Part 40

107 3 0
                                    

Part 40





Nagising ako sa apartment ko na hinahabol ang aking hininga habang nakahawak sa leeg ko. Tumungo ako sa salamin at tiningnan ang aking sarili. Laking dismaya ko nang makita kong tumaba akong muli. Nawala na din ang kuwintas na suot ko para manatili ako sa Gond o Zaroth.





Nanlumo ako nang napagtanto kong isa na naman akong prosaic.





Bumaba ako ng hagdan ngunit tumunog ito kaya naghinay-hinay lamang ako para hindi bumigay ang gawa sa kahoy na hagdanan.





Hinanap ko si Landlady Yda ngunit hindi ko siya mahagilap. Marahil ay nandoon siya sa Zaroth.





Speaking of Zaroth. Sana nahuli na nila si Zandro. Nakakainis 'yon. Dahil sa kanya, naging prosaic na naman ako.





Makikita ko pa kaya si Prince Carlos? Eh ang mga kaibigan ko?





Huminga na lang ako ng malalim at humiga sa kama ko. Hindi ko namalayang nakaidlip na ako.





Paggising ko, narinig ko ang mga kalabog. Agad akong tumayo ngunit nahirapan pa ako dahil mataba na pala ulit ako. Kaya pala pinagpawisan ako masyado. Hinihingal na tumayo ako sa pagkakaupo ko at kaagad tiningnan ang labas ng apartment.





Gabi na pala, tapos wala pang masyadong dumadaan na mga sasakyan. Nakakapagtaka iyon. Sinuot ko ang tsinelas ko at ang jacket ko. Pero shuta, sobrang gipit na ng suot ko! Hindi ko nalang tinuloy ang pagsuot at lumabas na lamang ako.





Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto. Nang mabuksan ko iyon ay napatalon ako sa gulat. "Jusko po!" Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo.





"Athena. Bumalik ka sa Zaroth." Sambit ni Landlady Yda.





Nanlaki ang mga mata ko. OMG! Ibig sabihin may pag-asa pa akong bumalik roon! "Ngunit, paano, Landlady Yda?" Tanong ko sa kanya.





Itinaas niya ang hawak niyang kwintas na umiilaw ngunit, napakanipis nito at parang lace lang ang natira. Walang pendant. Pero yae na, basta makabalik lang ako sa Zaroth at Gond. "Katulad ng ginawa mo noon, nung ninakaw mo ang kwintas ko, isuot mo rin ito." Sambit niya.





Napayuko nalang ako. Tinanggap ko ang kwintas at kaagad na isinuot iyon sa ulo ko. Unti-unti, para bang hinihila ako palayo sa lugar na iyon. Sa apartment. And the next thing I knew... I was in a fancy land... again.





But this fancy land is now called Zaroth. And I'm back.





Sinalubong kaagad ako ng yakap ni Prince Carlos. Napangiti naman ako dahil doon. Sumunod din na yumakap sa akin sina Hera at Gretel, habang ang iba ay tinanguan at nginitian lamang ako.





Ngunit nakakapagtaka na nandito si Kloto. Nakangisi siya sa lahat. "Gumana nga ang kwintas sa kanya. Patunay na siya ang anak ni Diyosa Athena." Sambit ni Kloto.





"Ibig ba'ng sabihin 'non, gagaling na si Inang Reyna?" Tanong naman ni Prince Andres.





Lumapit sa akin si Prince Carlos. "I've waited for three days." Nakangiting sambit niya at niyakap ako muli. "I'm so glad you came back."





Napayakap nalang din ako sa kanya. "Ang tagal naman ng three days kung ganoon." Sabi ko habang natatawa.





"Magkaiba ang oras ng Zaroth sa prosaic." Sambit niya kaya napatango nalang ako.





"Nasaan na si Zandro?" Tanong ko kay Hera.





"Kinulong na siya. Pero bakit niya ginustong mangyari yon?" Tanong naman ni Hera. Napaupo siya habang malalim ang iniisip.





Maging ako ay walang maisagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinabalik sa Prosaic's world. Pero isa lang ang sigurado ko. Isa siyang traydor sa hari.





"Naniniwala akong may iba pa siyang kasamahan." Sambit ni Prince Andres.





"Kung matatalo natin ang tanging sagabal sa pag-iisa ng Gond at Zaroth muli, magiging maayos na ang lahat." Sambit ni Kloto.





"Ngunit sino ang sagabal?" Tanong ng Hari.





"Ang sumpa'ng pinakawalan ni Diyosa Athena sa buong Gond at Zaroth. Ang sumpa ng kadiliman na pinamumunuan ng kanyang kadugo. Ni Athena." Napalingon silang lahat sa akin.





Napalunok ako. Ibig bang sabihin nito, ako lang din ang kalaban dito? Ako ang sagabal sa pag-iisa ng Gond at Zaroth?





"Pero bakit siya gumawa ng sumpa?" Tanong ko.





"Nawala ka kaya ginawa niya ang sumpa na kunan ka ng pakpak at para pagbalik mo ay unti-unting didilim ang buo'ng Zaroth at Gond. Ang paboritong hayop ni Diyosa Athena ay ang mga beelzebub. At kung mananatiling walang liwanag ang lugar, aatake ang mga beelzebub. Ang mga beelzebub ang sugo ni Diyosa Athena para patahimikin lahat ng Zarothians at Gondians dahil isa sila sa dahilan kung bakit nawalay ang anak ni Diyosa Athena sa kanya. Si Diyosa Athena ay nagkaanak ng kalahating Gondian at kalahating Zarothian kaya hindi pwedeng manatili si Diyosa Athena dito dahil tinuturing itong salot." Napatango-tango ako. So I and my mother are the cursed ones? Ang mga isinumpa. Si Diyosa Athena, isinumpa dahil sa anak niyang kalahating Gondian at Zarothian, tapos ako, sinumpa ng sarili kong ina upang mapaghiganti siya? Upang maparusahan ang mga tao na nagduldol sa kanya na paalisin siya sa Vathor?





Nalungkot ako para sa ina ko ngunit kung iisiping mabuti, napakamakasarili naman 'non. Hindi naman siguro makatarungang maghihiganti ang isang tao kapag nagawan ng masama. Oo nagagalit tayo pero hindi natin kailangang magsumpa. Lalo pa't kadugo lamang.





Napaupo ako sa upuan at huminga ng malalim. "Ano'ng kailangan kong gawin? Pwede din naman na umalis nalang ako di—"





"Nababaliw ka na ba?" Hindi ako pinatapos ni Prince Carlos dahil sa sinabi ko. Nakaramdam naman ako ng saya dahil doon.





Tumayo ako at hinawakan ang magkabilang kamay niya. "Okay lang ako. Walang nang ibang paraan pa para malutas ang kaayusan ng lahat. Para gumaling na ang iyong ina." Hinawakan ko siya sa pisngi. "Masaya naman ako na nagkakilala tayo. At least, nagkasama tayo. Naging masaya tayo sa isa't-isa di'ba?"





Winakli niya ang kamay ko. "Ganoon nalang ba kadali, Athena? Bibitaw ka na ngayon? Pwes, ako hindi. Lalaban ako para sa atin. Magiging maayos ang lahat nang hindi tayo maghihiwalay."





Yumuko ako at hinawakan ang kuwintas ko para tanggalin. "Pasensya na, Prince Carlos. Kailangan ko nang umalis. Maraming salamat." Bago ko sinimulang tanggalin ang kuwintas ko ay tinitigan ko siya sa mata at ngumiti. "Mahal kita kahit hindi tayo para sa isa't-isa." Tumulo ang luha ko at napapikit ako habang tinatanggal ang kuwintas ko.





Such a tragic end of our love. Farewell to the man who owned my heart. It was nice beating with you. But I have to get it back because you will be beating more fine without mine.

One Magical TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon