26 ~ Sketch

196K 4.5K 275
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

KASALUKUYAN hinihintay ni Valerie si Carlie sa main door ng mansyon nila. Kumuha ito ng sasakyan sa garahe. Pupunta sila sa opisina ng kanyang ama. May pag-u-usapan daw silang importanteng bagay.

Wala naman siyang ideya kung gaano ka-importante 'yon o tungkol saan ba ang pag-uusapan nila?Magtatanong na lang siya kay Carlie kahit pa alam niyang wala ito sa mood.

Pumasok siya sa loob ng sasakyan nang pumarada sa tapat niya. Hindi talaga siya sanay sa nakakabinging katahimikan.

"Ano ba ang pag-uusapan niyo ni daddy? Bakit kailangan kasama pa ako?" hindi nakatiis na tanong niya.

"It's all about you."

"What about me?" now, she's confused.

What about her by the way?

"Let's talk about it later," he answered and focused on driving.

Ilan pang minuto ay nakarating na rin sila sa isang mataas na gusali.

Hindi na talaga nagsalita si Carlie. Unti-unti niya na itong nakikilala. Mas lamang ang pagiging tahimik nito na para bang ginto ang kalakip ng bawat bibitiwan nitong salita.

Lalo ngayon na halatang wala sa mood samantalang sabay pa silang gumising at nag-exercise. Tapos may natanggap itong tawag kaya biglang nagbago ang mood nito.

He became mysterious again and his aura darkened.

Pumasok sila sa building at agad naman silang binati ng security guard na naroon. Props lang ang pagiging SG nito dahil isa rin itong secret agent.

"Nice to see you again, Miss Valerie." lumabi lang siya at bumaling ito sa katabi niya. "Naghihintay na si boss sa opisina niya,," tukoy nito sa ama niya.

Her father owned the building and the organization.

Matapos ang ilang taon ay muli siyang nakatungtong sa lugar na 'yon. And all she could say is she missed the place, the ambiance and of course the people who was working with them.

Ang sabi sa kanya ni Carlie at ng daddy niya ay nawalan siya ng ala-ala ng halos isang taon kaya pala hindi niya maalala ang ano mang bagay na napagsaluhan nila ni Carlie.

Pati ang pagbubuntis niya ay hindi niya alam kung kailan at paanong nangyari. Hindi niya rin naramdaman 'yung sakit when he first took her. Nawala ang virginity niya nang hindi niya man lang nalaman kasi nga ay bumalik na ang ala-ala niya.

Minsan, ayaw niya na lang mag-isip kung ano ba talaga ang nangyari nakalipas ang isang taon? Gusto niyang mag focus na lang siya kay Corvette.

Ayaw niya na nga rin tumanggap ng mga mission na mabilis na sinang-ayunan ng ama at lalo na si Carlie.

Pumasok sila sa elevator at ang kasama niya ay wala pa ring imik, para bang ang lalim ng iniisip nito.

"Carlie, nakapunta ka na ba dito?" tinatanguan kasi ito ng mga nakakakita sa kanila.

"Matagal na,"

"What do you mean matagal na?" kung gano'n dapat ay kilala niya ito? Di ba?

Ang alam niya ay hindi kasali si Carlie sa organisasyon nila kaya nga nagtaka siya nung una dahil kasama ito ng daddy at kapatid niya sa loob pa mismo ng silid niya samantalang hindi naman pala ito kabilang sa organisasyon na kinabibilangan niya?

Bumukas na lang lahat-lahat ang elevator ay hindi siya nito nasagot. Hindi lalagpas sa sampu ang kalalakihan na nakamasid sa labas ng opisina ng ama. Madali silang nakapasok dahil kilala naman siya do'n. Nadatnan nila ang ama na nakaupo sa swivel chair.

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now