Part 20

61 3 0
                                    

Part 20

"Bisita din po kayo sa Gond minsan, Prince Andres at Caleb!" Masigla'ng sabi ni Gretel habang hawak-hawak ang bagpack na may laman ng mga gamit niya.





Umakbay naman si Hera kay Gretel, "Oo nga, basta, sa 8th residence ka lang pumunta, Caleb ha. Hihi." Humagikgik pa siya.





Isinukbit ko na ang bag ko at tiningnan si Prince Andres, "Salamat sa pagsama sa amin." Sabi ko at bago pa ako muli'ng lumapit sina Hera, Gretel at Prince Carlos ay may naalala ako. "A-ano, 'yung kapalit..." Pagpapaalala ko sa kanya nang maalala kong may hiningi siya sa akin na kapalit sa pag-tulong. Nagsisilbing kabayaran sa ginawa niya'ng pag-tulong.





Ngumiti lang siya sa akin. May kinuha siya sa bulsa niya at lumapit siya sa akin. "Your hands." Inilahad ko naman 'yon sa kanya. Natanaw ko naman ang bracelet na hawak-hawak niya. Ilalagay na niya sana sa kamay ko nang makita niya'ng may bracelet din doon. "Kanino nanggaling 'to?"





"Kay Prince Carlos."





Huminga siya ng malalim at hinawakan nalang ang kabila'ng braso ko at doon nilagay ang bracelet. "Whenever I see you not wearing this, hihingiin ko na talaga ang kapalit." Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko.





Magsasalita pa sana ako nang hinablot na ako ni Prince Carlos. "Ang tagal niyo naman nakakainip." Sabi niya saka dumerecho na sa pag-labas at nauna pero narinig pa namin siya'ng sumigaw. "Bye Bro, bye Caleb. See you when I see you." Sumunod si Gretel sa kanya papalabas.





Napailing nalang ako saka muling ibinalik ang tingin ko kay Prince Andres. "Salamat nga pala dito. Salamat sa pag-papatira mo sa amin." Sabi ko habang pinapakita ang bracelet na may horn ng unicorn. Kulay silver. Gaya nung binigay ni Prince Carlos na bracelet sa akin.





'Di kaya mag-mukha ako'ng jejemon nito? Tig-dalawang bracelet ang suot ko. And to think, galing pa sa dalawang magkapatid na prinsipe. Ang haba lang ng hair ko. Ah bahala na nga.





"Paalam, Prince Andres." Sabi ni Hera saka hinila na ako. Pero muli siyang lumingon sa likuran. "Caleb, tandaan mo. Eighth residence. Aasahan kita sa madaling panahon." Nag-giggle pa siya.





Humalkhak nalang ako. "Chemistry."





Lumingon siya sa akin ng may nakakunot na noo. "Huh?"





"Wala."





At dahil pinaninindigan talaga ni Prince Carlos na hindi pwede'ng maging magkasama o magkaibigan ang beelzebubs at Gondians, ginamit lang namin ang mga pakpak namin.





Kung prosaic ka. Iisipin mo'ng para ka na ring naglalakad sa sidewalk nito. Pero dahil isa akong fairy, pakpak na ang ginagamit ko. And I hope, I am not a prosaic anymore. Sana certified fairy na ako kahit hindi full-blooded.





"Nakakapagod naman. Nagpunta tayo dito na pakpak natin ang gamit. Uuwi naman tayo ng pakpak din ang gamit." Reklamo ko sa katabi kong si Hera.





"Shh, Athena. Marinig ka ni Prince Carlos ko." Pagbabanta ni Gretel sa akin.





"As if ikaw piliin niya'ng maging bride?" Pabalang na tanong naman ni Hera sa kanya. Shit, naisip ko 'yung pagpili ni Prince Carlos ng bride niya. Next week na.





"Okay lang, magkasama kami kaya may possibity." Ngumisi naman si Gretel kay Hera. "Sana kayo din ni Caleb mo." Ngumisi siya lalo nang makita ang nakakunot na expression ng mukha ni Hera.





"No. Friends lang kami kaya wala'ng kasalan ang magaganap." Depensa ni Hera sa kanyang sarili.





Shiz, nasa gitna nila ako kaya naiipit ako sa sigawan nila. Nauna kasi si Prince Carlos at concentrate na concentrate sa kanyang tinatahak.





"Hashtag Denial Stage." Kumento ni Gretel at tumabi na kay Prince Carlos. "Malapit na po ba tayo, Prince Carlos?" Tanong niya.





Sumunod na din kami'ng dalawa sa kanila kaya sabay-sabay na kami ngayon. Humarap si Prince Carlos sa amin isa-isa. "H-hindi ko na alam kung nasaan tayo. Nakalimutan ko na ang d-daan pabalik." Sabi niya.





Nasapo ko naman ang noo ko. "Dapat kasi pumayag na tayo sa gusto ni Prince Andres eh. Dapat sumakay nalang tayo ng beelzebub." Tantrums ko. Napagod ako sa wala. Shiz!





Napatingin sa akin ang dalawa'ng babae kaya kinunotan ko lang sila ng noo.





"Athena," napalingon ako kay Prince Carlos na mukha'ng kalmado ang ekspresyon pero nag-titimpi lang. "Bumalik ka doon kay Andres kung gusto mo'ng sumakay ng beelzebub niya." Kalmado niya'ng sabi pa rin pero mukha'ng konti nalang talaga ay sasabog na siya.





Napalunok ako. Wala ako'ng kasalanan dito kaya hindi dapat ako matakot sa kanya. "Paano ako makakabalik doon kung niligaw mo kami?!" Singhal ko. Shete. Hindi ko 'yun sinasadya. Napatakip ako ng bibig ko.





Napatingin ako sa kanya nang makita ko'ng nakaawang ang bibig niya. His jaw clenched and he stared at me intently with those pair piercing eyes. "If you really want to go back there, find a way." Tumalikod siya sa akin at nag-simula na naman'g lumipad papalayo.





Napatulala nalang ako. Ako ba ang may kasalanan? Ay, hindi Athena. Hindi ikaw. Wala ka'ng kasalanan, ang kapal mo. Tinulungan ka na nga niya, ikaw pa 'tong may gana'ng suminghal. Narinig ko'ng sabi ng isa'ng bahagi sa isip ko.





Napayuko ako. Hindi ko naman 'yon sinasadya eh. Hindi ko naman dapat siya sininghalan pero hindi ko siya napigilan. Ano, nagi-guilty ka na sa kanya? 'Yan kasi ang napapala sa bunganga mo, eh. Nakakita ka lang ng Andres para'ng iniwan mo na si Carlos sa ere. Napailing ako. Paano nasali si Prince Andres sa usapan?





Ugh, nababaliw na ata ako. Naramdaman ko'ng may bumangga ng balikat ko. "Ba't mo inaway si Prince Carlos ko? Athena naman eh." Nilingon ko si Gretel.





"Dapat pinigilan mo ang pag-singhal mo. Prinsipe siya Athena." Napayuko nalang ako sa mga sinabi nila sa akin.





"Tara na nga." Tawag sa akin ni Gretel.





Hinila na ako ni Hera papunta kay Prince Carlos. Si Gretel, kasabay niya si Prince Carlos lumipad habang nasa likuran lamang kami ni Hera.





Nahihiya ako. Nahihiya ako dahil sa inasal ko sa isa'ng prinsipe. Nailigtas na niya ang buhay ko sa mga beelzebub. Pero, niligtas ko din naman siya, ah. Hindi sapat 'yun ano ka ba. Tandaan mo, tinanggap ka niya dito sa kingdom. Pero di naman niya alam na prosaic ako eh. Sina Gretel at Hera pa lang.





Habang lumilipad kami, nababagabag pa rin ako sa nangyari kani-kanina lang. Nakakahiya. Ang kapal ng mukha ko. Kailangan ko'ng humingi ng paumanhin kay Prince Carlos. Dapat marunong ako'ng tumanaw ng utang na loob.





Unti-unti ako'ng lumapit sa kanya at kakalbitin sana siya pero napaka-feeling close ko kapag gagawin ko iyon. Kaya tumikhim na lamang ako. "P-prince Carlos." Pagtatawag ko sa kanya.





Hindi siya lumingon sa akin at hindi din siya huminto. Tinawag ko siya muli. "Ano?" Patuloy pa rin siya sa pag-lilipad.





Napahawak ako sa mga kamay ko'ng nanlalamig. Kinurot ko pa ito para mapakalma ang sarili ko. Gawin mo na, Athena. Ang dami niya'ng naitulong sayo. Hindi sapat ang thank you para doon. Kaya ngayon'g may kasalanan ka, mag-sorry ka sa kanya.





"Kung wala ka'ng sasabihin mabuti pa ay manahimik ka na lang—" pagsasalita pa sana niya pero sumingit na ako.





"I'm sorry!"

One Magical TaleWhere stories live. Discover now