Part 8

113 3 0
                                    

“Saving a life means risking your own life.” —Athena




* * *




Part 8




Hindi ko nalang muna inisip 'yung kabaliwan'g nasabi ni Gretel sa akin. Ay ewan, hindi naman ako mabo-bother 'nun. That was just a nonsense sentence. And I usually don't apply those to my life.




Nasa second floor na kami ng library. Pero hindi pa rin namin sila nakikita. Of course, sino ang pupunta sa second floor at doon gagawin ang krimen? Taht is absurd. Kaya agad ako'ng bumaba habang nag-iisip. Dark and silent. Dark and silent.




"May secret passage pa ba dito o secret place?" Tanong ko sa kanila. Pero umiling lang sila. Nasapo ko ang noo ko, mukha'ng wala dito ang hinahanap namin.




"Pero may basement." Sabi pa ni Hera kaya agad ako'ng tumayo. Tama, sa basement. Doon nalang ang hindi namin napupuntahan, sa sobra'ng laki ng library na'to. Aba, oo. Sa basement talaga dadalhin.




Siguro, kaya ito ang ipinangalan ng mga magulang ko. Athena. Dahil nag-mana ako ng konti sa kanya, kay Goddess Athena na sobra'ng talino.




Agad nalang kami'ng nag-tungo sa basement at dahan-dahan ako'ng sumilip dito sa cellar na'to. Marami'ng shelves para sa libro at marami din'g nag-kalat na mga papel sa sahig at kung saan-saan. Kung naka-dikit lang talaga ang isa sa mga papel na 'yan doon sa bubong ay iisipin ko'ng nasa Slendrina Gameplay na kami. Nakakatakot, nakakakilabot. Pinatay ko na rin 'yung laser light para hindi mahalata na may tao— fairy pa dito.





"Shems, Hera, tara na. Uwi na tayooo~" narinig ko'ng nanginginig na bulong ni Gretel kay Hera. Naramdaman ko naman'g pinalo siya ng mahina ni Hera.





"Gaga, napaka-matatakutin mo talaga. 'Di ka nalang sana sumama." Sabi ni Hera. "Huwag ka nga'ng maingay, baka makita pa tayo ng mga beelzebub." Napasang-ayon nalang ako kay Hera sa sinabi niya'ng iyon.





"Eh bakit ba, gusto ko kayo'ng tulungan'g maligtas ang Prince Carlos babes ko." Napairap nalang ako sa muli'ng sinabi ni Gretel.





Lumingon ako sa kanila'ng dalawa at nilagay pa ang buhok ko sa likod ng tenga ko, dahil nakakalat 'yun sa mukha ko "Pwede ba, tumahimik nga kayo. Mahuli pa tayo nito eh." Matapos ko'ng sabihin iyon ay nakita ko'ng nanlalaki ang mga mata nila kaya napatawa ako ng konti, you should look at their faces. "Nakakatakot ang mukha n'yo ah. What's with that expression?" Tanong ko sa kanila kaso nakaramdam ako ng presensya sa likuran ko kaya unti-unti din ako'ng lumingon. "He-he." Ang awkward ng tawa ko. Hindi awkward, natatakot na tawa.





Jesus H. Christ! "Takbo!" Malakas ko'ng sigaw at naging dahilan upang marinig ko ang mga kalabog sa loob ng cellar, sa tingin ko, mga beelzebub pa iyon. Oh God, tulungan niyo po kami.





Kahit saan-saan na ako nagtatakbo at maging ang laser light na nakuha ko kanina ay hindi ko nakita na. Pero nang lumingon ako sa gilid ko, nakita ko 'yung gumulong-gulong papalayo sa direksyon ko. Shet, ang layo 'nun. Napatingin din ako sa mga kasama ko'ng sobra'ng ingay.





Nang lumingon ulit ako sa harap para tumakbo dahil hinahabol ako nang beelzebub ay bumungad din sa akin ang nakakatakot na mukha ng isa pa'ng beelzebub. Kaya instinctly, napaliko ako sa kanan ko kung saan naroon ang laser light. Agad ko 'yung pinulot at sumigaw ng pagkalakas-lakas. "Hey, beelzebubs! Bitches, over here!" Sigaw ko at 'yung mga beelzebub napunta ang atensyon sa akin kaya agad ko'ng kinapa-kapa 'yung switch ng laser light pero hindi na iyon gumagana. Napatingin ako dito, napamura nalang ako dahil nakita ko'ng basag na ang salamin sa harapan 'nun.





Agad ko 'yung binato sa kanila na mga beelzebub at nag-tago ako sa ilalim ng mesa. Nakita ko rin 'yung dalawa ko'ng kasama sa likuran ng mga beelzebub at sinenyasan ko sila'ng puntahan sa cellar si Prince Carlos dahil panigurado'ng nandoon siya. Sinunod naman nila ang senyas ko kaya itinuon ko muli ang atensyon ko sa pagtatago.





Napahawak pa ako sa bibig ko at tinakpan iyon ng nanginginig ko'ng kamay dahil natatakot na talaga ako ngayon. 'Yung isa ko'ng kamay nakahawak sa kuwintas ko. Wait, kung umuwi nalang muna kaya ako sa mortal world? Kung tatanggalin ko nalang kaya 'tong kuwintas ko?





Pero, baka hindi na ako ulit makabalik dito? Paano na 'yan? Hindi din ako nakapag-paalam kay Hera at Gretel. Pati kay Prince Carlos. Pero maiintindihan naman siguro nila ako di'ba? Naiipit ako sa sitwasyon ngayon. All I wanted to do was save Prince Carlos and not to risk my life. But I guess saving a life means risking your own life.





Naramdaman ko nalang ang tunog ng pakpak na para'ng iniihipan ng hangin. Napakalapit na 'non kaya nakahanda na ako'ng tanggalin 'yung kuwintas ko. Pero napaisip din ako, paano kung hindi pa nila nailigtas si Prince Carlos? Nalagutan na talaga.





Nag-hintay nalang ako'ng makita sila'ng tatlo muli na nakalabas and safe. Pero ang tagal. Ang tagal-tagal nila. Kaya lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko nang makita ko'ng lumiwanag ang buong lugar.





Narinig ko rin ang pag-ungol ng mga beelzebub, oo nga pala. Nasa ground floor lang kami sa harapan ng entrance. Did I mention na napakalaki ng entrance door? Yes, kaya ganoon din kalaki 'yung liwanag 'non.





Kung ganoon, sino 'yung nag-bukas ng entrance door? Paano siya nakapunta dito? Sumilip ako sa gilid ko at nakita ko ang iilan sa mga beelzebub na napapaatras at hinahanap ang kahit saan na madilim at tahimik. Oh yes, I remembered, ayaw nila ng maingay.





Pero hindi dapat ako mag-ingay dahil hindi ko pa rin nakikita kung sino ang nasa entrance. Baka isa rin'g beelzebub. Pero narinig ko ang boses ng isa'ng babae. May awtoridad na sabi nito. "Back off, beelzebubs. Hindi niyo pa ngayon oras." Diniinan lahat ng sinabi 'nun.





Sinilip ko na kung sino 'yon at hindi ko siya kilala. Napakaganda niya. Of course, lahat ng nakakapunta dito, nag-babago ang anyo at nagiging perpekto. Lahat ng mali sa katawan at mukha mo sa mortal na mundo ay kabaligtaran dito sa mundo'ng tinatapakan ko ngayon.





Nakakatawa'ng isipin kung iisipin ko'ng pangit ang babae'ng nasa entrance, katulad ko na mataba at malaki ang katawan.





"Get out." Utos niya. Pero sa tingin ko, sinasabi niya iyon sa akin kaya napatayo nalang ako. Nang makita niya ang kabuuan ko'ng mukha at katawan ay kumunot ang noo niya at napa-ngisi. Shit, she's creepy. Is she crazy?





"Athena, naligtas na namin si Prince Carlos... Myloves." Narinig kong sigaw ni Gretel pero habang sinasabi niya iyon, mas nagiging mahina ang pagkabanggit niya. Siguro nakita na rin nila 'yung babae sa harapan ko.





"Sino ka?" Narinig ko'ng tanong ni Hera.





"I'm Yda Guerrero. The one who has been stolen a necklace by her." Tinuro niya ako.





Shit! Nalagutan na.





* * *





Update lang ng update, hindi kasi masyado'ng busy and inspired din ako'ng mag-sulat dahil sa binasa ko'ng story. Nakaka-waaaaaah~ 'yon. Haha, anyway, HOPE YOU ENJOYED THIS PART :)

One Magical TaleWhere stories live. Discover now