Chapter 25

1.1M 26.6K 9.6K
                                    

Chapter 25

Ang Mga Aplikante

Kinagat ko ang labi ko habang naglalakad sa seashore ng Bantayan. Mainit ngayon pero malamig ang simoy ng hangin.

Darn! Guilty agad ako? Bakit ganun? Nung siya ba yung nanakit sakin, naguilty ba siya?

Naalala ko na naman lahat ng nangyari sa Manila. Hinawakan ko ang pisngi kong sinampal ni Trisha. He didn't even react that time. Kinonsente niya ang ginawa ni Trisha, yung pagsampal sakin.

Parang kinurot ang dibdib ko nang naisip ko kung sino kaya ang pipiliin niya sa oras na tanungin ko siya kung sino saming dalawa ni Trisha ang mahal niya.

"Ikaw, Charity."

Yes, maybe, sasabihin niya iyon. Tumigil ako sa isang coconut tree at sumandal doon. Hinawi ko ang buhok ko at pinilig ang ulo.

Ako yung pipiliin ni Jayden. Syempre, kasi may iba na si Trisha. Pero paano kung wala si Troy? Paano kung walang iba si Trisha? Will I still be me?

Bumuntong hininga ako at napalingon sa aninong nakita ko sa gilid. Naaninag ko si Christian.

"Uy..." Pambungad ko.

Nakangisi siya at nakatingin ng diretso sakin.

"Totoo ba yung narinig kong kayo na daw ni Sir Jayden?"

Darn! Iyan pa talaga yung tanong niya? Nag iwas ako ng tingin.

"Hindi." Sagot ko.

Tumango siya.

Tumindig ang balahibo ko kaya hinaplos ko ang magkabilang braso ko. Paano ba naman kasi, naaalala ko yung sinabi ni Jayden, 'In your dreams, Cha...'

"Kung ganun, bakit kayo pinag tsi-tsismisan ng ibang trabahante?" Tanong niya.

Nagkibit-balikat ako at tumayo ng maayos, "Ewan ko." Sagot ko.

Tumango siya at tinitigan ako, "Bakit parang ang seryoso mo?"

Ngumisi ako, "May iniisip lang." Humalakhak ako.

"By the way, inutusan nga pala ako ni Sir Jayden na bumalik ka na daw sa hotel kasi may iinterviewhin kang mga applikante."

Naglakad ako papuntag hotel kasama si Christian.

"Ganun? Anong applicants daw?" Tanong ko.

"Iba-iba. May mga lifeguards, pati na rin yung mga sa housekeeping. Ang alam ko, may mga interns yatang tatanggapin itong resort. Ikaw yata yung mag aapprove sa kanila."

Tumango ako, "Alright."

Inungusan ko si Christian para makapagtrabaho na agad.

"Thanks, Christian." Sabi ko.

"Hey, Cha!" Pahabol niya, "Since you're single, hindi naman siguro bawal na pumunta tayo ng Sand and Booze, hindi ba?"

Ngumisi ako.

Actually, ayaw ko. Parang I just wanna stay in my room. Kalagitnaan na ng pag iling ko nang nabunutan ako ng tinik.

"SURE!" Sabi ko.

Ano ba naman, Charity? Bakit ayaw mo? Jayden's with you sa room. Mas mabuting wala ka dun habang gising siya. Hindi ko kayang makipag titigan sa kanya sa lugar na iyon. Pwedeng mag bigti na lang tayo, maisasalba pa ang kaluluwa mo.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon