28 ~ Furious

159K 4.3K 22
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

"DAMN IT!"

Carlie cursed when a gun fire strike his direction. It was from Gabby's men.

Itinago niya ang sarili sa pader na hindi siya makikita mula sa loob habang sinisenyasan ang mga tauhan ni Don Henry na kasama niya. Isa lang ang kailangan nila, madakip ng buhay si Gabby Austria.

Mabilis na naglakad siya sa gawing kanan nang marinig ang mga yabag na palapit kung nasaan siya. Nakapatay lahat ng ilaw dahil pinatay nila 'yon. Kapag hindi sanay sa dilim ang mga mata mo ay siguradong lahat ng pwedeng mabangga ay mababangga mo.

Being able to move in the middle of the dark is one of his advantage. Sanay siya sa dilim. Hindi 'yon malaking balakid para sa kanya.

Hanggang sa makarinig na siya ng putok ng baril at alam niyang hindi sa kanila galing dahil lahat ng kasama niya ay silencer ang gamit.

Hindi bala na nakakamatay, kundi bala na pampawala ng malay. Sila ang mas kailangan mag-ingat dahil totoong bala ang haharapin nila sa kamay ng mga kasama ni Gabby.

"Agent 121145, Gabby's men are down. Pwede na bang buksan ang mga ilaw?" kausap sa kanya ng isa sa kasama sa pammagitan ng device na nakakabit sa kanila.

"Where's Gabby?" he asked.

"He's down,"

"Okay,"

Kinapa ni Carlie ang isang switch ng ilaw sa gilid niya para lamang patayin ulit 'yon at mabilis na umalis sa pwesto niya kasabay no'n ay ang sunud-sunod na naman na putok ng baril ang narinig niya.

Sa dami ng pinabagsak ng mga tauhan ni Don Henry bakit si Gabby pa ang hindi napabagsak?

Hindi niya sakop ang pagpapatulog sa mga kasamahan nito, dahil ang kinuha niyang trabaho ay ang kunin si Gabby ng buhay kahit pa gusto niya na itong bugbugin.

"Hindi ako nakikipaglaro ng tagu-taguan sayo, Carlie Lane..."

Alam niyang medyo malapit lang sa kanya si Gabby dahil na rin sa impact ng boses nito.

"I hate playing hide and seek actually, but because of Valerie I've learned to play this game. Kaya pagbibigyan kita. Papahirapan din kita," sabay tumawa ito ng malakas na pumailanglang sa buong paligid.

"Leave this house. Now!" mahina pero malinaw na utos niya sa kaninang kausap niya.

Baliw ang taong dadakipin nila. Ayaw niyang may mapahamak na naman dahil dito.

Don Henry's men are well-traied too, but to avoid the risk of dying, he wanted those men to leave the house. Their help was enough. Now, he will face his own battle, alone.

Katulad na lang sa mga sandaling 'yon, parang walang sasantuhin ang Gabby na ito sa pagpatay. May pakiramdam siya na may sira sa pag-iisip ang isang 'to.

Kung hindi baliw ay siguradong adik ang lalaki. Sinong tao lang ba ang may kakayahang pumatay? Hindi ba mga lulong sa droga o kung hindi naman ay may mga problema sa pag-iisip? Dahil hindi kayang gawin ng normal na tao ang pumatay ng kapwa niya.

"Copy," sagot ng kausap niya at siya naman ay pinatay na ang listening device niya. He needs to focus.

"Carlie Lane.... Carlie Lane... alam mo bang isa kang dakilang tanga? Hindi ba may kapatid kang modelo? Parang masarap ang isang 'yon. At kung gugustuhin kong makuha siya ay magagawa ko kahit pa maraming bodyguards ang nakapalibot sa kanilang mag-i-ina,"

Carlie controlled his emotions. This is Gabby's way to distract him? What a weak strategy.

"Balita ko may anak na kayo ni Valerie? Sana pala tinuluyan ko na lang patayin ang babaeng 'yon para hindi na siya nakapagsumbong," tumawa ulit ito.

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now