Part 25

73 3 0
                                    

Part 25





"Pero may lifetime." Napaangat ang tingin ko sa kanya at ngumiti. Ganoon din siya sa akin.





Maya-maya lang, muli kong nakita ang bukod tangi'ng may kulay asul na buhok. "Azura?" Tanong ko nang maaninag ko sila sa di kalayuan. Pero para'ng pamilyar din 'yung lalaki'ng kasama niya.





"Azura and Hansel?" Narinig kong tanong ni Hera sa sarili.





"Oh my God, ba't nandito si Kuya at kasama niya pa si Azura. Iniwan niya si Mama sa bahay?" Tanong din ni Gretel at mabilis na lumipad patungo sa kanila. Sumunod na lamang kami.





"Hi, Azura." Bati ni Hera at nag-hug pa sila.





"Hey." Bati ko sa kanila'ng dalawa at iniyuko ang ulo ko.





What a flying perfection. Ang ganda ni Azura. Ang ganda niya, kulay asul na buhok, kulay asul na sapatos, kulay asul na damit— whole dress na maikli, at kulay light blue na kuwintas. Wow. A flying perfection, indeed. Lumingon din ako kay Hansel. Brown hair, brown shoes, brown leather coat at suot niya'ng damit, red necklace. Wow! Another flying perfection!





Naalala ko pa 'nung huli ko sila'ng nakita. Hindi pa sila masyado'ng nag-papansinan. Bakit kaya?





"Hansel, akala ko ba kasama mo si ina sa bahay? At ba't di ka pa nagsasanay?" Narinig ko pa si Gretel at nakita kong lumapit siya kay Hansel. Ba't hindi siya nagku-kuya?





"Wala, tapos na ang pag-sasanay ko dahil sa susunod na linggo na din daw gaganapin iyon, sabi ni Prince Carlos, okay na daw na magpahinga muna kami. Tsaka, pinayagan naman na ako ni Nanay." Paliwanag ni Hansel at umakbay pa kay Azura. Nakangiti sila parehos na para ba'ng dinadamdam nila ang kasiyahang nararamdaman nila ngayon.





"Ah, oo Gretel. Ang linggo'ng ito ang pitong araw na pagpapahinga dahil pipili na ng pakakasalan si Prince Carlos at para maging maayos na ang kalagayan ng mahal na reyna." Nakangiti si Azura and glanced at Hansel na mas lalong ikinalaki ng ngitian nila. Seryoso? Ano'ng gusto nilang iparating? Kahit na may hint na ako.





"So, ano na ang dahilan ng ngitian'g iyan?" Tanong ni Hera at halatang ilang sandali nalang ay magtatalon na siya.





"Magiging lola na ang mama mo, Gretel." Masiglang sabi ni Azura kaya napaawang nalang ang bibig ko. Buntis si Azura? At... Si Hansel ang ama? Wow.





Napalingon naman ako kay Gretel na natahimik. "Oy, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya pero nakita kong kumunot ang noo niya at may ngiti na sa mga labi niya habang naluluha.





Lumapit siya sa tiyan ni Azura. "Hello, baby. Ako ang auntie mo at magiging uncle mo si Prince Carlos next week." Sabi niya kaya napatawa silang lahat.





Kahit hindi ako natatawa dahil may kung ano sa puso ko na— nevermind. Tumawa nalang din ako at sinakyan ang mga biruan nila hanggang sa napagdesisyunan ko nang magpaalam. Kailangan ko pang hanapin ang anak ng Goddess Athena na 'yon. Pero ang problema, saan ko sisimulan?





Pumasok na kami ng castle ni Prince Carlos dahil hindi pumapayag sina Gretel at Hera na hindi sila sasama dahil na din sa sinabi ng dalawa'ng prinsipe na sasama sila sa paghahanap ko sa anak ni Goddess Athena.





***





"Prince Carlos, pupunta pa tayo sa Zaroth, di'ba? Nag-volunteer din si Prince Andres na sasama siya sa pag-hahanap ni unknown." Sabi ni Gretel? Unknown? Anak ni Goddess Athena? Why not tawagin nalang siya'ng unknown hindi ba, tutal, hindi ko naman talaga alam— kilala kung sino ito.





"Anak ni Goddess Athena?" Tumango naman si Gretel. "Tayo nalang kaya ang mag-hanap. Baka busy si Andres sa Zaroth. Huwag na natin siya isama—" hindi pa natatapos si Prince Andres nang bumukas ang malaki'ng pinto sa throne room.





"No need," narinig ko pa ang pag-hingal niya na para ba'ng may tinatakasan. Si Prince Andres kasama si Caleb. Agad tumakbo si Hera papunta kay Caleb at nag-usap na sila matapos mag-bigay galang si Caleb kay Prince Carlos. "Napag-alaman kong ngayon hahanapin ni Athena ang anak ni Goddess... Athena." Para bang awkward siya ng sabihin ang pangalan'g Athena. Maging ako. Nakakailang kasi magkapareho kami ng pangalan. And what's worse is Goddess 'yung isa, habang 'yung isa, ordinaryo'ng mortal.





"So settled na. Tara na!" Sabi ni Gretel pero maya-maya lang ay kumunot ang noo niya at tumingin kay Prince Andres. Nakatalikod na sana ako at saktong kaharap ko si Prince Andres. Napahinto ako sa tanong ni Gretel, "Prince Andres, sino si Groogy?" Tanong nito kaya agad akong napatingin kay Prince Andres.





I mouthed beelzebub. Naglakad ako na kunwaring walang ibinulong kay Prince Andres. "Beelzebub na sinakyan ko noon. Please." Sabi ko saka muling humarap kay Gretel. Magkatabi na kami ni Prince Andres ngayon habang kaharap namin sina Gretel at Prince Carlos. Nasa likod sina Caleb at Hera.





"Bakit?" Maikling tanong ni Prince Andres. Kinurot ko naman siya ng palihim sa tagiliran pero nabigo ako. He's full of metals! Ano ba 'yan! Sasabak ba siya ng gyera?





"Uhh, wala. Pero may kilala ka ba'ng Groogy?" Tanong ni Gretel.





This time, I grunted ng palihim kay Prince Andres and muttered something under my breath. "Punyeta. Sabihin mo na kasi." Sabi ko.





"May sinasabi ka, Athena?" Napalingon agad ako kay Prince Carlos at agad umiling. Tumango nalang din siya na alam kong hindi siya satisfied. "So, Andres, who's Groogy?"





"Ah! Oo, nandoon si Groogy sa labas. Let's go." Hinila pa ako ni Prince Andres kaya pinandidilatan ko siya ng mata nung nakatalikod na kami kay Prince Carlos at Gretel. Kaharap namin ang nakatalikod na sina Hera at Caleb.





Bumungad sa amin ang sampu'ng beelzebubs. 'Yung apat ay may sakay na, nakasuot sila ng bakal at may dala-dala silang espada katulad kay Prince Andres. So, nag-dala pala siya ng back up. Napailing-iling nalang ako habang nakangiti.





Lumapit na kami sa mga beelzebub at hinanap ko si... Umm, Groogy. Gusto ko 'yon eh tsaka kulay brown 'yon kaya siya ang nilapitan ko. Sumakay kami sa kanya-kanya namin'g pinili'ng beelzebubs.





"Are you ready?" Tanong ni Prince Andres na siyang nangunguna.





Napatingin ako sa mga kasama ko, nakita kong ngumiwi si Prince Carlos kay Prince Andres. Hindi ko nalang ito pinansin at nakita ko naman si Hera sa gilid ko na nakangiting tumatango ganoon din si Gretel.





"Hahanapin natin ang anak ni Goddess Athena. Maitatawag ko ba itong misyon o adventure?" Natatawang saad ni Prince Andres kaya ganoon din kami pero kakaiba din tong si Prince Carlos, ayun kasi, nauna na siyang lumipad patungo doon sa itaas.





Sinundan ko ito ng tingin, "Ano'ng problema 'nun?" Hindi ko na napigilang magtanong sa sarili. Napalakas pala ang boses ko dahil narinig ako sa katabi kong si Hera.





"Competitive kasi iyan si Prince Carlos. Lalo na kay Prince Andres." Sabi niya saka sinunod ang una.





- - - - -





Heyoooo peeps 💙 I lied. Sabi ko madalas na akong mag-update but hindi dahil na writer's block ako.

One Magical TaleWhere stories live. Discover now