang nakita mo!" Sigaw niya para siguradong maririnig nito.

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now