Part 23

59 4 0
                                    

Part 23





Napatawa nalang ako para maitago ang namumuong kaba sa dibdib ko. "Of course not!" Napasigaw na din ako habang pinipilit na matawa. "Loyal ako kay Groogy." Sambit ko habang nakataas ang noo at nakangiti ng malapad.





Tiningnan ko naman siya, umiwas siya ng tingin at sinabunutan ang sarili niya'ng buhok saka pinahiga si Gretel doon dahil nag-gesture siya. He tapped his lap at humiga naman si Gretel doon at muli nang natulog.





Bumalik nalang din ako sa tabi ni Hera at naupo. Napa-buntong hininga ako. Nilingon ko si Hera na hindi mapigilan ang kanya'ng pag-ngisi. "What?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko gusto ang mga binibigay niya'ng ngiti sa akin. Seems like, may nalaman siya'ng hindi ko alam.





"Sino si Groogy?" Tanong niya. Napalunok ako. Shete, sino nga ba si Groogy?





"A-ah, 'yung beelzebub na sinakyan ko papunta sa Jungle of Zaroth. He-he!" Sabi ko, napaka-awkward ng pag-tawa ko kaya ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa harap and it's a wrong move dahil kaharap namin sina Gretel at Prince Carlos.





To make things worse, naka-titig sa akin si Prince Carlos. Hindi ko mabasa ang kanya'ng expression kaya pumikit na lamang ako at humiga, inunan ko ang dalawa'ng braso ko, pati 'yung back pack ko. At ramdam ko na naman ang kabog ng dibdib ko, pero isinawalang-bahala ko nalang iyon at nag-patuloy na sa pag-tulog. Naramdaman ko din'g tumabi si Hera sa akin, pareho kami ng porma habang naka-higa kaya napatawa nalang ako.





***





"Hey, wake up! Baka maabutan tayo ng beelzebubs!" Naramdaman ko ang pag-yugyog sa mga balikat ko kaya napamulat ako ng mga mata ko. Mabigat pa rin ang mga talukap ko kaya napapikit ulit ako at tumagilid sa pag-higa. Sa tingin ko, boses ni Hera 'yon.





"If she won't wake up, iwan nalang natin siya at pabayaan'g makain ng mga beelzebubs." Boses 'yon ni Prince Carlos ah! Ang ganda talaga— n-ng boses ng idol ko'ng singer doon sa Prosaic's world.





At dahil doon, napamulat agad ako ng mga mata ko at una'ng bumungad sa akin ang unti-unti'ng pag-dilim ng kalangitan, kulay space grey.





"Athena, let's go, baka maabutan tayo ng beelzebub, siga ka." Narinig ko naman ang boses ni Gretel ngayon at hinila niya ako kaya napaupo ako.





Napa-hikab pa ako at agad tumayo na, pero sa pag-tayo ko, para'ng nahilo ako kaya na-out of balance ako. Napapikit nalang ako at napahiyaw. Pero bago pa ako lumanding sa lupa, naramdaman ko naman ang mga bisig sa may hips ko at inalalayan ako patayo.





"Are you drunk? Or doesn't even get enough sleep? Can't believe you slept for 5 hourse under the sun." Napamulat ako ng mga mata ko at nakita ko si Prince Carlos na nangangaral sa akin.





Ganoon pa din ang posisyon namin kaya labis ang kaba'ng naramdaman ko habang nakatitig sa mga mata niya. Nang ma-realize ko kung ano ang posisyon namin, saka ko lang ibinaling ang paningin ko.





"Let's go!" Narinig ko ang matinis na boses ni Gretel na ikinagulat ko kaya agad kong naitulak si Prince Carlos. Pero dahil nakahawak siya sa may bewang ko ay nadala niya ako.





And swear to all the Gods, I bumped on his body. Mabuti nalang at sa may dibdib ako lumanding at hindi sa mukha niya. Dapat nag-kiss na kami eh. 'Yun 'yung nasa movies at stories na nababasa at napapanood ko. Ba't di kami nag-kiss— wait, what? Am I expecting more?





Habang nakasubsob ako sa dibdib niya ay napailing ako at tumayo kaagad. Punyeta. I felt embarrassed.





Ilan'g segundo kami'ng lahat natahimik nang napag-desisyunan kong magsalita para mapagaan ang atmosphere dito. "Tara na." Sabi ko nalang at sinukbit na ang back pack.





Lumipad na kami'ng lahat sa himpapawid bago pa kami matagpuan ng mga beelzebubs.





***





"Prince Carlos, salamat sa pag-sama sa amin." Sabi ko nang nasa tapat na kami ng palasyo niya.





Tiningnan lang niya ako. "Pinuntahan ko din ang kapatid ko sa Zaroth," saka siya tumingin kina Hera at Gretel. Napayuko naman ako.





"A-ah, s-sige. Aalis na kami." Sabi ko at tumalikod na. Naglakad na ako papalayo at sumunod naman sina Gretel at Hera.





Naramdaman kong may bumangga sa kaliwa'ng balikat ko kaya napalingon ako dahil dito. Nakita ko si Hera na nanlilisik na naman ang mga mata. Ano na naman ba ang problema nito?





"Sino si Groogy?" Nanlaki ang mga mata ko nang itanong niya muli ito.





"Groogy?" Sumabat na rin si Gretel sa isa'ng tabi. "Sino'ng Groogy? Taga rito ba iyan?" Nakangiti siya ng nakakaloko sa akin. Iniisip niya siguro'ng may gusto ako kay 'Groogy' jusko po, 'di ko nga iyon kilala, magustuhan pa kaya?





"W-wala. Beelzebub lang iyon. Gamit ko nang pumunta tayo sa Jungle of Zaroth." Pag-papaliwanag ko saka bahagya'ng tumawa. "Ang cute kasi 'non. Nakaka-relax ang pagpapalipad."





"Kasama mo si Prince Andres sa pag-papalipad di'ba? Pati si Prince Carlos? So tell me, sino sa kanila?" Nakangisi sa akin si Hera ngayon kaya nilakihan ko siya ng mga mata.





Hindi niya ba iniisip na nakikinig si Gretel sa amin? Saka, ano'ng sino sa kanila? Bakit? Pag-pipilian ko ba sila? My Gods!





"Matulog na nga lang tayo." Sabi ko at lumapit na sa bahay ni Hera. Dito daw kami matutulog ngayon dahil nandoon sa bahay ni Gretel ang mama niya.





Saka, si Gretel, doon din siya matutulog sa bahay niya dahil hinihintay siya ng kanya'ng ina na si Landlady Yda.





"Gusto mo ba si Prince Carlos?" Napalingon ako kay Gretel nang itanong niya iyon. Naka-yuko siya sa akin kaya hindi ko mabasa ang kanya'ng ekspresyon sa mukha.





Umiling naman ako, still trying to check for her expression pero nabigo ako, kaya umayos nalang ako ng upo, "H-hindi nga. Sa'yo 'yun 'no!" Sabi ko naman saka inilayo ang tingin ko sa kanya at ibinaling ko na ang atensyon sa pag-papalabas ng mga gamit sa loob ng back pack na dala-dala namin simula 'nung papunta pa lang kami sa Zaroth.





"Sigurado ka ah?" Napahinto ako sa pag-aayos ko ng mga gamit nang marinig ko muli'ng mag-salita si Gretel sa likod ko. Para'ng nabuhayan na 'yung boses niya. Creepy. "Kay Prince Andres ka nalang. Basta, promise mo hindi mo aagawin si Prince Carlos sa akin ah?" Napalunok ako ng marami'ng beses.





Hirap ko man'g banggitin ay sinubukan talaga ng bibig ko ang mag-salita. "Pangako. Hindi ako magkakagusto sa Prince Carlos mo." Sabi ko nalang at nag-patuloy na sa pag-aayos ng mga gamit, habang 'yung puso ko naman ay patuloy sa pag-kikirot, pero hindi ko nalang pinansin 'yon. Hindi ko nalang 'to papansinin habang buhay.





"Okay then," narinig ko pang nag-giggle siya. "It's a deal, you don't fall for my Prince Carlos and I don't bother you with your Prince Andres."





Napatingin nalang ako sa harapan ko at bumungad sa akin si Hera na nag-aayos nang humiga saka nag-talukbong ng kumot niya habang umiiling.





Para'ng sinasabi niya'ng, 'you made a mistake, Athena. Big time.'

One Magical TaleWhere stories live. Discover now