2 ~ Hot Tattoo

291K 8K 268
                                    

CHAPTER TWO

NAGTATAKANG naglakad si Valerie patungo sa mahigit sampung kasambahay nila na nag-uumpukan malapit sa Gym kung saan nag-uumpisa na yata ang training ng magiging bodyguard.

Bakit naman iyong mga ibang mayayaman wala naman bodyguard? Pero siya ay mayroon? Ang unfair din talaga ng buhay minsan.

Sumilip-silip din siya at naki-usosyo kahit na puwede niya naman hawiin lahat ng nakaharang para lang makapasok siya sa loob. Tumitingkayad din siya para makita ng buo ang kaganapan dahil hindi naman talaga siya katangkaran, kaya nga palaging matataas na heels ang suot niya para lagi siyang matangkad sa paningin ng iba.

She's wearing a flip flops kasi matino pa naman ang pag-iisip niya para magsuot ng high heels shoes sa loob ng mansyon nila.

Preskong-presko na ang pakiramdam niya sa mga oras na 'yon. She tied her hair in a messy bun, kahit medyo basa pa iyon. Nagsuot lang din siya ng fitted spaghetti straps green sando and black leggings. Mag-gygym kasi dapat siya kaya lang may ginaganap naman na training sa Gym nila. So, hindi niya na lang itinuloy.

Nang maramdaman na nangangawit na siya kakatingkayad at humahapdi na rin ang balat niya dahil sa sikat ng araw, ginawa niya na ang dapat ay kanina niya pa ginawa.

"Guys, padaan ako."

Ganyan lang talaga ang tawag niya sa mga kasambahay nila pati na rin sa mga tauhan niya sa shoe shop. Hindi syia marunong umasta na amo or boss sa mga ito dahil na rin iyon ang itinuro sa kanya ng mabait niyang mommy.

Kaya itinuturing niya na lang ang mga tauhan nila na tropa niya at least hindi maiilang ang mga ito sa kanya. At siguradong papagalitan siya ng mommy niya kapag nalaman nitong sinisigaw-sigawan niya ang mga katulong nila. So, behave lang siya.

Agad naman nahawi ang harang.

"Dadaan si senyorita Valerie. Huwag kayong humarang." Anunsyo ng mayordoma ng mansyon nila.

Ngumiti si Valerie sa mga ito. 'Yung sobrang lapad na ngiti para kitang-kita ang dimple niya sa magkabilang pisngi.

Patakbo niyang tinungo kung saan nakaupo ang ama, may dalawang lalaking naka-uniporme na puti ang nasa magkabilang gilid nito at naka sunglasses, may earpiece din pareho.

"Daddy!" pasigaw na tawag niya sa ama kahit na ilang dipa lang ang layo niya.

Kaya naman nakuha niya ang atensyon ng lahat ng lalaki doon. Tinaasan niya ng kilay lahat ang mga ito hanggang sa bumalik ang lahat sa mga kanya-kanyang ginagawa.

Agad naman na may kumuha ng upuan at inilagay iyon sa katabing upuan ng ama niya.

"Nasaan na sila dad?"  tukoy niya sa mga mag-a-apply na bodyguard niya.

Her father motioned the men who came out from somewhere.

Naka black sando ang lahat puwera sa katangi-tanging lalaki na naka-topless. Gustong-gustong ibalandra ang eight packs abs nito sa lahat.

Pinaikot ni Valerie ang kanyang mga mata at halos mabali ang leeg niya nang lingunin muli ang lalaking may mga pandesal sa tiyan!

Ibig sabihin itong hambog na ito ang kaninang hot papa na nakita niyang nag-pupush-up? Hell!

Tinignan niya ang braso nito para makasiguro.

Siya nga! Sigaw ng utak niya.

Hindi siya sigurado pero parang apoy na nagliliyab ang design ng tattoo ng lalaking 'yon.

Her father snapped his finger as a signal for them to start the battle.

Nanlalaki ang mga mata ni Valerie at nawala ang atensyon niya sa lalaking may apoy na tattoo nang makita ang humigit kumulang singkuwentang lalaki na lumabas kung saan.

The Imperious BodyguardWhere stories live. Discover now