Part 24

71 3 0
                                    

Part 24





Nagising ako na mabigat ang dibdib. Hindi ko maintindihan pero— bahala na nga. Napatingin ako sa petal door nang nakaawang iyon. Nilingon ko ang higaan ni Hera, pero wala na siya doon. Baka lumabas lang siya.





Napatingin din ako sa bintana sa gilid ng hinihigaan ko. Panibago'ng araw na naman. Sisimulan ko nang hanapin ang anak ni Goddess Athena kahit wala ako'ng kaide-ideya kung sino nga ba talaga ito. O kung babae ba ito o lalaki.





Bumangon na ako at dumiretso sa may tubuhan sa labas, pumasok ako sa maliit na room gawa sa flower petal. Sa loob nito ay may namumunga na mga bulaklak at nakapalibot dito ang gold glitters, may small fairies din na katulad nina Thumbelina.





Nang mapansin nila ako ay naging hyper sila at saka nila ako pinaikutan. Ilan'g beses na ba ako natuwa dito?





Lumabas ako na may panibago'ng dapit at fresh na fresh. Pati pag-ligo ay gawa ng mga katulad nina Thumbelina. Saka, kailangan ko rin pala'ng pumunta sa library. Gusto kong malaman ang mga pangalan ng iba't-iba'ng nilalang dito. Sana may libro din na tungkol sa Zaroth pero imposible siguro dahil magkalaban ang Zaroth at Gond.





Pag-labas ko, nakita ko si Hera at Gretel na magkasama. May gini-grill sila. "Palaka ba 'yan?" Derecho'ng tanong ko sa kanila. Exotic foods. Hmm.





Kahit papaano ay nasanay na rin ako sa mga kinakain dito. Pero doon sa Zaroth, well, ang kinakain lang naman doon ay manok, baboy at kung ano-ano pa'ng hindi nakakadiri sa prosaics' world, dahil na rin sa palasyo iyon at nandoon ang mga dugo'ng bughaw.





But then again, hindi ko pa nakita na kasama nina Prince Carlos at Prince Andres ang kanila'ng mga magulang. Hindi ko na ipinagtataka kung bakit hindi ko nakikita ang mama nila— na reyna ng Gond dahil may sakit ito. Pero bakit habang nasa hapag kami doon sa palasyo ng Gond ay hindi ko nakita ang ama ni Prince Andres na ama din ni Prince Carlos. Hindi ba sila close kaya hindi sila magkasama? Ba't di ko rin naramdaman na may iba pa kami'ng kasama doon? O baka naman, timing lang na napunta kami doon na may business trip ang King ng Zaroth? Pero business trip? May business trip ang royalties? Hindi ko lubos maisip. Saka, bakit ba ako namomroblema doon? Samantalang, may problema akong kailangan'g harapin dito. Ang pag-hahanap sa anak ni Goddess Athena— na kapangalan ko pa.





Umupo ako sa tabi nina Gretel at Hera, "Hindi 'to palaka. Nakakasawa na kasi 'yon. Nagdala si Gretel, kinuha daw 'to ng mama niya sa palengke. Isda." Dumungaw ako sa grill saka ko nakita ang isda na kasalukuyang nakapatong sa stainless steel at ang ibaba nito ay mga bato na sa tingin ko ay mainit.





"Wala ba kayo'ng uling dito?" Tanong ko. Paano naluluto ang isda niyan? Saka napapansin ko rin naman'g may namumuo'ng itim na sunog 'yung isda kaya alam kong nagi-grill talaga siya.





"Buhay na bato." Sabi ni Gretel. "Buhay na bato ang ginagamit kapag nagi-grill kami ng mga espesyal na putahe— kasi espesyal na sa amin'g mga normal na Gondians ang mga baboy at isda dahil exotic foods ang kinakain namin kadalasan— paminsan-minsan lang ang pag-kain namin nito'ng mga normal na pagkain." Habang nagsasalita siya ay inaasikaso niya din 'yung tatlo'ng isda na nakahanay sa grill.





Tumango-tango nalang ako bilang pag-sang ayon. Matapos maluto 'nun ay kumain na kami. Masarap ang niluto nila. Tsaka, may rice na din. Pero kakaiba'ng rice dahil brown rice ito na napakabango kapag inaamoy.





"Ano'ng klase'ng rice 'to? Ah kasi, iba siya sa brown rice doon sa lupa." Hindi ko mapigilan'g mapatanong dahil sa kyuryosidad ko.





Lumingon naman sila'ng dalawa sa akin habang ngumunguya-nguya pa. "Dugo." Sabay punas ni Hera ng gilid ng kanya'ng bibig at nahulog ang ilang grains ng kanin. Mukha'ng sarap na sarap siya sa pagkain niya.





Napangiwi naman ako. "Kanino'ng dugo?"





"Dugo ng mga nutrients sa kanin. May mga insekto na nakakalusog ng mga kanin dito kaya ito mabango at kulay brown." Sabi pa niya kaya tumango nalang ako. No harm naman pala eh, kumain na nga ako ng exotic food mismo, ang dugo pa kaya? Aba't kaya'ng-kaya ko na 'yon.





Matapos namin'g kumain ng breakfast— brunch rather, ay tumayo na ako at nag-bihis na. "Kailangan ko nang simulan ang pag-hahanap ko sa anak ni Goddess Athena." Sabi ko.





Lumapit sila'ng dalawa sa akin. "Di'ba, sa susunod na linggo na mag-pipili na si Prince Carlos ng bride? Ayaw mo ba'ng mag-handa. May tatlo'ng linggo ka pa naman eh." Sabi ni Hera kaya napalingon ako sa kanya.





Ba't naman ako pupunta doon? Hindi naman ako kailangan doon dahil hindi naman ako ang pipiliin, hindi naman kami pwede sa isa't-isa dahil prosaic lamang ako at siya mismo ang prinsipe ng Gond. Umiling lang ako at ngumiti.





"Kailangan ko pa'ng kumilos bago ako maabutan ng takda'ng oras. Ni-hindi ko nga alam kung babae o lalaki ba ang hahanapin ko, o kung taga Gond, Zaroth o sa prosaic's world ba siya nakatira o nandoroon." Sabi ko saka umupo sa hinihigaan ko kanina.





"Okay, sasamahan ka namin." Napalingon ako kay Gretel nang sabihin niya iyon. "What? Sabi nina Prince Carlos at Prince Andres, tutulungan ka rin nila kaya tutulungan rin kita." Sabi niya saka lumabas.





Tumango na lamang ako. Sinukbit ko na 'yung hindi kalakihan'g back pack na ginamit ko din noon sa pag-punta sa Jungle of Zaroth. Hinintay ko muna sila na mag-ayos.





Pag-pasok ni Gretel, iba na ang kasuotan niya. Ganoon din si Hera. Pero hindi talaga maaalis ang signature theme ng sinusuot kaya makikilala mo talaga kung sino sa kanila kahit nakatalikod pa.





"Sana lalaki ang anak ni Goddess Athena!" Tili ni Gretel. Seryoso? Akala ko si Prince Carlos? Umirap na lamang ako sa kawalan. "Oy, huwag niyong isiping nangangaliwa ako kay Prince Carlos babes ko. Hindi 'no. Prince Carlos babes forever pa rin ako." Napatango-tango si Hera na para ba'ng sinasakyan niya nalang si Gretel.





Forever? Nabanggit iyon ni Gretel ah. Sa amin— prosaics' world, pinagkakaguluhan ang salita'ng 'forever'. Nilingon ko si Hera na nasa kanan ko. "Hera, may forever ba dito?"





Lumingon din siya sa akin saka ngumiti. "Athena, alam natin'g lahat na lumilipas ang lahat ng bagay, maging ang mga tao at fairy. Kaya wala'ng forever." Sabi niya kaya napatango-tango nalang ako at yumuko saka hinawakan ko ng mahigpit ang handle ng back pack ko.





"Pero may lifetime."

One Magical TaleWhere stories live. Discover now