Chapter 45

994K 22K 2.9K
                                    

Chapter 45

Ang Gustong-Gusto

Wala silang nagawa kundi pagbigyan ako sa hiling ko. Nagpunta kami sa isang mamahaling bar. Iyon ang mga tipo ni CJ. Chill. Ayaw ko nga sana dito pero dahil ipapatapon kami ng ate ko kung sa isang club kami pumunta kaya pumayag na lang ako.

Nasa bar ako malapit sa bartender habang ang mga pinsan ko naman ay nakaupo sa malayong sofa.

"Bakit di ka sumama sa mga kaibigan mo, miss?" Tanong noong bartender.

Mag isa ako dito sa high chair at nakahilig ang ulo sa table. Para bang tinatamad sa ginagawa. Panay ang pitik ko sa shotglass na hindi ko pa nagagalaw. Screw driver, natatawa ako sa pangalan ng inumin.

"Wala lang." Sagot ko sa bartender.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

"Cha, kung sana sinabi mong magiging tulala ka na lang pala sana sa condo na lang tayo ng ate mo." Sabi ni Erica nang dumaan sakin galing CR.

Hindi ako umimik at hinayaan siyang umalis na. Umupo ako ng maayos at napagtanto kung gaano ka sakit ng likod ko dahil sa posisyon ko kanina.

Nalaglag ang panga ko nang nakitang alas diyes na pala ng gabi. Dalawang oras akong tulala sa isang inumin lang?

Nilagok ko ang screw driver. Pinaka mura ata sa lahat ng inumin dito. Nahirapan pa sila dahil wala pa masyadong ingredients non dito. Puro wine lang kasi ang meron.

Umorder ako ng isang shot ng pinakamahal na wine doon. Natawa pa ako sa price nito. Laslas. Bakit ang mahal? Well, isang shot lang naman.

Nilagok ko iyon ay hinawi ang buhok ko. Naramdaman ko talaga ang wine sa dila, sa lalamunan at sa tiyan kong dumaan. Napatingin ako sa table nina CJ. Nakatingin siya sakin at umiling.

Agad nag alon ang paningin ko. Seriously? Yung isang shot nung wine nakakatipsy? Akala ko ba hindi nakakalasing yung wine? Ang mahal naman noon. Nanghihinayang ako kasi nilagok ko lahat. Huhu. Pero nag aalon na ang paningin ko.

Napapikit ako at pinisil ang ulo ko. Gusto ko na lang bumagsak. Baka isugod ako sa ospital nito. Nakakalasing ba ang mga wine?

May bigla akong naramdaman sa skirt ko. Hinihila ng isang kamay iyon pababa.

"What the fvck!" Sabi ko agad kahit hindi ko pa nakikita kung sino iyon.

Nasa likod ko kaya nag effort pa akong lumingon para tignan kung sino iyon.

Lasing na ata talaga ako. It was Jayden. No. It can't be... lasing lang talaga ako.

"Stop wearing his mask you ugly pig!" Sabi ko sabay sampal sa kamay niya.

"Your panties are showing!" Matalim niyang sinabi sa tainga ko.

"Sino ka ba at anong pakealam mo? You're not my husband." Sabi ko ng wala sa sarili.

"Hey, Sakin lahat ng bill ngayong gabi. Let's call this a night." napatingin ako kay CJ na nag lagay ng cold cash sa harap ng bartender at tinuro ako. "You... be a good girl." Itinuro niya ako. Dalawang daliri ang nakabalandra sa harapan ko.

Seriously? Anong wine ba iyong nainom ko?

"What? wait? Sama ako." Tatalon na sana ako sa high chair pero may kamay na pumulupot sa baywang ko.

"You're not going anywhere without me, Charity."

Yung bastos na lalaki kanina, kilala pala ako?

Ngayon ay matama ko na siyang tinignan. Who the hell is this guy? Pero iyon parin, si Jayden parin ang nakikita ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko at kinalabit ang pisngi ng lalaki.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon