14 ~ Memories

203K 5.1K 226
                                    

CHAPTER FOURTEEN

PAALIS na sana si Valerie nang masalubong niya si Carlie sa main door ng mansyon nila. Nakapagtataka lang dahil madalas na ito sa kanila at hindi na rin galit rito ang daddy niya. It started when Carlie saved her father's life. Kahit papano ay malaki rin talaga ang ambag ni Carlie sa buhay ng ama niya ngayon.

"Ang aga pa para manligaw, Carlie." Biro niya.

"Do I need to?" He lifted his eyebrows and walked closer. "Good morning." then he planted a kiss on her cheek.

Bahagya niya munang hinawakan ang pisngi niyang hinalikan ng binata. She's amazed.

"Hinalikan mo ako?"

Carlie moved closer and kissed her on the lips. Mas matagal ngayon at idiniin pa ang labi nito sa labi niya.

"And that's a morning kiss," he whispered.

Para siyang teenager na kinikilig sa mga oras na 'yon. Nasisiraan na ba siya ng ulo? Halik lang iyon samantalang mas matindi pa ang nagawa nito noon sa kanya. Well hindi na naman kasi naulit ang bagay na pinagsaluhan nila.

"S-Saan ka pupunta?" Tanong niya habang pinapasadahan ang kabuuan nito.

"Saan ka ba pupunta?" he asked back.

"Sa shop, ikaw?"

"Sa shop din," Tumingin ito sa sasakyan na nakaparada malapit sa kanila. "Let's go, Valerie."

"Don't tell me... sasama ka sakin?"

"Yeah. Ayaw mo ba?"

Hindi nagsalita si Valerie at nanatiling nakatingin lang kay Carlie. Ngayon lang ulit siya babalik sa shoe shop niya after being poisoned by ShaneLu.

Carlie leaned at the car behind him and rested his one arm over his chest while the other hand is place under his chin. He looked at her from head to foot. Then his hot gaze went up to her chest down to her legs.

Hindi man lang ba nito iniisip na nakikita niya ang bawat pagtingin nito sa katawan niya? Nag-isang linya ang labi nito nang mapansin ang biglang pagtuwid niya mula sa pagkakatayo.

"Magtititigan na lang ba tayo, Valerie?"

"Pwede ba?"

"What?" his brows furrowed.

"Pwede bang magtitigan na lang tayo, Carlie?" Dali-dali siyang naglakad papunta sa passenger seat nang umalis ito sa pagkakasandal sa sasakyan at akmang lalapit sa kanya. "Joke lang, ikaw naman hindi ka mabiro."

She smiled at him showing her dimples.

Valerie opened the passenger seat door and hopped in.

Nakaupo na rin ang binata sa driver seat. Carlie glanced at her. She remained smiling at him. Bukod sa may morning kiss siya eh kasama niya pa si Carlie. Good na good ang morning niya.

"Ikaw ba ang na-hire na personal driver ko?"

Ang sabi ng daddy niya makakabalik lang siya sa trabaho niya kapag pumayag siyang magkaroon ng personal driver. Agad naman siyang pumayag kaysa naman magkulong siya sa mansyon nila maghapon.

"I can be your bodyguard. I can be your driver and I can be your-"

"Boyfriend?" She joked.

Mahina itong tumawa. "Lover,"

Bahagya niya itong hinampas sa braso. Medyo kinilig.

"Marunong ka na sumakay sa mga joke ko ha."

Gusto ng lumabas ng puso niya sa dibdib niya sa sobrang lakas ng pintig.

Ano ba ang nangyayari sa kanya? Ganoon ba ang feeling ng lahat ng taong nagmamahal? Tumatalon-talon ang puso niya.

The Imperious BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon