Part 31

53 3 0
                                    

Part 31





Nagpunta na nga kami sa lugar kung saan una'ng nagbago ang buhay ko. In this quiet wall, we are facing, naaalala ko na naman 'yung mga panahong inaapi-api ako ng mga mortal, ng mga kapwa ko. Pero inalis ko na lang yung isipang iyon, sa halip, pinagmasdan ko ang paligid, wala pa ring pinagbago yun, sobrang dumi pa rin.





"Tutuloy ba talaga tayo sa Gond at Zaroth?" Tanong ko sa kanila. Hindi naman ako nag-aalinlangan, pero para kasi'ng para talaga sa akin ang lugar na 'to. Isa akong mortal kaya nararapat lamang na dito ako titira. Sa mundo ng mga mortal. "I mean, ako, pwede niyo naman akong huwag nalang isama. Tutal taga-rito din naman ako."





Nilingon nila akong lahat pero lumapit si Hera sa akin, "Gaga, siyempre, sasama ka. Taga Eighth Residence ka na din." Saka umangkla siya sa braso ko.





"Tara na nga, ang dami pa'ng drama eh." Sambit ni Gretel habang natatawa at hinila na kami'ng lahat dahil binuksan na ni Landlady Yda ang portal at pumasok kami doon.





* * *





Nasa maala-heavenly place na kami. Dito din ako unang nakita nina Hera at Gretel. Bumalik na din yung mga pakpak nila pero wala sa akin. Hay, mortal nga naman.





"Kumpleto pa rin ba tayo'ng lahat?" Tanong ni Landlady Yda sa amin at binilang kami'ng lahat. "At dahil kompleto na tayo, tara na at mag-lakbay na tayo."





NASIMULAN namin ang paglalakbay namin sa isang ilog na parang paraiso. Kung titingnan mo ito ng mabuti, makikita mo na sa ilalim ng patag na ilog na ito ay ang napakalakas na pag-ikot ng tubig na parang black hole. Napaka-kalmadong tingnan kung hindi mo ito masyadong pagtuunan ng pansin. Pero kahit na mala-paraiso ang lugar na ito ay makikita mo naman na may panganib ding dala ito.





"Tatawid ba tayo diyan? Kung dumaan nalang kaya tayo doon sa kagubatan?" Tanong ni Gretel.





"Oo nga, hindi naman kasi tayo dito dumaan noon. Mas nakakapangilabot dito." Sabat naman ni Hera.





"Mas mabuti kung dito tayo dumaan kesa doon sa kagubatang iyon. Alam niyo namang hindi magkapareho ang oras ng mundo ng mga mortal at mundo ng Gond. Kaya maraming pagbabago ang naganap simula nung nandoon tayo sa mundo ng mga mortal." Nilingon kami'ng lahat ni Landlady Yda. "Tatawid na tayo sa tulay na 'yan. Huwag kayo'ng tumingin sa ilalim ng tulay at baka may mangyari pa sa inyo. Huwag din kayo'ng mag-ingay para hindi siya magising." Sambit ni Landlady Yda kaya nangilabot ako.





"Tiyak namang mas mapanganib ho dito, Landlady Yda. Hindi naman natin alam, baka may masaktan na isa sa atin sa huli." Sabat ko na dahil natatakot ako sa mga pinagsasabi niya.





Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ko pero sumagot na naman si Landlady Yda. "Kung dadaan tayo sa kagubatan, may matatagpuan ba tayo'ng mga tao doon na pwede natin'g pagtanungan kung nasaan na ang anak ni Goddess Athena?" Napayuko naman ako doon. "Minsan kasi, kailangan nating mag-take ng risk, baka may maidulot pa itong maganda. There's no harm in trying." Ngumiti sa amin si Landlady Yda.





"Eh kung ganoon, edi tara na. Huwag na tayo'ng mag-palitan pa ng mga hugot lines. Tss." Sambit ni Prince Andres at siya ang naunang tumawid sa tulay nang hindi tumitingin sa ilalim at hindi nag-iingay.





Sumunod na din kami sa kanya at tahimik kami'ng naglakad, pero hindi pala ganoon katibay ang tulay na ito dahil nahulog kami'ng lahat sa ilog. Napasigaw kami'ng lahat.





Sinusuyop kami nung parang black hole pero mabuti nalang at nakaahon yung mga lalaki at tinulungan nila kami, kaso, nung nakarating na kami sa gilid ng ilog, na sa kabila na, yumanig yung lupa at yung dating kalmadong lugar ay naging nakakatakot.





"Magigising na siya. Tara na bago niya tayo masaktan." Sambit ni Landlady Yda kaya napatayo kaming lahat pero huli na nung patakbo na kami kasi nakarinig na kami ng malakas na growl at patuloy pa rin sa pagyanig ang lupa.





Pilitin man naming makaalis sa lugar na iyon ay hindi namin magawa dahil tarantang-taranta kami, isa pa, kung may tatayo na isa sa amin ay matutumba kaagad dahil sa napakalakas ng pagyanig ng lupa. Maging 'yung tahimik na ilog kanina, yung katubigan ay pataas ng pataas na nagpo-porma ng isang tsunami.





At sa tubig na 'yon. We saw a monstrous black beast with white sharp canine teeth glaring intently at us— shooting daggers in our skin, as if it had a claw and imagined it dug into our flesh.





The giant beast seemed to notice— smell our fear as it grinned toward us like an evil human.





"Siya ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Prince Carlos sa amin at tumayo dahil hindi na yumayanig yung lupa.





"Siya ang diyos ng ilog, nagagalit siya kapag may gumambala sa katubigan niya maging kung gisingin siya." Hindi na namin magawang sumagot kay Landlady Yda dahil tumalsik na yung napakalaking alon papunta sa amin.





Sinikap naming lahat na makaahon. Sumasakit yung bisig ko dahil sa pagmamadali kong makahinga ng hangin. Nauubusan kasi ako ng hangin habang nandito ako sa ilalim ng tubig.





Napatikom ako ng bibig ko habang nililingon-lingon ang paligid at nagbabakasakali na makita ko ang isa sa mga kasamahan ko para matulungan nila ako, pero iba ang nakita ko— ang diyos ng ilog.





Napakalaking nilalang ito na nakaharap sa akin. Hindi ko magawang magalaw ang sarili ko dahil na rin sa pagod na naramdaman ko matapos kong magsumikap na makaahon at nauubusan na din ako ng hangin.





Nanlalabo na ang paningin ko. Gusto'ng-gusto ko nang lumanghap ng hangin, nagsumikap ulit akong makaahon pero nahawakan na ako ng diyos ng ilog at dinala ako sa mas malalim na bahagi ng ilog hanggang sa natanaw ko— kahit malabo ang water hurricanes na nakita ko kanina lamang nung nasa river shore pa lamang kami.





Papalapit kami ng papalapit doon kaya unti-unti— dahil na rin sa panghihina ay napapikit ako at naramdaman ko nalang na hinihigop na ako kasama ng diyos ng ilog patungo doon sa water hurricane.





Ito na yata ang katapusan ko.





Hanggang sa pati ang diwa ko ay naging itim na lahat.

One Magical TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon