Part 32

51 3 0
                                    

Part 32





"Mabubunyag na ang pinakamatag na kinimkim na sikreto sa lahat ng mga taga Gond at Zaroth. Hindi na muli'ng mawawala at mapapalitan ang pagkatao ng dating pinarusahang kalahati'ng Gondian at kalahating Zarothian. Magbabalik siya at may ililigtas. Ang anak ni Diyosa Athena. Kailangan na siyang mahanap para mailigtas ang isang importanteng buhay at para makamit muli kasiyahang tinataglay ng lahat."





Isang napakagandang babae na nagliliwanag— literal na nagliliwanag ang nasa harapan ko. Nagsasalita. Naririnig ko siya, Oo. Pero hindi ko naiintindihan ang nais niyang ipahiwatig. Isa lang ang naintindihan ko doon. Ang tungkol sa diyosa Athena at ang anak niya.





"Hahanapin po namin siya. Pero hindi namin siya kilala maging ang kasarian niya. O kung buhay pa ba siya o nandito ba sa Gond o Zaroth?"





"Ang anak ng diyosa Athena ang isinumpang babaeng gondian dahil sa pagtataksil ng kaharian ng ama ni Athena na si Panginoong Zeus na namamahala ng Kaharian ng Vathor." Dahil gusto kong malaman kung ano ang pinagmulan ng anak ni Diyosa Athena, kailangan kong malamang kung taga saan siya. Kung nasa Kaharian pa ba siya ng Vathor.





"Saan ko mahahanap ang Kaharian ng Vathor nang mahanap na namin ang anak ni Diyosa Athena." Desperada na akong mahanap siya nang malutas na itong suliranin namin ng mga kasamahan ko.





"Ang Kaharian ng Vathor ang dating pinag-isang Gond at Zaroth. Pero dahil sa pag-alis ng anak ni Diyosa Athena na naging dahilan ng pagkawatak-watak ng Vathor, nabuo ang Gond at Zaroth. Dating pinamumunuan ni Panginoong Zeus ang Gond habang ang Zaroth ay pinamumunuan naman ni Diyosa Athena." Mahabang paliwanag nito kaya napatango ako. Gusto ko pang marinig ang kasunod non kaya hinintay ko siyang magsalita muli. "Dahil sa tinagal-tagal na pagbalik ng anak ni Diyosa Athena ay minarkahan ito— na sa tingin ng lahat ay isang parusa. Dahil kukunin ang nakapaloob na napakagandang pakpak ng anak ni Diyosa Athena para mahanap nila ang anak nito ng mas mabilis kung may marka. Pero lumipas ang dekada at hindi na ito nagbalik pa. Hanggang namatay si Diyosa Athena dahil naipasa na niya ang pagiging imortal niya sa anak niya. At si Panginoong Zeus ay naghalili ng anak niyang babae. Isang babae na anak niya sa isang mortal kung kaya ay naparusahan ang magiging anak nito na magkaroon ng sumpa na ang anak lamang ng diyosa Athena ang makakapagligtas. Isang sakit na sa anak ni Panginoong Zeus sa isang mortal lamang nakalaan. Isang sakit na para kay Reyna Carolina lamang at ang tanging makakapagligtas nito ay ang anak ni Diyosa Athena, na magkakabalik din ng pakpak nito." Kung tama ako, iyon ang pangalan ng ina nina Prince Carlos at Prince Andres.





Napatango ako. "Ibig sabihin, 'pag may nahanap nang asawa si Prince Carlos ay gagaling na ang ina niya— na anak ni Panginoong Zeus? At ang dapat na mapapangasawa ni Prince Carlos ay ang anak ni Diyosa Athena?" Tanong ko.





"Tama ka." Napayuko ako. Ibig sabihin, hindi totoo na dapat magpakasal na si Prince Carlos, at sa katunayan kaya ito sumama sa paghahanap sa anak ni Athena ay para makinabang din siya.





Pero bakit ako nasasaktan sa isiping iyon? Dahil ba sa akala kong maaari lamang magpakasal si Prince Carlos sa isang ordinaryong prosaic? Hindi— hindi ko dapat maramdaman ito. Walang kahulugan ang pagsakit ng puso ko.





Napahawak ako sa bracelet na suot ko. Yung binigay ni Prince Carlos— a friendship bracelet. Can I still rely on this? Can I still treat him just as a friend? Bakit kasi kailangan pang mas lumalim ang pagkakahulog ko.





Umiling nalang ako sa naiisip ko ngayon. Kailangan ko lang mahanap ang anak ni Goddess Athena para mapanatili ang pagtira ko dito. Pero ang tanong, sino ang anak ni Goddess Athena?





"Ah, pwede ba'ng tanungin nalang sa iyo kung sino nga ba talaga ang— " hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil lumalabo na umiikot yung paningin ko.





Hanggang sa dumilim lahat.





* * *





Hindi ko alam kung nasaan ako pero isa lang ang natitiyak ko, nakahiga ako sa matigas na lupa. Nanginginig din ang katawan ko dahil sa ginaw.





Hindi ko pa magawang maimulat ang mga mata ko dahil hindi ko pa kaya, naigalaw ko ang mga kamay ko unti-unti hanggang sa naririnig ko na ang sigawan.





"Gising na ba siya?!"





"Tabi nga! Ano'ng nangyayari?"





"Bakit hindi pa siya nagmumulat?"





Sinubukan kong imulat ang mga mata ko kahit mahirap. Hanggang sa nagiging blurry yung paningin ko sa una. Pero kalaunan ay si Prince Carlos ang nasa harapan ko. Sa mismong harapan ng mukha ko habang basa yung buhok. Wet look ang bakla.





"Okay ka na ba?" Tanong niya kaya napatango ako pero napaubo ako ng maraming tubig. "So hindi ka pa nga okay." Sabi niya at saka lumuhod. "I guess I'll just carry you then." At walang alinlangan niya akong kinarga.





Pero dahil masama ang loob ko sa kanya dahil sa pag-gamit sa akin, kaagad akong tumanggi at naglilikot. Ayokong maging close siya. Kung hahanapin man namin ang anak ni Goddess Athena, hindi ko siya gusto'ng palaging kasama o kausap.





"Athena, stop."





"Kaya ko nga ang sarili ko," I said and continued to move. Ayoko nga na magpakarga sa kanya, aside sa ayoko talaga eh, ayoko nga talaga.





I heard him sighed, "Fine." Binaba niya ako.





"Mukhang nagiging mas delikado ang lugar na ito, Ma." Narinig kong sambit ni Gretel na sinang-ayunan naming lahat.





"O sige, doon nalang tayo dumaan sa Jungle of Zaroth. Tsaka daanin natin si Kloto." Sambit ni Landlady Yda kaya napasang-ayon naman ako.





Tahimik lang kami'ng lahat na naglalakad hanggang sa naramdaman kong lumalamig na ang paligid at dumidilim, hindi naman siya uulan pero madaming kahoy na ang nakapalibot ngayon dito sa amin kaya naging malamig bigla ang paligid.





May mga naririnig pa akong kaluskos kaya kinilabutan ako. "Bilisan natin ang mga kilos natin baka maabutan tayo ng mga— " natigil sa pagsasalita si Caleb nang nakita na namin kung saan galing yung kaluskos.





Kung may pakpak lang siguro ako ngayon, hindi na kami maglalakad. Kaya nga kami naglalakad dahil ayaw naman nila akong iwan. Pero mabuti na rin ito.





Dahil pagtingala ko sa itaas namin, pakiramdam ko gusto kong sumigaw. Ngayon lang ulit ako nakakita nito. Hindi ko alam kung mabait na klase ba ito o masama. Tsaka, makikita kami kaagad kapag nakalipad kami ngayon kaya paniguradong susundan talaga kami.





Pero isa lang ang nasabi naming lahat. "Beelzebubs." Apat lahat ng beelzebub ang paparating at pakiramdam ko, kapag nakita kami nito ay susugurin talaga kami, or worse, magtatawag pa sila ng ibang kakampi nila.





"Magtago tayo." Malakas na bulong ni Prince Andres dahil siya naman ang nakakabisado ng Jungle of Zaroth.

One Magical TaleWhere stories live. Discover now