Part 12

89 4 0
                                    

Part 12




Ang Propesiya / The Prophecy





Napabalikwas ako ng bangon at lumingon sa lalaki'ng iyon. Oh Prince Carlos, sana hindi ka muna gumaling para hindi ka nakapunta dito. Teka, ano'ng nangyari sa kanya? Ba't wala na siya'ng ni-isa'ng galos?





Tiningnan ko siya ng nag-tatanong ko'ng tingin, ewan ko, gusto ko lang malaman, baka sakaling makatulong din ako sa mga nangangailangan ng ginamit niya para mapagaling. Hindi naman ata agad-agad nalang nag-hihilom ang mga galos at sugat niya diba? Tsaka, mahina pa siya kanina.





"Duga ng carnation." Sagot niya sa akin, napakunot naman ang noo ko, ano 'yon, magic? Lol! Sabagay, "Enchanted" nga pala ang tinatapakan ko kaya ngumiti na lamang ako.





"Ah, mabuti at gumaling ka na." I just shrugged then ibinalik ko na ang sarili ko sa pagkaka-higa.





"One more thing— personality he liked, Athena..." Pumikit ako, wala ako'ng pakialam sa mga sinasabi ni Hera, "Fierce." Sumulyap lamang ako ng tingin sa kanila at ibinalik na ulit sa pagkaka-pikit ang mga mata ko.





Seryoso, hindi lang naman ako ang tao— fairy na katugma 'yung personalities at characteristics na gusto ni Prince Carlos. Tsaka, eww, hindi naman kami interesado sa isa't-isa. He should be laughing at me kapag nakabalik na ako sa mortal world at makita niya ako. Ang taba ko kaya. Hmm, paano kung mag-exercise ako dito, para pag-balik ko, mababawas-bawasan na din 'yung timbang ko. Right! 'Yon nga! Work out.





Work out. Work out... Work out. Iniisip ko pa lamang iyon, para'ng gusto ko nang mag-pahinga. Nakakapagod at hindi ko kaya. Aish! Napagulo ako ng buhok ko, kailangan ko'ng mag-isip ng paraan para sa pag-aayos nila ni Gretel at Landlady Yda, hindi para i-push kay Prince Carlos at mag-work out, buwisit!





"Oh, Athena. Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Hera, bumuka 'yung mga mata ko. Tumango na lamang ako at iginala 'yung tingin ko nang mapansin ko'ng wala na sina Gretel at Prince Carlos sa harapan namin.





Nandoon pala sila sa table. Nag-kakape.





Bagay naman sila ah, ba't... Ba't di nalang sila. I mean, bakit hindi si Gretel nalang 'yung piliin niya agad-agad. Mahal siya 'nung tao. All he needs to do is mahalin din niya pabalik si Gretel at huwag na isipin 'yung mga personalities na gusto niya. Ang arte kasi eh. Malapit na ang pag-pili niya ng bride. Sabi nga niya nung dumating ako diba, fortnight? Eh, next week na 'yon eh.





Tsaka, bakit ko ba pino-problema ang mga bagay-bagay na iyan? Wala ako'ng pake, at kahit kailan, hindi'ng-hindi ako magkakaroon ng interes sa pag-pipili ng bride ni Prince Carlos.





"Hoy, Athena. Sigurado ka'ng okay ka lang? You're spacing out again." Bumuka 'yung mga mata ko at naisip ko 'yung duga ng carnation.





Kung nakakagaling 'yon, edi sana ginamit nalang nila iyon para sa Queen. "Y-yung ginamit mo'ng duga ng carnation, baka maaaring maging antidote iyon." I said to Prince Carlos, tutal nandirito naman sila nakatingin sa akin ang lahat nung nag-tanong si Hera.





Umiling lamang si Prince Carlos, "Hindi pwede, external wounds lamang ang kaya'ng ma-heal 'nun, at para sa mga nabihag ng beelzebub, kung kaya, nagawa iyon ni Mother. Pero hindi siya nakagawa ng antidote sa pang-lason." Sabi niya. "Nalason si Mama, kung kaya ay hindi siya nakagawa ng antidot 'nun, pero may nagawa na daw si Lolo, ang King ng Gond Enchanted Land dati, isa lang iyon kaya wala pa'ng kasiguraduhan kung nandito pa ba iyon o wala na. Pero para matiyak, kailangan ko'ng mapangasawa ang babae'ng mamahalin ko at mamahalin ako, dahil siya— kami'ng dalawa ang magtutulungan para mahanap ang antidot na iyon. The Elixir."





Elixir? Nag-eexist pa ba iyon?





"Eh, Prince Carlos, sabi-sabi daw na wala nang Elixir, matagal nang wala dito sa Gond Enchanted Land kaya mukha ng imposible." Saad ni Hera.





"Oo nga naman, Prince Carlos. Unless hanapin niyo ang Elixir na iyon." Sa tingin ko, gusto niya'ng sabihing "natin" yung binanggit niya'ng hahanapin niya, oo nga, baka sila ang mag-mamahalaan.





"Basta, kailangang mahanap ng Elixir na iyon sa lalo'ng madali'ng panahon, dahil habang tumatagal, mas humihina ang Queen." Sagot naman ni Prince Carlos.





"Eh kung mag-simula ka na kaya'ng mag-hanap ng bride mo?" Nakangiti'ng saad ni Hera na animo'y para siya'ng nagvo-volunteer sa isa'ng Hunger Games.





Napabaling naman ang tingin ko kay Prince Carlos, hindi siya nakasagot subalit nakatitig lamang siya sa akin. Ewan, kung sa akin nga ba o hindi. Pero ako lang naman ang nag-iisang nilalang dito sa direksyon na ito. Kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Problema mo?"





"Prince Carlos, 'wag mo'ng sabihin'g naniniwala ka sa propesiya?" Napabaling ang tingin ko kay Hera na nag-salita dahil siguro naramdaman niya 'yung awkwardness sa amin'g dalawa ni Prince Carlos. Pero teka, ano'ng propesiya? Dapat kaya'ng nag-basa muna ako ng libro doon sa Library bago muli umuwi dito sa bahay ni Gretel?





Umiling si Prince Carlos, pero maya-maya din ay tumango siya. "Hindi maaari'ng mag-mahal ng isa'ng mortal ang mga katulad ko'ng dugo'ng bughaw." Pahayag niya. Bigla naman ako'ng kinabahan pero...





"Hindi ka naman mag-aasawa ng mortal." Sabi ko saka napatawa. Ang engot lang eh 'no? Ba't naman may mapapadpad na mortal dito sa lugar na'to— oh shit!





Mortal ako. Isa ako'ng normal na tao. Hindi fairy. "Ba't ba kasi bawal mo mahalin ang mortal?" Out of the blue ko'ng tanong. Yuck, kahit wala naman ako'ng pakialam doon, natanong ko nalang. Traydor na bibig!





"Mawawalan na ako ng silbi dito sa lugar na ito at pwede na rin lang ako'ng maging normal na tao. Katulad ng mga mortal." Sabi niya kaya napatango nalang ako.





Duh, as if may iibig sa kanya'ng mortal, di'ba? Tsaka kung ako man 'yon. No thanks, siguro mag-papakasal nalang ako sa sarili ko, hindi siya normal na tao, for Pete's sake!





"Eh, ikaw ba, Athena? Saan ka ba talaga galing at bakit ngayong panahon lang kita nakita? Wala ka naman dito noon ah?" Nakita ko naman ang pag-lunok ng dalawa ko'ng kasama. Siyempre, sila lang ang may alam na isa ako'ng mortal.





Umiling lang ako at ngumiti kahit sa loob-loob ko ay halos sasabog na ako sa kaba at takot na bala malaman niya ang lahat. Na isa pala ako'ng mortal. Ayoko'ng gawin nila ako na alipin dito. Kahit trabaho pa iyon at doon lang ako tanggap, ayoko 'nun! A big NO NO! At kahit kailan, hindi'ng-hindi ako aamin na isa ako'ng mortal. Itaga niyo 'yan sa bato.





"Isa ako'ng mortal, Prince Carlos." Napatakip nalang ako ng bibig ko. Shete, kasasabi ko lang na hindi'ng-hindi ako aamin eh. Naman oh! Ano na ang gagawin ko?

One Magical TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon