Chapter 7

1M 26.6K 5.3K
                                    

Chapter 7

Ang Unan

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa front seat ng sasakyan niya. Ni hindi ko naaalalang pumasok kami dito.

"You crazy girl." Sambit niya.

Nakapikit ako at hinilig ang ulo sa upuan.

"Bakit mo sinabing girlfriend mo ako? Diba sabi mo ayaw mo ng pinagkakalat ko yun? I didn't! Tadaaa!" Tumawa ako. "You did." Tinuro ko siya.

Dumilat ako at nakita ko ang seryosong mukha niya. Nakakunot ang noo niya at mahigpit ang pagkakasarado ng labi niya. Galit?

"That's because I needed too. Not because I like you."

Natawa ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung bakit kaya bahagya akong napa alik-ik.

"I know you hate me so much."

Hinaplos ko ang pisngi niya. Ang kinis. Tinignan kong mabuti ang mga mata niyang chinito at seryoso. Inalis niya ang kamay ko sa pisngi niya.

Suminghap ako at sinubukang haplusin ulit ang pisngi niya. He looked so soft, so fragile, so hurt. Why?

"Tama na! Stop seducing me. Hindi ka magtatagumpay."

"I'm not seducing you. Na se-seduce ka ba?"

Hinawi niya ulit ang kamay ko.

"Kung hindi ako ang lalaki dito sa tabi mo, what do you think will happen to you?"

Ngumuso ako at tumingin ng diretso sa labas. Hindi niya pa pinapaandar ang sasakyan. Lumalalim ang gabi. Nakikita kong may naglalabasan sa club alchology at may mga pumapasok parin sa loob. May kumakatok pa saming nagbibenta ng cigar.

"Can I smoke?" Tanong ko sabay turo sa naka bihis na babae sa labas.

"No. I'm asking you... Kung wala ako dito, anong mangyayari sayo? Kung ibang lalaki ito, anong mangyayari sayo?"

For some reason, noon, kung may gusto akong gawin at pinipigilan ako, mas lalo akong nagrerebelde, pero ngayon... simpleng "No" niya lang, sumusunod na ako. Para bang may command sa boses niya. Para bang sinusunod ko ito at masaya pa ako kahit na pinagkakaitan ako ng freedom.

"Why can't I smoke?" Tanong ko.

Hindi dahil gusto ko talagang manigarilyo. Kundi dahil gusto kong malaman ang dahilan niya sa pagpipigil sakin. He hates me... Pero nag aalala ba siya sakin?

"Because I said so... Now, I'm asking you... Kung ibang lalaki ako, anong mangyayari sayo?"

Nagkibit-balikat ako, "I don't just go with anyone, Jayden."

"Really?" Tumaas ang kilay niya.

"Yes."

"Kung ganun, paano mo nagawang makipagsayaw na parang baliw kasama ang lalaking iyon? And the first night I saw you, akala mo ba hindi kita nakitang nagsasayaw na parang prosti? And look at your clothes? Your hair? Your make up-"

"Excuse me, hindi makapal ang make up ko."

Pumikit ako dahil umikot na naman ang mundo ko. I seriously wanna puke.

"Hindi naman ako sumama, diba? Just dancing, Jayden." Sabi ko nang nakapikit ang mga mata ko.

"Really? Hindi ka sumama kasi nandito ako. Paano kung wala ako?"

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon