Part 34

61 3 0
                                    

[A/N: Hey people! If you want to read another fantasy story, please go and visit my profile, check AMETHYST and add it on your library. And don't worry for the updates kasi completed na 'yon and it's under revision. Ini-edit ko na siya.]

P.S. Medyo bad girl ako dito. Proceed with caution!xx -Chase

+•+•+


Part 34





"Isa pa, bakit kami inaatake ng mga beelzebubs?" Tanong ulit ni Landlady Yda.





"Simula nung nawala si Prince Andres dito sa Zaroth, ang mga beelzebub ay pinalayas na dahil hindi ito kaya'ng kontrolin ng hari." Sambit ng servant.





"Ganoon ba? Pwede ba'ng makita ang hari at reyna? Nasaan sila?" Si Landlady Yda lamang ang nakikipag-usap sa servant kasi naaaliw kami sa kasiyahan na nagaganap.





"Naku, mukha'ng nag-uusap sila doon ng masinsinan. Pero dahil nandito na naman ang dalawa'ng anak nila, sila muna ang pupunta doon at maiiwan muna kayo dito. Kabilin-bilinan kasi ng hari na huwag sila'ng istorbohin." Sambit nung servant kaya wala na kami'ng choice kundi magpaiwan dito at makisaya sa kanila.





Samantalang, ang dalawang prinsipe naman ang tumuloy papasok sa palasyo.





Buo'ng sandali, wala kami'ng ginawa kundi ang kumain sa mga sini-serve ng mga servants; umiinom din kami ng kung ano'ng juice at wine na binibigay nila sa amin. Ganoon lamang ang ginagawa namin at halos ma-bored na kami, mabuti nalang at nagbalik ang dalawang prinsipe.





"Oh? Pinaalis kayo doon?" Tanong ni Caleb habang tumatawa kaya binatukan siya ni Hera.





"Baliw, bumalik kami para papasukin kayo sa loob." Sambit ni Prince Andres na sinang-ayunan ni Prince Carlos.





"Hali na nga kayo bago pa magbago ang isip ni Ama." Si Prince Carlos naman ang nagyaya sa amin kaya wala na kami'ng magawa kundi sumunod nalang.





Pumasok kami sa loob at malaki ang pagbabago nito simula 'nung huli akong nakatapak dito noon 'nung napadpad kami dito. Hanggang sa nakarating na kami sa malaki'ng pasilyo na may upuan at mesa na enggrande'ng-enggrande. Napakaganda ng ambiance dahil halos lahat, puro antique, maliban nalang sa mga chandelier sa itaas na sobra'ng kalaki-laki.





"Maaari na kayo'ng umupo." Napalingon naman ako sa lalaki'ng mahinahon ang boses ngunit may otoridad na tono. Ang kanya'ng kayumanggi'ng, mahabang buhok na lampas leeg ay mas lalo'ng gumada dahil sa nakapatong sa ulo nito'ng pilak na korona na kagaya nung kay Prince Andres. Hindi ko maitatanggi'ng may pinagmanahan nga ang dalawa'ng prinsipe. Napakagwapo'ng nilalang kasi nito'ng hari na 'to eh.





"Kamahalan." Nag-bow kami'ng lahat sa kanya at naupo na kami sa mga upuan. Katabi ko sina Gretel at Hera. Nakaupo kami sa isang sofa na kami lamang ang eksakto dahil nakakahiya naman kung tig-iisa pa kami ng sofa. Habang 'yung dalawang prinsipe ay magkaiba ang kanila'ng inuupuan malapit lamang sa kanila'ng ama. Pero bakit wala dito ang reyna?





Para namang narinig ako ng pagkakataon dahil narinig kong may papalapit sa amin. Napakaamo ng presensya at inosente. Napalingon kami'ng lahat doon. At 'yun, sa wakas. Nakita ko na ang ina ng dalawa'ng prinsipe. Nak-klaro ko iyon dahil kulay ginto ang korona nito. Nakasuot din kasi ito ng mahaba'ng gown pero halata'ng nandidilim ang ilalim ng mga mata niya, halata na hindi siya ganyan ka-payat. Halata'ng may sakit siya pero ngumingiti pa rin siya. Ngumiti siya sa amin na para ba'ng walang problema.





One Magical TaleWhere stories live. Discover now