Part 37

66 4 0
                                    

[A/N: Hey people! Just gave you two straight updates because I've been very busy these past few days and I also need to make it up to you because you... YOU MEAN A LOT TO ME! Loveyou all and enjoy reading! -chase]





* * *




Part 37





Naiwan kami'ng lahat na lito'ng-lito sa kinauupuan. Marahil alam din nila na si Landlady Yda ang may-ari ng apartment na tinitirhan ko kaya nga tinatawag ko siya'ng 'Landlady'. Maging si Gretel ay nalilito rin. "Ano'ng ibig sabihin niya 'dun?" Tanong niya sa amin na wala namang makakasagot maliban lamang kay Caleb na sa tingin ko ay pinu-push niya talaga si Landlady Yda.





"Eh ano pa nga ba? Hindi ang ina mo ang may-ari ng tinitirhan 'nun kundi may isa pa'ng mas mataas sa kanya na namamahala doon na pinapalagay na huwag tumanggap ng mga bago'ng gusto'ng tumira doon para mapanatili'ng si Athena lamang ang mag-isa doon... marahil para bantayan siya ng maigi o despatchahin sa takdang oras." Ngumisi siya sa amin na tila ba alam na alam niya ang nangyayari. Pero may kutob na rin ako.





"Caleb!" Sinuway siya ni Hera.





"Pinapalagay mo ba na masama ang ina ko?! Oo, alam kong hindi kami nagkasama ng sobra'ng tagal simula nung bata pa ako pero sa maikling panahon na nagkasama kami, naging ina siya sa akin. Pinaramdam niya sa akin na may halaga ako sa kanya. Pinagsisihan niyang pumunta ng mortal world dahil doon sa nangyari noon." Hinihingal na sambit ni Gretel, pero mukhang hindi niya pa nailabas ang lahat dahil bumuwelo pa siya muli ng mga salita. "Caleb, kung pinaghihinalaan mo ang ina ko, nagkakamali ka dahil mabuti'ng tao ang ina ko." Buo'ng diin ni Gretel.





"Gretel, 'wag mo nga'ng sigawan si Caleb—" hindi pa natatapos si Hera sa pagtatanggol kay Caleb nang humirit na naman si Gretel.





"Hah! So ngayon, kinakampihan mo 'yang Caleb na 'yan?! Sa tagal-tagal nating naging magkaibigan, ngayon ka lang tumalikod sa akin. Wow!" Saka tumayo si Gretel. Magw-walk out na sana siya pero tumayo ako.





"Ayokong masira ang pagkakaibigan niyo dahil sa tingin ko ay patungo na ito doon. Kung tungkol man din lang ito sa pagmamay-ari ni Landlady Yda, mabuti pa't maging mahinahon muna tayo at klaruhin ang lahat." Nilingon ko si Caleb. "At hindi pa naman nakukumpirma ang mga sinabi ni Caleb kaya hindi pa ito makatotohanan. Maghintay nalang muna tayo sa resulta ng paghahanap nila sa mga parkas." Sambit ko at umupo.





Napatingin nalang kami'ng lahat kay Gretel na tuluyan nang umalis sa harapan namin. Hindi ko alam kung napag-isipan niya ba ang sinabi ko kanina. Pero kung pinapahalagahan niya nga talaga ang pagkakaibigan nila ni Hera, maaari pa'ng maibalik sa dati ang lahat. But I guess not what it used to be. Napabuntong-hininga ako sa mga naiisip ko.





"Ang dami nang nangyayari. Pwede ba'ng break muna?" Tanong ni Prince Andres sa hangin.





"Bro, alam kong hindi tayo magkasundo, pero..." sambit ni Prince Carlos at napatingin sila sa isa't-isa. "Pwede ba'ng magkabati muna tayo? Alam naman nating lahat na may sakit si inang reyna, kailangan nating maipakita ang pagkakapamilya natin. Ayokong malungkot ang inang reyna." Nakatingin ng direcho'ng sambit ni Prince Carlos kay Prince Andres.





Napatungo naman si Prince Andres. "Alam ko," huminga siya ng malalim. "Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo. Matagal-tagal na din kasi tayo'ng hindi magkasundo, nagkakalumot na ang pagiging magkapatid natin."





Wala na silang pinalampas pa na oras at nag-man hug na sila habang tinatapik-tapik ang likod nila sa isa't-isa.





Dahil sa senaryo, kami'ng lahat ay napangiti na lamang.





* * *





Nagulantang kami sa biglaang pagsulpot ng mga kawal. Nandito na rin ang reyna at hari, nakaabang sila ngayon na tila may hinihintay pa.





Makaraan ang ilang sandali ay hawak-hawak na ng mga kawal ang babae'ng pamilyar sa aming magkakasama. Siya na nga lang ata ang hinihintay.





Humarap sa amin ang hari, "Siya si Kloto. Sa tingin ko ay alam niyo na kung sino siya. Siya ang makakapag-bigay ng katotohanan tungkol sa anak ni Diyosa Athena." Sambit ng hari sa amin at dinala si Kloto sa aming harapan.





Nakangisi si Kloto sa amin. Tila may nalalaman siya'ng siya lang ang nakakaalam at hindi'ng-hindi niya ito ipagkakalat.





Sa hindi malaman'g dahilan ay biglang tumayo ang mga balahibo ko at napalunok. Nakaramdam din ako ng lamig sa buo kong katawan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Paano kung hindi ako ang anak ni Diyosa Athena? Edi paparusahan na ako dito sa Zaroth habang buhay? Paano naman kung ako ang anak ni Diyosa Athena? Ako ang magliligtas sa reyna ng Gond. Pero ang tanong dito, ikakasal pa rin ba ako kay Prince Carlos?





At bakit parang malungkot ako sa naging pahayag niya kanina na may nagugustuhan na siya? Bakit para'ng biglang kumirot 'tong puso ko kapag iniisip ko iyon? At bakit ko siya iniisip ngayon? Bakit ako nag-iisip ng kasalan kung hindi pa nga nakumpirma na ako nga ang anak ni Diyosa Athena?





Napagulo ako ng buhok ko at umungol. Nakakainis! Nakakainis dahil bakit kailangang ako pa ang magipit sa ganitong sitwasyon?





"Kayo." Sambit ni Kloto na nagpatigil sa aking iniisip. Napaharap kaming lahat sa kanya. "Kayo'ng magkakasamang pinapahanap ang anak ni Diyosa Athena, nakita niyo na ba siya?" Tumawa si Kloto na parang baliw.





"Kaya ka namin dinala dito." Sambit ng hari. "Hindi nila makita ang ibang miyembro ng parkas. Hindi namin sila mahagilap, pero hahanapin din namin sila para malaman namin ang buo'ng katotohanan. Dahil alam kong hindi mo naman sasabihin sa ngayon ang buo'ng katotohanan. Tama ba ako, Kloto?" Nanghahamong tanong ng hari kaya napalingon si Kloto sa kanya.





Ngumisi ito kaya kahit hindi ako ang nginisihan nito ay bigla akong kinabahan. "Tama ka, mahal na hari. Bakit ko naman sasabihin kung walang wastong kapali diba?" Tumawa na naman ito ng tumawa.





Tama, lahat ng hinihingi mo kay Kloto ay kailangan siyang bigyan ng kapalit. Mabigyan lang siya ng hinihingi niya ay sasabihin na niya ang totoo. Pero ang hindi ko alam ay kung ang buo'ng katotohanan ba ang sasabihin niya.





"Kung ganoon, ibibigay namin ang kalahati ng aming ginto sa Zaroth at Gond. Sagutin mo muna ang tanong ko kung ang Athena na ito ba ang anak ni Diyosa Athena?" Tanong ng hari kaya napalingon silang lahat sa akin.





Tila nag-iisip pa si Kloto. Alam kong hindi niya sasabihin ng derecho ang sagot niya at inaasahan ko na 'to pero hindi ko mapigilang malungkot.





"Sa tingin mo, ipapahanap ko ba ang anak ni Diyosa Athena sa kanila kung siya lang naman pala?" Iyon ang eksaktong sagot niya na naghatid ng kalungkutan sa buong katawan ko.

One Magical TaleWhere stories live. Discover now