13 ~ Code

190K 5.2K 168
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"DADDY!"

Sinugod niya ng yakap ang kanyang ama na nakaupo sa wheelchair. May mga gasgas ito sa katawan pero mukhang okay na ang lagay.

"Dad, ano po ang nangyari?"

Sinundan niya ito nang itulak ng isang nakaputing damit na babae ang daddy niya papasok ng mansyon nila.

"Long story, Princess."

"Make it short, dad.

Umupo si Valerie sa single sofa sa sala nila habang pinagmamasdan ang ama. Kauuwi nyia lang kagabi at kinahapunan ay ito na nga dumating ang daddy niya galing kung saan.

"Dad,"

"He saved me,"

"Who saved you?"

Her father motioned his head to her. "Your bodyguard."

"Where's Carlie?"

Tila ngayon lang pumasok sa isip niya ang kaganapan sa bahay bakasyunan ng binata!

"I don't know where's Carlie," He raised his one hand to stop her from interrupting. "I woke up in the hospital and unfortunately, hindi ko siya nakita do'n."

Kahit pigilan niya ang sarili na huwag mangamba ay hindi niya kaya. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari.

"Sino po ang naghatid sa inyo sa Hospital?"

Ininom muna nito ang gamot na ibinigay ng private nurse nito na sobrang pamilyar sa kanya.

"Thanks, Natalie."Ani ng daddy niya sa nakaputing babae.

Kaya pala panay ang sulyap niya kanina pa sa babaeng iyon simula ng dumating ito at ang ama niya. Nakita niya na ito kaya lang hindi niya maalala kung saan... pero ang pangalan nito ay alam niya kung saan niya nabasa. Sa cellphone ni Carlie.

Bumaling siya kay Natalie.

"Nasaan si Carlie?"

Hindi niya sigurado kung bakit sa babae siya nagtanong. Ano naman ba ang kinalaman nito doon?

"Do you really want to know where's your bodyguard?" Instead she asked that question.

Nakakatawa lang kasi ganoon magtanong si Carlie sa kanya, imbes na sagutin ang tanong niya nabaligtad bigla dahil siya ang sumasagot sa tanong ng mga ito.

Pinagdikit niya ang kanyang labi. Gusto niyang malaman kung nasaan ang binata. She wants to know if he's fine?

Her father just told her that Carlie saved him. It means, Carline's life was in danger too!

Tumango siya. "Yes, yes,"

Tumingin si Natalie sa kanyag mga mata sa mata.

"Nasa bahay ko... nagpapagaling." Saka naglakad palabas ng mansyon.

Tumayo siya at sinundan ang babae. Umupo ito malapit sa gym at nagsindi ng sigarilyo. Dati kapag may nakikita siyang naninigarilyong babae natiturn off siya. Pero bakit ang babaeng ito hindi man lang siya makaramdam ng ganoon? Lumapit siya dito at umupo sa malapit.

"Saan ka nakatira?"

"Ang address ko ba talaga ang kailangan mo o ang lalaking nakaratay do'n?"

Nakaratay?

"What do you mean? Don't tell me he's unconscious-"

"Yes," Sinulyapan siya nito. "Don't worry magigising din siya. Masyado lang napagod ang katawan niya at madaming dugo ang nawala sa kanya." Bumuga ito ng usok. "You can visit him anytime you want."

The Imperious BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon