Chapter 4

1.2M 27.5K 9.1K
                                    

Chapter 4

Ang Trabaho

I don't get it. Bakit ang hard niyang makitungo sakin? Para bang may atraso akong ginawa sa kanya.

Ilang araw ko rin siyang ngingitian tuwing naabutan sa labas ng mga unit namin. Pero ang tanging natatanggap ko ay ang mga malalalim na hininga niya at pag irap.

"I don't get it, Erica. I mean... sobrang suplado niya. Hindi ko siya kayang ihandle." Sabi ko sa cellphone ko. Nasa kabilang linya ang kaibigan ko.

Pupuntahan ko pa naman sila ngayon sa Alchology. Ayun, night out na naman.

"Edi hayaan mo. Hindi ka pa naman nauubusan ng lalaki. Bakit siya pa ang pinagdidiskitahan mo?"

"Ewan ko. Basta, I like him. Ewan ko..." Umiling ako at inisip kung bakit ko siya gusto. "Ewan ko."

"Hay! Ewan ko rin sayo. Bilisan mo na dito. Andaming gwapo. May mga swiss expats. Nasa table namin. Tsaka nandito pa si Julio."

Ngumuso ako at hinawi ang buhok.

"Diba noon mo pa 'to crush? Diba M.U kayo nito noon pa?"

"Uh-huh... Pero kung crush niya parin ako ngayon baka hindi na kami M.U-" Hindi na ako nakapagpatuloy sa pagsasalita kasi nakita ko nang humahakbang si Jayden sa parking lot.

Naka puting longsleeve siya na nakafold halfway sa kanyang braso.

"Charity? Nandito rin yung ex mong si Aldwayne."

"Call you later, Erica."

"H-Huh? Hindi ka ba pupunt-"

Pinutol ko na ang linya. Kung pwede lang saksakin yung gulong ng sasakyan ko ay ginawa ko na. Pero agad akong nakaisip ng mas magandang ideya.

"H-Hey, Jayden!" Nag half-run ako papunta sa kanya.

Nang nakita niya ako ay agad siyang umiwas. Para bang virus akong dapat laging iniiwasan dahil kung hindi ay mahahawa siya.

"What?" Bumaling siya sakin nang nakalapit na kami sa sasakyan niya.

Red Mitsubishi Strada. Hindi ko tipo ang ganitong mga sasakyan pero, damn, ngayon nag iba na ang pananaw ko.

"Can I hitch? Nawala ko kasi yung susi ko. Got so drunk last night kaya hindi ko na maalala. And I need to go somewhere really important."

Kumunot ang noo niya, "Iresponsable. Kung hindi mo naman pala kayang uminom ng marami dapat hindi ka na lang umiinom nang di ka malasing."

"Yeah. I'm sorry."

Mas lalong kumunot ang noo niya, "Pinalabas mo lang sa kabilang tainga mo ang sinabi ko, diba?"

Natigilan ako. Masyadong demanding ang tono ng boses niya. Hindi siya sanay sumunod sa mga utos, sanay siyang nang uutos. "I-I get it, Jayden. Hindi ko na uulitin, okay? Just... just let me ride with you."

"Tsss. Bakit sakin pa? Marami pang iba diyan." Sabay turo niya sa isang lalaking nakatingin saming dalawa na papunta din sa sasakyan niya.

"Hindi ko naman yun kilala. IKaw, kilala na kita. At mapagkakatiwalaan."

"Magaligng ka namang magpakilala, diba, Trisha. Kaya kaya mo yan."

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon