Chapter 9

1M 25.9K 6.3K
                                    

Chapter 9

Ang Tsinelas

Nanghihina ako nang tumuloy ako sa front seat ng sasakyan niya. Hindi ko maintindihan. Kung ibang lalaki talaga ang nagsalita sakin ng ganun, baka nabigwasan ko na. Hindi ako sanay na may naiinis o naiirita sakin.

Wala naman akong masakit na nagawa sa kanya, bakit kaya ganyan na lang siya kung makatrato sakin?

Tahimik ako buong byahe. Tahimik din siya pero naramdaman ko ang pagsulyap niya halos kada limang segundo sakin. Ngumuso ako at diretso parin ang tingin sa kalsada.

Like it or not, you will like me, Jayden.

Hindi ko man lang siya sinulyapan pagkatapos niyang mag park. Panay ang tingin ko sa salamin at inaayos ang sarili ko. Nilagyan ko ng powder ang ilong at noo ko. Kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya sakin.

Lumabas ako ng sasakyan niya at sumunod rin siya. Naglakad kami papuntang Ayala at sumunod rin siya ng walang imik.

"Charity!" Sigaw ng kilala ko noong college. "OH MY GOSH! NA MISS KITA!" Nanggigigil na bati ni Angel sakin.

"Oh my, Angel! Nakauwi ka na pala! Hindi ka man lang nagsabi!"

"Of course! Surprise!" Tumawa siya at sumulyap sa nasa likod ko.

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata. Humagikhik siya at siniko ako ng palihim.

"Boyfriend mo?"

Napatalon ako sa tanong ni Angel.

"Di, neighbor. Ito nga pala si Jayden." Hindi ako sumulyap kay Jayden. "This is Angel."

"Hi, Jayden! Kamusta si Cha as neighbor?" Ngumisi si Angel.

"Okay lang." Narinig ko ang malambing na pag halakhak ni Jayden.

Napakunot ang noo ko. Ang lambing niya sa ibang babae pero sakin ang harsh!

"Kumusta ba siya as a friend?" Humalakhak ulit ng malambing si Jayden.

Hindi ko na naiwasan ang pagtingin sa kanya. Matagal ang titigan namin kahit si Angel naman talaga ang kausap niya. Nakangiti siya pero alam kong di iyon para sakin.

"Naku! Mabait itong si Charity! Paborito ko nga ito eh. Miss congeniality. Maramig kaibigan simula pa nung college kami."

Tumawa ako.

"I don't know if that's a good thing, though."

Nagkatinginan ulit kami ni Jayden. Napawi ang tawa ko at napalunok na lang ako ng limang beses. Damn it! Is that a bad thing?

"Uy! Masaya kaya! Masaya siyang kasama kaya syempre maraming gusto siyang maging kaibigan."

Tumango si Jayden sa sinabi ni Angel.

"Oh! Anyway, sige na, maiwan ko na kayo. Imemeet ko pa yung mga pinsan ko. Cha! Party, alright?"

"When?" Agad kong tanong.

"Itetext lang kita! Ugh! I miss you so much!" Sabay yakap niya sakin. "Nakuha ko yung number mo kay CJ. Itetext lang talaga kita, alright!" Kumaway siya at kinindatan si Jayden.

"Alright! Hihintayin ko." Nakangisi kong sinabi sa kanya.

Umalis din naman siya kaya nagpatuloy ako sa paglalakad para pumunta sa mga paborito kong boutique kaya lang meron atang tuliro at hindi mapakali sa nangyari.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon