Part 16

87 4 0
                                    

Zarothians - tawag sa mga tao'ng naninirahan sa Zaroth Enchanted Land.






Gondians - tawag sa mga tao'ng naninirahan sa Gond Enchanted Land.






[A/N: To let you all know, gawa-gawa ko lang po 'to. Pati 'yung Jungle of Zaroth, hindi ko alam kung nage-exist ba 'yon sa balat ng Earth. This is a work of fiction. Kadalasan ng mga kataga dito, mapa-lugar, hayop, kung ano-ano'ng nilalang ay sarili'ng invention ko po lamang.]






* * *






Part 16





"Welcome to Zaroth Enchanted Land." Wala'ng kabuhay-buhay na bati sa amin ni Prince Andres at mukha'ng pagod siya. "Haay, sa wakas makakapag-pahinga na ako." Saka niya kami iniwan sa labas ng palasyo. Pero kalaunan ay bumalik din. Bumaling siya sa lalaki na palagi niya'ng kasama, "Caleb, lead them to the guest rooms. Pagod ako." Bumaling din siya sa amin, "Girls, mag-pahinga na rin kayo 'pag naka-pasok na kayo sa room niyo." At ayun tumalikod na siya habang ako.





Sinundan ko siya at kinalabit nang papaakyat na siya. Nag-tataka naman siya'ng lumingon sa akin. "Si Caleb ba ang mag-tuturo ng daan patungo sa guest rooms. Pagod ako." Saka winakli niya ng mahina ang kamay ko'ng nakakapit sa tshirt niya. Mas matangkad kasi siya sa akin, idagdag mo pa na nasa hagdanan kami.





Bago pa siya tuluyan'g makapasok ay hinarang ko ang katawan ko sa pag-bukas niya ng pinto. Siguro pinto 'yon para sa kwarto niya. "Ano ba'ng problema mo?" Iritado niya'ng tanong.





"Kailan ba kasi tayo pupunta sa Jungle of Zaroth?" Atat na ako eh.





"Psh! Pwede ba, bukas nalang natin 'yan pag-usapan. Pare-pareho tayo'ng pagod." Sabi niya saka binuksan 'yung pinto sa likod ko at sinarado na ng malakas.





Naramdaman ko pa 'yung hangin na humampas sa mukha ko sa lakas ng pagkakasara niya. Tiningnan ko ang pinto ng masama at sinipa. "Wala ka'ng galang. Buwisit ka..." Sabi ko at tsaka tumalikod na pero nagulat ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Hera. I gasped. "Muntik na ako'ng atakihin sa puso!" Tapos napahawak pa ako sa banda'ng dibdib ko kung saan nararamdaman ko ang mabilis na pag-tibok nito.





Umasim 'yung mukha ni Hera, "OA mo naman, sa ganda ko'ng 'to? Ikinagugulat mo?" Sabi niya pa at nag-crossed arms.





Tumawa nalang ako at nakita na namin si Caleb, na siyang magli-lead sa amin patungo sa guest room.





"Uh, Caleb, 'yung Jungle of Zaroth ba ay ano, uhh sobra ba talaga 'yung delikado?" Napatingin kami'ng dalawa ni Caleb kay Hera nang tanungin niya 'yon. 'Yung mukha niya para'ng natatakot. Pero ang sinasabi ng mga mata niya, hindi, nagt-twinkle pa nga na para'ng nagp-puppy eyes.





Napairap ako sa utak ko nang tugunan din ito ni Caleb, "Delikado talaga ang Jungle of Zaroth, at sa pagkakaalam ko, kaunti pa lamang ang nakakapunta doon, maging Zarothians man o Gondians." Tumitig pa siya kay Hera na para'ng sinusuri kung bakit niya natanong 'yon. Pero kalaunan nang ma-kumpirma niya'ng wala lang talaga ay bumalik na siya sa dati'ng ekspresyon. "Pasok na kayo. Tawagin niyo nalang kami kapag may kailangan kayo. Or you can approach the sevants." Sabi niya at tumalikod na sa amin.





One Magical TaleWhere stories live. Discover now