Part 11

88 5 0
                                    

Part 11





"The necklace's time is limited." Fuck!





I don't usually curse pero ngayon, gusto'ng-gusto kong tawagin lahat ng santo. Bakit ngayon lang niya sinabi? Edi sana, noon pa man binigay ko nalang sa kanya ang kuwintas na'to. Kaasar naman oh, "Hanggang kailan nalang ba ang oras na natitira?" Tanong ko kay Landlady Yda.






Ngumisi siya sa akin, "Why don't you find it on your own? Gawin mo nalang ang plano mo para maisaayos na ang gusot namin ng anak ko." Alam ko, at kahit wala na sa akin ang kuwintas na'to, tutuparin ko pa rin ang deal namin ni Landlady Yda, dahil hindi ako  bumabasag ng deal. Ang usapan ay usapan, kaya nararapat lamang na gawin ko iyon kahit anuman ang mangyari, kahit na wala na ako dito sa Gond Enchanted Land. Tumango lamang ako sa kanya at nilagpasan siya.





I'm too pre-occupied to answer her pa, baka mas masira lang ang araw ko pag sumagot pa ako sa kanya, nakakainis lang kasi kung kailan confident na ako na titira na ako dito ay may limit din pala iyon. Alam n'yo 'yung nakakaasar? Ito 'yon eh, ito 'yon!





Nang makahiga ako sa bed na gawa sa petal ay nakaharap sa akin si Landlady Yda, shit, nakasunod pala siya? Ba't di ko naramdaman? Kasi naman daw, nalulungkot ako at wala akong pakialam sa mundo dahil sa buwisit na limit ek ek na iyan.





Pinabayaan ko na lamang si Landlady Yda at pumikit, "Ano na? Mag-iisip ka na ba ng maganda'ng plano?" Umiling lang ako habang nakapikit, frustrated pa nga ako dahil sa nalaman ko'ng limited time nalang ang pags-stay ko dito, ang mag-isip pa kaya ng maganda'ng plano?





Kahit kailan talaga, kahit sa mortal world pa. Dati nang apurado ito'ng si Landlady Yda, lalo'ng-lalo na sa pag-singil sa akin ng bayad ng renta. Pero iba na kasi ngayon, hindi na bagay ang pinag-uusapan. Gusot na. Gusot ng kanya'ng anak at sa kanya.





"Alam mo ba kung ilang taon ko'ng ginugol ang buhay ko para sa kuwintas na iyan? Para makasama ko muli ang anak ko? Athena naman, gumawa ka na ng plano nang mag-kaayos na kami ng anak ko. Sana naman iniisip mo rin na nag-hihintay ako'ng gumalaw k—"





"Kung hindi ka nalang kaya naging duwag simula noon pa? Kung agad mo kaya'ng binalikan si Gretel? Edi okay na ang lahat." Ibinuka ko na ang mga mata ko nang nasabi ko ang mga iyon, hinihingal pa nga ako, "Pero, 'wag ka'ng mag-alala Landlady Yda, tutuparin ko ang deal natin kahit anuman ang mangyari. Wala na din ako'ng mga magulang kaya alam ko ang nararamdaman ni Gretel. Mahirap, gusto mo'ng magalit dahil wala sa tabi mo ang mga magulang mo kaya sana intindihin mo rin siya. Intindihin mo rin ang sitwasyon ni Gretel, Landlady Yda. Nag-aadjust din siya katulad mo, hayaan mo, masasanay din siya sa'yo at mag-kakaayos na kayo. Pag-dating ng araw na 'yon, wala na ako'ng papel sa buhay niyo. Ibabalik ko na ang kuwintas na'to." Sabi ko sabay pikit ng mariin at hinga ng malalim, napahawak na rin ako ng mahigpit sa kuwintas na suot ko.





Tumabi sa akin si Landlady Yda, umupo siya sa gilid ng bed na hinihigaan ko, "Athena, I'm sorry. Sorry kung naging dense ako." Huminga siya ng malalim at hinaplos ang buhok ko, "Ang drama na natin, mabuti pa, sa mas lalo'ng madaling panahon, gumawa ka na ng paraan at baka makagawa rin ako ng paraan para mapanatili ang oras mo rito sa Gond Enchanted Land." Tumayo na siya at nag-tungo na sa pinto, lumingon muli siya sa akin, "See you when I see you." Tapos nawala na siya.





Napa-buntong hininga na lamang ako. Now what? Ano ang plano'ng isasagawa ko para mapag-ayos ang mag-inang iyon? Pumikit na lamang ako pero ilang segundo din ang makalipas ay nakarinig ako ng mga ingay at kalabog sa pag-bukas ng pinto.





"Kinikilig pa rin ako sa tuwing naiisip ko iyon." Narinig ko si Gretel pero nakapikit pa rin ako, wala ako'ng paki sa sinasabi nila. Bahala sila kung kiligin sila. Wala ako'ng oras diyan.





"Kung hindi ba naman tumutugma kay Athena ang mga hinahanap niya'ng standards. Aba'y oo, nakakakilig iyon." Sa sinabi ni Hera, awtomatiko'ng napabangon ako sa hinihigaan ko.





Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitingnan sila'ng dalawa, humihingi ng pahiwatig kung may katotohanan ba ang sinabi nila pero wala sila'ng angal. "Ano?! A-ano'ng standards?" Gusto ko lang makasiguro.





"Eh kasi nga diba, kinulit namin si Prince Carlos na sabihin kung ano man ang gusto niya sa isa'ng babaeand he said gusto niya ng palaban, matapang, at kung ano-ano pa na tumutugma talaga sa'yo pero may isa'ng hindi naman siguro katangian mo, hindi ba?" Makahulugan na tanong sa akin ni Gretel. Shit, ano ba ang pinag-sasabi nila?





"A-ano'ng katangian?" Nag-tataka ko'ng tanong sa kanila.





This time, sumeryoso na ang atmosphere sa kanila'ng dalawa— no, sa amin'g tatlo'ng nandirito. Para'ng kanina lang, si Landlady Yda ang kaharap ko. At nakaka-stress ito kesa kanina. Aish! Ano ba 'yan!





"I'm not sure kung katangian ba ito o pakiramdam. Pero..." Huminga siya ng malalim, "Hindi mo naman siya mahal— o gusto, di'ba? O vice versa?" Kinabahan ako pero dahil siguro ito sa naging usapan namin kanina ni Landlady Yda.





Tumingin ako ng seryoso sa kanila. "Oo naman!" Wala'ng alinlangan at magiliw ko'ng sabi sa kanila pero nagulat sila.





"A-ano?" Nagkasabay pa talaga sila'ng dalawa. Bigla naman'g kumalabog 'yung dibdib ko. Shete, pakiulit nga 'yung sinagot ko? Waaaaaah~ nakakahiya, baka kung ano'ng isipin nila at inaahas ko sila. No way, kanila'ng-kanila na si Prince Carlos.





Wala ako'ng nararamdaman 'dun. Wala talaga. Pero hindi din ako sigurado, eh kasi naman, isa siya'ng prinsipe at niligtas niya din ako. Sino'ng hindi hahanga sa kanya, di ba? Eh wala naman'g mali doon. Hindi din naman hihigit 'yung pag-hanga ko sa kanya. Siguro?





"A-ano, I mean. Hindi, hindi ko siya gusto pero hinahangaan ko siya. Oo, inaamin ko, hindi na ako magiging ipokrita, humahanga talaga ko sa Carlos na 'yon, pero wala na ako'ng balak pa'ng higitan ang pag-hanga ko sa kanya. Niligtas niya lang ako kaya natural na iidolohin ko siya." Mahaba'ng paliwanag at wala'ng pigil ko'ng sabi. Oh, Hesus, bakit niyo po ako ginagawa'ng defensive?





"Chill ka lang, Athena. Okay lang naman sa amin kung kayo ang mag-kakatuluyan ni Prince Carlos." Kumindat pa sa akin si Hera at ngumiti naman sa akin si Gretel.





Napairap nalang ako, "Pwede ba, hindi ko nga kasi siya gusto!" Sabi ko at saka pumikit muli. "At kahit kailan, hindi'ng-hindi ko siya magugustuhan. Itaga niyo 'yan sa kokote niyo ha." Huli ko'ng sabi bago ko tinabunan ng unan ang mukha ko para hindi na nila ako istorbohin muli pero, pucha!





"Weh? Dinga?! Talaga?! Sigurado ka na!?" Sabay pa talaga sila kaya isa-isa ko sila'ng binato ng unan.





"Hindi nga kasi eh, di ko siya type no!" Depensa ko.





"Sino'ng hindi mo type?" Bigla'ng lumitaw ang lalaki'ng boses at pigura sa harapan ko. Shete, nandito din pala 'to?

One Magical TaleWhere stories live. Discover now