Part 22

61 4 0
                                    

Part 22





"S-si Groogy." Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko at iyon ang sinagot ko sa tanong ni Prince Carlos. Sino ang gusto ko? Hah, gusto ko ang Gond at Zaroth pero ang tanong niya ay 'sino', kaya gumawa-gawa na lamang ako ng pangalan'g pumapasok sa isip ko. And I picked a unique and weird name.





Napakunot ang noo niya at bored niya ako'ng tiningnan. "Okay, let's go down." Sabi niya saka nauna nang bumaba.





Nang nasa lupa na ulit kami, muli ko'ng naramdaman ang pananabik dito kaya hinawakan ko ang lupa at naupo ako dito. Nasa ilalim kami ng bato at para'ng nasa desert kami.





Kung hahangin man, malalanghap mo ang isa'ng klase ng buhangin na alam mo'ng sandstorm ang kalalabasan kung nasa iba'ng bansa tayo. Nakaka-duling ang pagkakapino ng buhangin na tila ba, giniling pa ito.





Pumulot ako ng buhangin na okupado sa buo'ng kamay ko saka ko ito hinagis sa ere kasabay ng pag-ihip ng hangin na hindi naman ganoon kalakas. Tama'ng-tama lang para gumawa ng napaka-gandang tanawin. Kaya inulit ko ito ng inulit.





Pero nang itatapon ko na sana muli ang napulot ko'ng buhangin ay bigla ko'ng naramdaman ang mahigpit na pagkakahawak ng braso ko kaya nabitawan ko ang mga buhangin at muli na naman'g gumawa ng maganda'ng tanawin dahil sa hangin na patuloy umiihip. Gumagawa ng maliliit na sandstorm, ang galing!





Napatingin ako sa kamay na may hawak ng mahigpit sa braso ko, saka ko tiningnan pataas at nakita ko si Prince Carlos na may buhangin sa kanya'ng katawan at maging sa kanya'ng mukha.





Matalim niya ako'ng tinitigan na para'ng may ginawa ako'ng kasalanan. Tinapunan ko din siya ng tingin. "S-sorry." Sabi ko nang ma-realize kong ako ang may gawa sa kanya'ng mukha. Puro buhanging. Napa-tawa ako at umiling.





"Laugh and I swear, ipapalamon ko sa'yo ang buhangin na 'to." Napatingin ako sa kanan'g kamay niya. Hawak niya ang buhangin na okupado din ng buo niya'ng kanan'g kamay.





Napalunok naman ako sa banta niya. "H-hindi ka naman seryoso, di'ba?" Paninigurado'ng tanong ko sa kanya. Kumakabog pa rin ang dibdib ko, takot sa kung magkatotoo man ang sinabi niya'ng ipapakain niya sa akin ang buhangin na hawak-hawak niya.





Pinanlisikan niya ako ng mata, pero maya-maya lang ay tumawa siya at nang muli siya'ng tumingin sa akin ay naging seryoso siya ulit. Napakunot naman ang noo ko dahil sa inasal niya. Sabi ko na nga ba't nag-bibiro lang si—





"I'm dead serious, Athena." Sabi niya at sa pamamaraan ng pagkakasabi niya 'nun ay lumalapit din ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa pisngi ko. Mabango. Shete, 'wag ka'ng ganyan, Prince Carlos, baka mahalikan kita. A-ano? Mahalikan? Joke lang 'yon. Unti-unti'ng lumapit ang mukha niya sa tenga ko. "I'm always dead serious when it comes to you." Bulong niya sa akin.





Nanayo bigla ang balahibo ko saka nag-salita sa kabila ng pag-kabog ng dibdib ko. "H-hindi na ako mag-hahagis ng buhangin sa ere." Sabi ko nalang at lumayo ng konti sa kanya. Binigyan ko ng espasyo sa pagitan namin dahil hindi ako mapakali.





Muli ako'ng napatingin sa kanya nang umiling lang siya. "Immature," kumento niya, my jaw clenched. Pinanlisikan ko siya ng mata. Nang ma-realize niya ang sinabi niya, muli siya'ng nag-salita at napangisi, "And I mean it." Saka iniwas niya ang tingin niya at humiga habang ang dalawa'ng kamay niya ay naka-unan sa ulo niya.





Dahil sa pagkairita ko ay pumulot ako ng buhangin. Sakto'ng-sakto sa dalawa'ng kamay ko'ng magka-dikit. "Lubusin na ang pagiging immature." Bulong ko sa sarili ko saka ibinuhos ang buhangin sa katawan'g nakahiga at dali-dali'ng bumalik sa inuupuan ko kanina.





Natatawa ako sa nagawa ko. "Ba't mo siya binuhusan ng buhangin?" Tanong sa akin ni Hera.





"Tawagin ba naman daw ako ng immature? Aba, punyeta pala siya, eh." Naiinis na kumento ko habang nginingitngit ko ang mga ngipin ko dahil sa pagpipigil sa pag-ngisi at dahil sa nararamdaman kong inis para kay Prince Carlos na tinawag lang naman ako'ng immature.





"Sino ang gumawa nito?!" Malakas na sigaw ni Prince Carlos habang matalim ang titig sa akin. Umiling naman ako at nag-taas ng dalawa'ng kamay.





Nakita ko naman si Hera na pinagpagan ang damit niya na puno na ng buhangin. Pati 'yung mukha niya kaya napatingin si Prince Carlos sa kanya.





Hindi ko alam kung bakit mas naiirita ako sa titigan nila'ng dalawa kaya ganoon ko nalang marahas na inikot ang ulo ko at hinarap si Hera na naka-ngiti sa akin ng nakakaloko.





"Humanda lang talaga sa akin ang may gawa nito. Ipapalamon ko talaga ang buhangin dito patungo sa ngala-ngala ng may sala." Napalunok ako pero kiber lang dahil hindi naman niya malalaman.





Napatingin ako kay Prince Carlos, at kay Gretel na mag-katabi lang. "I guess hindi tayo makakapag-pahinga nito ng maayos kapag may kalokohan'g nagaganap. Iidlip lang ako sandali." Sabi ni Gretel at hihiga na sana nang umupo si Prince Carlos sa hihigaan niya sana.





"Go on, sleep in my lap." Naka-ngiting saad ni Prince Carlos habang nakatingin kay Gretel, at nang bumaling ang tingin niya sa akin ay sumama ito at para'ng may sinasabi ang mga mata niya na, "humanda ka sa ginawa mo.".





Kiber lang. Di ko na siya pinansin at naupo na rin. Katabi kami ni Hera at katapat namin sina Prince Carlos at Gretel. Natutulog si Gretel sa lap ni Prince Carlos habang si Prince Carlos ay nakasandal samaliit na bato.





Wait, isa siya'ng prinsipe kaya masasaktan ang katawan niya kapag sa bato siya sumandal. Aangal na sana ko pero pinigilan ko dahil natutulog sila. Marahil napagod talaga sila sa paglalakbay namin. Ayoko naman'g um-epal pa muli sa sinasabi ni Gretel na 'solo moment with Prince Carlos.'.





Humiga nalang ako sa buhanginan at kagaya ng ginawa ni Prince Carlos kanina ay ginawa ko din'g unan ang dalawa'ng braso ko saka pumikit na.





Maya-maya lang na unti-unti ko nang nararamdaman ang pag-hila sa akin ng antok ay siya naman'g pag-bigwas sa akin ng mga pino-pino'ng kung ano. At sigurado ako'ng buhangin din iyon.





Nanatili ako'ng nakapikit ng mariin para kontrolin ang nararamdaman ko'ng galit at inis kay Prince Carlos. He's annoying as hell, kailan niya ba ako lulubayan? Akala ko ba, immature ako? Ba't siya ang nag-mumukha'ng immature sa amin'g dalawa?





Dumilat ako at bumangon. Nakaupo pa rin ako at naramdaman ko'ng may humawak sa braso ko, nilingon ko ito, si Hera pala. "Huwag mo na patulan, hindi matatapos ang lokohan niyo dahil hindi sumusuko 'yang si Prince Carlos. Kaya mabuti pa, mag-pahinga ka mun— "





Hindi ko na napigilan ang sarili kong kumuha ng buhangit at ibinuhos ito sa mismo'ng ulo ni Prince Carlos habang nag-papanggap siya'ng tulog.





Hindi pa ako nakuntento at binuhusan ko pa siya ng mas madami'ng buhangin pero naramdaman ko na naman ang mahigpit niya'ng pagkakahawak sa braso ko. Naging dahilan upang ako ang mapalapit sa katawan niya. Muntik ko nang nakalimutan'g nakahiga si Gretel sa lap niya kaya agad sana ako'ng lalayo pero hinigit niya muli ako at nag-tagis bagang siya'ng tinitingnan ako ng matalim.





"Quit acting so childish, or I'll kiss you." Tila, nagslow motion ulit, dahil sa sinabi niya sa akin.





Napanganga nalang ako. "Hindi ka naman seryoso doon di'ba? Hindi doon." Tangi ko nalang nabanggit.





Nginisian niya lang ako. "I already told you, Athena. I'm always dead serious when it comes to you." Sabi niya pero umiling ako.





"But it's another story!" Angal ko pa. Hindi ko namalayan'g napalakas ang pagkakasabi ko nun kaya napamulat si Gretel at napaupo. Nakatingin sina Hera at Gretel sa amin'g dalawa.





"You want a sample?" Nakangising tanong niya sa akin. Shete, sasampolan niya ako ng kiss niya? Oh. My. Gosh.

One Magical TaleWhere stories live. Discover now